|Prologue

33 4 10
                                    

Disclaimer: This book is a work of fiction. Any names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

I don't own the picture from the cover, credits to the owner.

 
_________________________

"Kasasabi ko lang sayo Lulu na wag ka sumunod sakin dito" sigaw nang lalaki habang tumatakbo silang dalawa sa isang masikip na eskinita.

"Kailan ba yun? Di ko naman naalala may sinabi ka ah." seryosong sagot nito, dahil sa sinabi nya napaface palm nalang ang lalaki at dali daling lumiko sa tagong eskinita at hinila ang babae doon. 

"Wala ka na talagang ibang ginawa kundi ang bigyan ako ng sakit sa ulo." 

"Hoie wala akong powers para saktan ka mentally." 

"Wala akong sinabing powers tanga."

"Baka ikaw tanga."

Nagsimula naman ang dalawa magbangayan habang nakatago sa gilid ng pader. Hindi naman sila nagsisigawan, more like bulungan na bangayan. Pero dahil sa hindi sila naging alerto sa paligid, bigla nalang may humila sa maliit na babae na naging sanhi ng pagtigil nilang magbangayan. 

"Aray." napasigaw naman ang babae sa sakit dahil pinilipit ng lalaki ang kanyang pulsuhan pagkatapos siya nito hilahin. 

"F*ck" bulong ng lalaking kasama ng babae kanina sa sarili.

"Hoie kumag, iligtas mo ko." demanda ng babae habang nasa hawak parin ng lalaki. 

"Huh? Bat kita ililigtas eh ikaw nga tong dahilan kung bat ako mahuhuli dito."

"Kasalan ko pa eh sa hindi ka kasi marunong magtago, ang dali mo lang mahuli."

Napatawa naman ang taong nakahawak pa rin sa babae. Malaking tao ito kung nasa perspective ng maliit na babae, pero mas malaki parin ito kumpara sa lalaki na kasama nya kanina. Hindi naman sya ganun katangkad compare sa isang lalaki. Sadyang malaki ang katawan ng may hawak sa kanya, parang bouncer ng isang club sa laki ng katawan. Nakakadiri na nga ito tignan dahil sa mga muscle na parang puputok na any minute. Tapos may dala pa itong baril sa kabilang kamay nya na nakatutok ngayon sa ulo ng babae. 

"Alam nyo pwede na kayo pang comedy bagay kayo, at hindi ko rin inaasahan na ang dakilang Salvador ay mahuhuli lang ng isang batang estudyante nato. Kung ganun ka lang pala kadaling mahuli eh sana naghire nalang ako ng mga estudyante para mahanap ka." 

Napalingon naman ang babae sa bouncer na lalaki ng sabihan sya nito ng batang estudyante.

"Anong-" hindi pa man nya matapos ang reklamo nya sumabad na ang lalaking kasama nya kanina. 

"Especial child yang hawak mo kaya wag mo sya ikumpara sa ibang estudyante." 

"HUH----?" napasigaw na talaga ang babae ng sumali pa sa pang-aasar ang kasama nya. Nagpumiglas sya ng nagpumiglas hanggang sa di nya napigilan na kagatin sa kamay ang bouncer na lalaki. Nawala naman ang pagkahawak ng lalaki sa kanya at dali dali sana siyang tatakbo sa kasama nya ng...

*Bang...* 

"LULUUUUU!!!!" 

Parang nagslow motion ang lahat. Nakaabot ang kamay ng lalaki patungo sa babae at ganun din ang babae, but no matter how much he reach his hand to hers, huli na ang lahat. Her body fell into the ground, blood scattered beneath her. 

It was too late.

"NOOOOOOO!"

___________________________

Saan nga ba nagsimula ang lahat? 

Looking back in time, peaceful naman sana ang buhay ko ah. I was a self proclaimed detective na mahilig manuod ng Detective Conan. 

Hindi naman sa nagmamayabang, may utak naman ako, kaya nga siguro palagi akong tumutulong sa papa ko. He's a police investigator at dun ko siguro nakuha yung interest ko na mahilig magsolve ng mga crime scenes. 

But that's not my point here.

Where, did it all go wrong? 

Ah. right it was that time when nakilala ko sya. 

That time when I was plunged into a world unknown to me.

That time when he became my classmate.

That time na naging kaibigan ko sya.

That time when tinuring nya akong kapatid.

And that time na nagustuhan ko sya.

Sometimes when your in love, its requires sacrifice and effort to put it all together. 

Kahit man na alam mong ikaw na tong lugi, push ka parin para lang sa inyong dalawa.

Kahit na alam mong ikaw na tong masasaktan, go ka parin kasi nga...

Gusto mo sya. 

"There is no better place I'd rather be than here by your side."

He is my special person.

That's just how it is.

I am Sheena Lou Lorenzo, and this will be the start of my overly dramatic and dangerous love story.

Where a person not so perfect, stole my heart. 

I am on chase...

And this time, I will definitely catch him... 

___________________________

My Criminal BoyМесто, где живут истории. Откройте их для себя