CHAPTER 34: BAGSIK NG ARAW

Start from the beginning
                                    

"Halika na, tanda," asik ng napag-utusan. Namuo man ang galit ay sumunod naman si Kahayag, lihim na nilinga ang mahadlikang kay taas ng tingin sa sarili.

"Sino po ba ang isang iyon, amang?"

"Isang siyang lakan sa bayang ito, kapatid ng aming pinuno. Mabuti at iyon lamang ang ginawa niya sa inyo, ingkong. Hindi kawili-wili ang ugali ni Limas." Lihim na ngumisi si Kahayag.

Maingay ang bahay-aliwan ng gabing iyon dahil maraming dayo ang dumating sa bayan ng Matingkad upang mangalakal. Kanina pa nagmumukmok sa kanyang dulang si Limas habang tanaw ang mga taong nasa loob ng bahay. Inutusan niya ang kanyang kawal na hanapan siya ng babaye para sa gabing iyon ngunit walang ibig sumama sa mayamang lakan dahil bantog na sa mga bayaran ang malahayop na turing ni Limas sa mga babaye. Ilan sa kanyang mga kawal ang bumalik sa kanyang dulang nang walang dalang babaye. Pabalang na lumabas ng bahay-aliwan ang lakan at sa galit niya'y nabundol niya ang ang babaeng papasok sana sa bahay-aliwan.

"Tumingin ka sa dinadaanan m...."

"Pasaylo, lakan..." mayuming wika ng babae. Natigilan si Limas, hindi nakapaniwala sa kanyang nakikita nang mga sandaling iyon. Napakaganda ng babayeng kaharap niya at biglang nabuhayan ng loob ang binata. Marahas niyang hinawakan sa braso ang babaye at walang pasintabing hinila ito papalayo sa bahay-aliwan. "Sandali lang, lakan... ano'ng ginagawa niyo?" May takot ang boses ng babaye, ngunit walang narinig ang lakan habang kaladkad niya ito hanggang sa marating nila ang kanyang balay. Patulak niyang pinapasok ang panauhin sa loob ng silid. "Lakan!"

Isang matunog na sampal ang inabot ng babaye.

"Itikom mo iyang bibig mo, timawa." Asik ni Limas. "Kung hindi'y lalo kang makakatikim sa akin... at maiibigan ko ito!" Nagmistulang baliw ang anyo ng lakan habang patulak niyang isinandal sa pader ang babaye, sabay punit sa pang-itaas nitong kasuotan. Lumantad ang batang katawan nito, na siyang higit nagpatakam kay Limas. Hinubog ng kanyang mga kamay ang lawas ng babaye, tuwang-tuwa sa makinis nitong kutis... hanggang sa mapansin niyang hindi pumapalag ang kaharap. Bahagyang dumilim ang anyo ng lalaki at sinakal ang babae. "Sumigaw ka at magmakaawa!" Ngunit, nanatiling nakatitig lang ito sa kanya. Sa galit, makailang ulit niya itong sinampal hanggang sa uminit ang kanyang mga palad. Hindi pa nasiyahan, sinikmurahan niya ang babaye. Ilang ulit rin, hanggang sa marinig niya ang ungol nito. Lumuwang ang ngiti sa labi ni Limas. "Ganyan nga!" At muli niyang inundayan ng suntok sa sikmura ang babaye, hindi nilubayan kung hindi ito napaluhod, sapo ang inabusong bahagi ng katawan.

"Sumigaw ka kung ibig mo," hamon pa ng lakan, pasabunot na hinawakan ang buhok ng babaye at pilit pinatitingin sa kanya. Lihim siyang nagulat nang walang bakas na takot ang anyo nito nang magkatitigan sila.

"Kainit..." Bulong nito sa lakan. Napakunot-noo ang kaharap, halatang hindi naintindihan ang ibig sabihin ng babaye.

Nag-umpisa ang kakaibang init sa kanyang mga kamay, lumatay ito patungo sa iba't ibang bahagi ng kanyang katawan, at kaakibat ng init ay ang hindi maipaliwanag na sakit!

Napapitlag si Limas, hindi malaman ang gagawin. Wari'y kumukulo sa init ang kanyang kalamnan! Nakakabingi ang kanyang sigaw habang mistulang tuod na nakaluhod sa sahig. Samantala'y nakatan-aw lamang sa kanya ang babaye, hindi alintana ang hubad nitong anyo.

"Tama na! Tama na!" Ngayo'y siya na ang nagmamakaawa sa babaye. Dumilaw ang mga mata nito, na mas lalong ikinatakot nin Limas. "Dilaw na mata! Isa na namang may dilaw na mataaa!"

Humupang bigla ang init sa katawan ng lakan bagama't naroon pa rin ang matinding sakit. Habol-hiningang ginapang ni Limas ang daan patungong pintuan upang makalabas ng balay at makahingi ng saklolo sa kanyang mga kawal nang sabunutan siya ng babaye at pilit pinaupo. Takot niya itong nilinga at napasigaw'ng muli nang magpalit-anyo ito at naging matipunong lalaki.

BabaylanWhere stories live. Discover now