"You really did a great job Joan!" Ani mama, pagkatapos kaming kuhan ng litrato ng photographer.
"We're so proud of you! This is such a big accomplishment.." dagdag ni papa. "Sayang naman at hindi nakarating si Jeanne."
"It's okay tito, I have the three of you naman." She cheerfully says and glanced at me.
I managed to smile back at them even though somethings killing me inside.
"Tita, tito, punta muna ako sa mga friends ko saglit ha?" Paalam ni Joan habang hindi parin binibitawan ang malaking bouquet.
"Take your time honey." Sagot ni mama.
Tinignan ko sila at dahan dahan kong kinuha yung medal na nasa loob ng bag ko. "Ma, pa. I also won the first place sa extemporaneous speaking kanina." Kahit na naiiyak na ako, ay minabuti kong ibinigay sila ang medalya.
My dad accepted and stared at it. Nginitian niya ako kaagad at hinagkan sa noo.
"May picture rin po ako." Kinuha ko sa bulsa ang litrato at inabot kay mama.
"Job well done honey." Ani mama. "But I think it's much better to have accomplishments next time that would definitely seen by the crowd, just like this." Sabi niya sabay tingin sa stage at kay Joan.
My dad agreed with mom and gave me back the medal. I deeply composed myself not to throw it, kahit na sa totoo ay gusto kong itapon sa harapan nila iyon.
"Okay lang naman saakin na kayo lang yung nakakaalam—"
"Mr. and Mrs. Asmarind! Mabuti naman at nakadalo kayo rito!" Bati ng school principal namin.
At mas pinaglaanan pa nila ng atensyon iyon kaysa sa sinasabi ko. Sabagay, they care more for other people than their own daughter.
No matter how hard I tried to become the best for them, at the end of the day they won't appreciate it.
They want me at my best, I gave them my best! But it was always not enough.
They always comparing me with Joan kahit na alam naman nilang iba si Joan at iba ako. Pilit nilng ipinararamdam saakin na mas gusto nilang maging anak si Joan instead of me.
At yun yung masakit. Dahil alam ko sa sarili ko na pinagsisikapan kong mabuti na maabot ang mga bagay na gusto nila, kahit hindi ko naman gusto.
Pinagmasdan ko ang masasayang mukha ng mga taong nakapalibot saakin.
How could they be so happy? Bakit ang dali sa kanilang maging masaya? Samantalang ako, kahit anong pilit kong maging masaya pilit din akong hinihila ng langit sa walang humpay na kalungkutan.
I couldn't stand here anymore, hindi ko kayang makita ang masasaya nilang mga mukha.
My tears started to fall. Agad akong tumakbo papalabas sa kinaroroonan ko at hinanap ang kotse namin kahit na hindi ko na malinaw na nakikita ang dinaraanan ko dahil sa mga luha na namumuo saking mga mata.
Napahinto ako ng makabunggo ako ng tao. "Mag ingat ka naman!" Singhal niya dahilan upang humagulhol ako.
Akmang lalapitan niya ako ngunit tumakbo na ako papalayo sakanya ng mamataan ko si manong na nakatayo sa gilid ng kotse namin.
ESTÁS LEYENDO
Euphonies of Bleeding Strings
Novela JuvenilDespite of having a complete and financially stable family, Eschalles Usha Asmarind grew thinking she has nothing, but just a dull unexciting life. She grew up like a puppet with strings attached, being controlled by her parents, which made her to...
Chapter 2
Comenzar desde el principio
