Naglalakad lakad ako sa tabing-dagat at halos mapatalon ako dahil may sumabay sakin.

"Bwisit ka! Nakakagulat ka!" singhal ko kay Ricci. Oo, si Ricci fvcking Rivero nga yung sumabay sakin.

Tumawa siya at saka naupo sa sand, tinabihan ko naman siya.

"Ang pangit mo, alam mo 'yon?" nang-aasar na sabi niya. Sinamaan ko siya ng tingin.

Lihim akong napangisi at mabilis na inilapit sa mukha niya ang mukha ko. Malapit na malapit. Nanlaki ang mga mata niya.

"Talaga ba? Pangit ako?" nakangisi kong tanong.

Napalunok siya at umiwas ng tingin pero hinawakan ko ang mukha niya at hinarap sakin.

"Ano? Pangit 'no?"

"Oo."

Natawa ako at bahagyang lumayo. "Kaya pala napapalunok ka?" I whispered and his eyes widened.

Tinawanan ko siya at tumayo na bago pa siya makasagot.

Napangisi nalang ulit ako dahil sa nakita kong reaksyon niya.

"Oh, eto na pala si Captain!" sigaw ng isa sa teammate ni Ricci. Ang ingay talaga nila!

"Coach nandito na!" sigaw ni Kib.

Oh, ano naman kung nandito na ako?

"Coach, nandito na sila!" sigaw ni Kylie. Ka-team ko.

"Oh, Zoey, Ricci. Kanina pa namin kayo hinahanap.."

Tumingin ako sa likod ko at nakita ko si Ricci na nakatingin sakin. Hindi ko alam na kasunod ko lang pala siya.

Nginitian ko naman siya ng pagkatamis tamis! Pang-asar lang!

"Ah, naglakad lakad lang ako, Coach." sagot ko.

"Sinong kasama mo?"

"Si—"

Ricci cut me off, "Nakasabay ko siya, Coach.." he said.

Tumalikod samin si Andrei at bumulong. "Asus, kaya pala magkikiss na sila kanina.."

Kinuha ko yung maliit na kutsilyo sa table at pinaikot 'yon sa daliri ko.

"Are you saying something, Caracut?" I asked him, still looking at the knife.

Pansin kong natigilan siya. "H-Huh? W-Wala ah. Wala..." sagot niya, nauutal. Nagtawanan naman ang mga kasama namin.

"Gago ka ha. Nilaglag mo eh.." komento ni Kib at binatukan si Andrei. Inulan naman kami ng panunukso, sa pangunguna ng mga lalaki. Ang iingay, daig pa babae!

Napailing nalang ako at tumabi na kila Dannielle para kumain na.

Matapos kumain at magpahinga ay nagkaayaan silang mag volleyball.

Sanay ako sa ganito pero hindi sa ganito katinding init. Sobrang init eh! Kaya mas gusto kong maglaro sa loob ng court kesa sa beach. Tsk.

Kalaban namin ang mga lalaki, isa na don si Ricci. Sanay din kasi sila kaya gusto nilang maglaban ang babae at lalaki.

Nagpatuloy kami sa paglalaro kahit naluluha na ako dahil nasisilaw ako.

"Zoey, sayo!" rinig kong sabi ni Micaella.

Sakin? Tuminga ako para tingnan ang bola pero agad na 'yong tumama sa ulo ko, dahilan para mahilo ako at mapaupo. Putangina, ang lakas non ah! Sino ba tumira non?!

"H-Hey.. Are you okay? Nahihilo ka ba? Anong nararamdaman mo ha? Zoey.." hindi ko man makita kung sino 'yon pero alam kong si Ricci 'yon, base na rin sa boses niya.

Hindi ko alam kung bakit, pero natawa ako. Masiyado kong ramdam ang pag-aalala niya.

"Hala, Coach! Ayan na naman siya! Tumatawa na naman siya kahit nasaktan na!" sabi ni Dannielle.

Pinilit kong dumilat at tumingin sakaniya pero mas lalo lang akong nahilo.

-----

Nagising akong masakit ang ulo. Argh! Ano bang nangyari?! Pilit kong inalala ang nangyari kanina kung bakit ako nawalan ng malay.

Oh, natamaan ako ng bola. Sino ba kasi ang tumira non?! Ang lakas ah!

"Thank God, you're awake..." sabi ni...

"Ricci? Anong ginagawa mo dito?" takang tanong ko sakaniya.

Lumapit siya sakin at naupo sa kama ko dito sa kwarto namin nila Dannielle.

"I was waiting for you to wake up.." he answered and smiled at me.

"Ohh." lang ang naisagot ko dahil nawalan ako ng sasabihin bigla.

He's waiting...? Does that mean, he's... He's worried?

"Pinag-alala mo ako. Kanina ka pa natutulog. Hindi ka na rin nakakain ng dinner."

Dinner?! Gabi na?! Ganoon ako katagal na walang malay? Wait—'pinag-alala mo ako'

"Nag-alala ka sakin?"

He sighed and nodded.

"A-Ah.." Wala akong masabi!

Umupo ako at sumandal sa headboard ng kama saka nagcellphone, nagpapanggap na busy dahil ang awkward!! Sobrang awkward!!

Bumukas ang pintuan ng kwarto at niluwa non si Dannielle.

"Zo....ey" mula sa malakas na boses ay bigla itong humina nang makita si Ricci sa tabi ko—sa kama ko.

"Oh my gosh! Thank you, Dannielle!" masayang sabi ko, pumalakpak pa.

Salamat naman at dumating siya! Hindi na masiyadong awkward para sa aming dalawa ni Rivero.

She stared at me, confused!

"W-What?"

Ngumiti lang ako sakaniya. Nakita ko naman ang pag-iling ni Ricci sa tabi ko.

"Labas na muna ko.." paalam niya. Agad akong sumimangot, hindi na napigilan. Gusto pa kita kasama!

He sat down again, next to me.

"Ayaw mo ba?" he whispered, grinning!

"Sige, lumabas ka na." inis kunwaring sabi ko, tinatago ang kahihiyan.

Ngumisi siya sakin bago tumayo at magpaalam samin saka lumabas. Nakahinga naman ako ng maluwag nang makalabas siya. Ang gulo mo, heart ha! Ang gulo gulo mo!

"Uyyy... Ricci...." nang-aasar na sabi ni Dannielle at naupo sa couch. "Anong meron sainyo, Captain ha?" she added.

Kumunot ang noo ko kasabay ng pag-init ng mukha ko, "Alam mo, bigyan mo nalang ako ng pagkain kesa mang-inis ka diyan!"

"Hoy, babae. Ulo ang tinamaan sayo at hindi paa, kaya lumabas ka don at kumuha ka ng pagkain mo. Aba!" sabi niya bago ngumisi.

"'Yon na nga eh! Ulo, Dannielle! Ulo! Mas delikado ang ulo kaysa sa paa kaya ikuha mo na ko! Bilis! Bilisan mo sabe!" sigaw ko sakaniya.

Natawa siya at bago pa makatayo ay bumukas na ang pinto at pumasok si Ricci dala ang... PAGKAIN?!

ANG ISANG RICCI RIVERO, DINALHAN AKO NG PAGKAIN?! ARE YOU FVCKING SERIOUS.....!

OH MY GOODNESS! Iba na 'to ha.

Forced Marriage - COMPLETEWhere stories live. Discover now