Chapter 36 Literally

30 1 1
                                    

Chapter 36 : Literally

JR's POV

Nag-gagala ako ngayon mag-isa dito sa field. Walang available na makasama e. Busy lahat sa paggawa ng project na ipapasa this coming friday. Last day na kasi namin yun for this year at christmas break na.

Mabilis lumipas ang araw , after nung concert namin ni String Ting marami ang natuwa dahil sa new discover talent ko mostly faculty members. Marami din ang naiinis na mga estudyante dahil nagpapasikat na naman daw ako sa mga teachers namin, e.. matagal naman na akong sikat 'no. Kidding aside.

But anyways, ang aking napakagandang mga mata ay nakakita na naman ng magandang view.

"Hi Harry." bati ko sa kanya. Saglit niya lang ako tinignan at muling ibinalik ang tingin sa ginagawa.

"What are yoy doing here?" plain nitong tanong sa akin.

Umupo muna ako sa kaharap niyang bench bago sumagot.

"masama na bang lumapit sayo?"

"Hindi naman, pero baka magalit ang boyfriend mo." Bigla naman akong napataas ng kilay dahil sa sinabi niya.

"Boyfriend? wala akong boyfriend 'no. Unless kung sinasagot mo na ako." Huminto ito sa ginagawa at pinaningkitan ako ng mata.

Seriously, Ano bang nagawa ko at napaka-init ng dugo na naman nito sa akin?

Teka, kailan nga ba hindi?

"Alam mo bang masakit para sa isang lalaki ang ideny ng girlfried sa harap ng ibang tao?"

"Hindi kita maintindihan."

"Si Ian, hindi ba't boyfriend mo siya?"

ow Shoot! Alam nga pala sa buong campus naboyfriend ko yun.

"Yeah, he's my BOY FRIEND.. literally." this time siya naman ang nagtaas ng kilay sa akin.

"literally?" taka nitong tanong sa akin.

"yeah, as in LALAKING KAIBIGAN." nakangiti kong sagot sa kanya. Hindi ko alam kung natuwa ba siya sa sinabi ko dahil parang naglight yung mood niya. "Anyways, need help?" offer ko, mukha kasing hirap siyang gumawa ng project namin.

"sure." at dahil likas na matulungin ako at tinulungan ko na siya.

"Hindi ka yata naka-reading glass ngayon? Hindi ka ba nahihirapan makakita niyan?" usisa ko sa kanya.

"Hindi naman." simpleng sagot nito.

Tahimik na kami sa table habang gumagawa. Wala naman kasi akong maopen na topic sa kanya, at mukhang wala naman din sa itsura niya na gusto niyang makipagkwentuhan.

Maya-maya pa ay humangin ng malakas, malapit na talaga ang pasko.

"tsss, ang lakas naman ng hangin, nililipad tuloy yung iba mong gamit." sabi ko saka tumayo at pinulot yung nilipad na gamit niya. Pabalik na ako sa pwesto ng humangin ulit ng malakas at pasukan ng dumi ang mata ko.

"Ouch!" sabay takip ko sa mata ko.

"okay ka lang?" Hindi ko namalayan na nilapitan na pala niya ako.

"okay lang, napuwing lang yung mata ko." sagot ko, pero hindi ko maidilat yung mata ko. At dahil makati ay kinusot ko pa ng daliri ko.

"tsk! Tigilan mo nga yan." pigil niya sa kamay ko.

"Ang kati e." at tinangka ko pang kusutin ulit pero pinigilan niya ulit ako.

"iihipan ko na lang, okay?" bago pa man ako makapagreact ay in-open niya na niya yung mata ko saka ito inihipan.

Love CycleWhere stories live. Discover now