PROLOGUE

165 46 13
                                    

Prologue



"Ano?" Pagtatanong ko sa kanya kasabay ng pagpatak ng mga luha.

"Sabi ko ayoko na. Itigil na natin 'to." Ulit niya na katulad ko' y nakatayo din.


"Ano bang pinagsasabi mo?" Malumanay ngunit naaasar kong sambit sa kanya.


"Hindi mo ba talaga naiintindihan? Huh! Sa lahat ng matalino ikaw lang ata ang nagtatanga tangahan. Pwede ba maging fair ka naman oh." Nakakagat na labing sabi niya at tila nagpipigil din ang mgang luhang gustong kumawala.

"A-Am I not f-fair? S-Sabihin mo kung anong gagawin ko p-para magawan ko ng paraan na maging patas." Sinubukan kong hawakan ang siko niya ngunit iniiwas niya lang ito.

"Hindi mo ba nararamdaman? Hindi tayo para sa isa't-isa. Kaya ayoko na. Itigil na natin 'to." Pagkasabi non ay lalo lang nagbigay saken ng kahinaan.

"Hindi ko nararamdaman kaya hindi tayo titigil at kahit pa na magsawa ka wala akong pakilam." Kahit pa ipagsiksikan ko ang sarili ko ay gagawin ko.

"Jibrion naman. Pinapahirapan mo naman ako e. Sige na. Ayoko na. Kaya mo ba akong makitang nasasaktan? Ayaw mo ba akong sumaya?" Nawalan na ako ng pag-asa sa sinabi nyang yon.

"Ayon ba talaga ang gusto mo?" Pinantayan niya ang tingin ko kung kaya't nagkatitigan kami.

"Oo, Jibrion yun ang gusto ko." Walang kaemo emosyon nyang sagot.



Sweet ConfidanteOnde histórias criam vida. Descubra agora