Chapter 1

7 2 0
                                    

Martina's Point of View

"Ma'am,saan po tayo?" - tanong sakin manong taxi driver.

"Chungwa State University,po!" magalang kong sagot kay manong. Tumango naman siya at agad niyang pinaandar ang kotse.

Walang maghahatid sakin ngayon dahil may business trip si mama kaya nagtaxi nalang ako.
Ako nga si Martina Delos Reyes,dalawa nalang kami ni mama ang magkasama sa buhay kasama ng mga maids namin sa bahay. Bata pa lang ako ng mamatay ang papa ko sa isang plane crashed. Meron pa nga akong mama pero feeling ko wala parin siya dahil sa bihira lang siya kung umuwi. Nang mamatay kasi si papa,si mama na agad ang naghandle sa lahat ng mga hotel and restaurants na pagmamay-ari na namin. Noon lagi akong hinahatid ni mama pero ngayon bihira na. Hays!

20 years old na ako ngayon at freshman college na. Sa CSU ako mag-aaral ng first year college dahil sa gusto ni mama. Kasalukuyang papunta na ako dun.

"Malapit na po tayo,Ma'am," ay!malapit na pala kami hindi ko manlang napansin. Ano ba yan,eh ang dami ko kasing pinuputak sa isip ko.

Tumango lang ako Kay manong ay hinanda na agad ang perang bayad ko.

"Nandito na po tayo," aniya tapos paunti-unting hininto ang sasakyan. Binayad ko ang pera ko tapos lumabas na agad.

'Whoah!'

Hindi ko mapigilang hindi mamangha sa paaralang papasukan ko. Sobrang ganda 'wow' yan na lamang ang nasambit ko sa aking isipan. Sobrang ganda talaga! Merong iba't ibang palamuti ang nakapalibot sa buong entrance ng school.

Pinakita ko sa mga guards ang aking I.D,pangkumpirma na ako ay isang 'chungwanians'. Green ang I.D ng mga first year college students, blue sa mga second year, red sa mga third year at samantalang white naman sa mga fourth year college students.

Pumasok na ako sa loob ng school at grabi,sobrang dami ng mga studyante. Based on my instincts, kung saan ka pupunta ay marami ka talagang makikita na chungwanians. May iba na nagme-make up,yung iba nakikipag chismiss sa kanilang mga kaibigan samantalang yung iba naman ay lakad lang ng lakad at isa na ako dun.

Dumiritso muna ako students board para sa mga freshmans at mga transferees. Pagdating ko dun ay marami-rami na rin ang mga estudyante kaya no choice ako kung hindi sumuksok.

"Ay puta," mura ko ng masikhan na isang babae ang papaya ko. Aray,ang sakit talaga. Nakakainis ha,sumusoksok na nga ako dito kahit nasasaktan na ako,tapos sisikuhin lang ng iba yung papaya ko.

Wag mo kasing ipilit na isuksok ang sarili mo para hindi ka masaktan.


At sa wakas,nakapunta na din sa unahan. 'Kailangan kong magmadali dahil ang baho na dito ng pawis sa kili-kili,hehe'. Mabuti nalang talaga at nahanap ko agad ang pangalan ko.

Name: Martina Delos Reyes
Year: Freshman College
Class: A-2

Pagkatapos kung mahanap ang pangalan ko ay agad din ako umalis sa kumpulang iyon. Agad kong kinuha ang panyo sa bulsa  ko at pinahid sa liig at mukha ko na may maraming pawis.

Our Unexpected Kind Of RomanceWhere stories live. Discover now