Chapter 11: Date

Magsimula sa umpisa
                                    

If he didn't want to talk to me, he should have told me earlier. Then I wouldn't have wasted my energy on trying to start a decent conversation with him. Kapag ako ang hindi nagsasalita, naiirita rin naman siya at kinukulit ako. I would end up talking to him kahit na puro kami away dahil napipikon na ako. Now that the roles had been reversed somehow, he's just flat out ignoring me. E di, huwag nang mag-usap kahit kailan. Madali naman akong kausap.

On the other note, the walkout he did on TV did more bad than good. Well, at least, for me. It just sparked up a lot of new questions, at mas maraming bait content ang na-generate nila roon. If tingin ni Ryo e naiwasan niya ang tanong, nagkakamali siya. Sawang-sawa na nga ako na pinag-uusapan siya sa trabaho. None of my workmates knew about our relationship, except Nate. Of course, hindi naman niya babanggitin sa akin. Others who were oblivious kept on gossiping about him even if I could hear them.

I've been meaning to ask Ryo about it pero nakaiinis nga siyang kausap dahil parang laging lumilipad ang isip niya. I was just curious, alright. Sa tagal na ngang naka-stuck sa utak ko ng tanong ko sa kaniya, nakapag-formulate na ako ng iba't ibang scenario at kung paano ako lulusot sa possible responses niya. If he would ever ask me why I asked, I would just tell him that it's for insider content at napag-utusan lang ako. Easy as that.

"Frankie, ano'ng meron?" ulit niya sa tanong niya kanina habang naghihintay kami.

"Nothing," I answered coldly. I lost the mood to talk to him. Kaninang nasa mood ako, ayaw niya akong kausapin e.

Another thought crossed my mind. What if may problema sila ni Talie kaya siya ganiyan? Is it about the media and their privacy? E parang mas private pa akong tao kaysa kay Talie, at hindi naman siya masyadong namroblema noong sinabi ko sa kaniya na ayaw kong isapubliko ang relasyon namin. Pero kung sa bagay, wala namang media na nakaabang sa kilos ko, unlike Talie.

But still, if Talie didn't want the media's attention, then she shouldn't have posted sketchy things. O baka gusto niya rin? Ewan.

It's either that . . . or he hasn't told Talie about my pregnancy yet. Ni hindi ko nga alam kung ano ba silang dalawa. Ang huling alam ko, walang kahit ano sa kanila. Malay ko ba kung kailan iyon nagbago.

Hiling ko na lang, hindi ako madamay sa drama ng buhay nila. Hindi ko yata alam kung ano ang gagawin kapag hindi na lang ako writer kundi topic na mismo ng articles. Gaano kaya iyon ka-awkward tuwing papasok ako?

Parehas iyong posible. Plus, I had not seen any traces of Ryo on Talie's social media accounts since that infamous walkout.

"Ano nga kasi?" Ngayon, nangungulit siya e ilang araw na nga niya akong dinededma.

"Wala nga, 'di ba?"

"May sinasabi ka kaya."

I rolled my eyes. "Narinig mo naman pala e, why are you still asking?"

He sighed. "Hindi ko naintindihan."

I shrugged. "Not my problem."

Hindi ko siya kino-congratulate kahit nananalo sila sa games nila. Kahit paano ay natabunan ng mga pagkapanalo nila ang issue sa walkout. Ang tagal na kasi noong huling nakarating ang team nila sa finals.

"Galit ka na naman e," he mumbled when Doktora excused herself for a moment dahil may tumawag sa kaniya.

"Ginagalit mo kasi ako," I replied, trying to remain composed. Any minute now, baka bumalik ang doktor. Nakahihiya naman kung maaabutan niya kaming nagbubulyawan.

"So, galit ka nga?" I heard his chair scraping the floor. Napatingin ako sa sahig at nakita kong inilapit niya ang upuan. Napakibit na lang ako. Lalapit-lapit siya ngayon e ang tagal-tagal niya ngang layo nang layo sa akin?

Fleeting MomentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon