Dali dali akong pumasok sa loob ng sasakyan at doon ibinuhos lahat ng sakit at poot sa aking dibdib.

Lumipas ang taon at ganoon parin ang pakikitungo ng mga magulang ko saakin. Though it's hard, but I already accepted it.

"Challes huwag mong kalimutan na may training ka after class." Bilin ni papa bago siya umalis.

Kahit na hindi ko gusto itong lawn tennis ay pinaglaanan ko parin ito ng oras at panahon dahil alam kong ito ang kagustuhan nila.

Tuwing martes at huwebes ay dumideretso ako sa kaagad sa tennis court dito sa amin dahil doon narin naghihintay ang trainer ko then our training would end by seven pm. Samantalang tuwing sabado naman ay ala-sais kami ng umaga mag-sisimula at matatapos by nine am.

Halos bumigay na nga yung katawan ko dahil sa sobrang hirap ng training. Kaso pinipilit ko parin dahil kailangan.

Sabi kasi ni papa na kapag mahusay na ako rito ay ilalaban niya ako sa mga tournament. Kaya pinagsisikapan ko talaga na mas matuto ng maaga dahil may gaganapin na naman na sports event na kung saan makakalaban namin ang mga estudyante na mula sa iba't ibang paaralan.

That's what they want for me. They want me to gain achievements that would be recognized by  a lot of people. They crave so much for other people's attention.

Habang nagtuturo ang teacher namin sa harap ay pilit akong kinukulit ni Glyde. Tinutusok niya ang tagiliran ko ng ballpen, at hindi talaga siya nagsasawang gawin iyon kahit na hindi ko naman siya pinapansin.

Mariin kong pinikit ang mata ko at huminga ng malalim. "What is it Glyde?"

She chuckled. "May training ka mamaya?" She asked then giggled.

Anong problema nito?

I furrowed my eyebrows. "Yeah, why?" Bakit naman niya tinatanong eh alam naman niya yung schedule ng training sessions ko. "Glyde, later na yung chika please, makinig muna tayo kay sir." Math pa naman itong itinuturo ni sir.

"Magkikita na naman kayo ni Reon?" So that's why she asked about it!

Reon and I have the same trainer, but unlike me he already won several tournaments and sports events! Nahihiya nga ako minsan kapag kasama ko siyang mag training dahil sobrang galing na niya.

I rolled my eyes at her, "Training yung pupuntahan namin Glyde. Ano na naman bang iniisip mo?"

"Bawal bang magtanong?" Aniya sabay taas ng isang kilay. "I really ship both of you kasi eh!" At yan, lumabas na talaga sa bibig niya.

"I'm not her type Glyde.." diretso kong sagot habang isinusulat ang mga solution na nasa board.

She giggled again. "But he's your type right?"

Tumigil ako sa pagsusulat at hinarap siya. Well I can really say that Reon is an ideal type of guy. Masculine, athletic, family oriented, at kahit papaano ay hindi niya rin pinapabayaan ang grades niya. "He's my type but I don't like him." Giit ko at nagpatuloy na sa pagkopya sa mga nakasulat sa pisara.

"Magkakagusto ka rin sakanya sooner.." she confidently said and started copying what is written on the board.

Napaisip ako, I'm now on my third year in high school pero wala parin akong masyadong nagugustuhan na lalake, at wala din namang nagkakagusto saakin.

Euphonies of Bleeding Strings Where stories live. Discover now