"Busy si mommy sa pagpapatayo ng bagong branch ng botique niya sa kabilang bayan. And then si daddy naman, ayun hindi din daw makakapunta for some important reasons." She bitterly says. "Duh, alam ko namang busy lang siya sa bago niyang pamilya." She added and then rolled her eyes.

Inayos muli ng assistant niya yung pagkakalugay ng buhok niya at pinagmasdan ko lamang ito.

"Oh. I forgot. Sinabi ni tito kay mom kanina na baka ma late sila ng dating sa school."

Bakit hindi nila ako sinabihan kaagad?

"Biglaan daw kasi yung lakad nila kaya ayun.." Dagdag pa niya.

I sighed. Excited pa naman akong ipakita yung medal ko.

Biglang lumapit yung mga assistant ni Joan kaya lumayo ako ng bahagya.

She's wearing a distressed frayed denim jacket and a white cropped top which is exposing her cleavage, she paired it with a light wash ripped skinny jeans.

I can say, she really looks hot on it and very charismatic. Even though she's still on eight grade but she already has the curves like a really grown up woman. 

I look at mine and sighed, sobrang laki ang pagkakaiba Challes. Huwag mo nang ikumpara at mabibigo ka lang.

"Do you still need any help Joan?"

Tinignan niya ako ng marinig iyon at may kinuha sa bandang likuran niya. And it's a banner.

Nag puppy eyes siya saakin habang inabot iyon. "Pretty please? I need my number one supporter."

"Of course." Kinuha ko iyon at nginitian siya. "Baba muna ako Joan, at baka wala na akong maupuan. Good luck!"

Nadaanan ko yung iba pang mga candidates sa pagbaba ko. Ang tatangkad nilang tignan habang naka suot ng malalaking heels.

Agad kong hinanap si Glyde. Medyo marami rami narin ang mga taong nakaupo sa baba ng stage, malapit narin kasing magsimula.

Then suddenly I saw a hand waving. Alam kong si Glyde iyon kaya dali dali akong pumunta sa direksyon na iyon.

"Ano yan?" Bungad niya saakin habang nakatingin sa dala dala kong banner. "Eh? Seryoso?"

I smiled, "Yes. Wala namang problema."

Inirapan niya lang yung dala kong banner at umupo na. Hindi rin nagtagal at nagsimula na yung pageant.

Nagsitilian ang mga estudyante lalo na nung lumabas isa isa ang mga contestants.

Nahirapan pa nga ako sa pagtaas ng banner, buti nalang at tinulungan ako ni Glyde.

"Go Joan!" Sigaw ko.

Madami din namang supporters si Joan, her suitors, her friends, at yung iba pang humahanga sakanya. Siya kasi yung miss famous sa batch namin kaya ganoon na lamang ang suporta na natatanggap niya.

As the contest was going on I can say that Joan really slayed those different portions of the pageant. Halos hindi mo aakalain na isa lamang siyang grade eight dahil sa katangkaran at porma ng kanyang katawan, aakalain mong isa siya sa mga grade ten.

Mas namangha ang lahat ng magsayaw siya ng ballet para sa talent portion. It made all of us in awe, pero hindi naman nagpapahuli yung ibang mga contestants.

Some of them sang on the top of their lungs, showed up their acting skills, played instruments and so on.

Nang makaperform na ang lahat sa talent portion ay tinawagan ko ulit si mama. Buti nalang at sinagot na niya ito.

"Ma? Asan na kayo?"

"Papunta na kami anak. Malapit na ba matapos yung pageant ni Joan?"

"Q&A portion na po ma."

"Okay. We'll be there, kasama ko papa mo. I'll hang up na."

Pagkababa ko ng phone ko ay saktong paglabas ng unang contestants upang bumunot ng tanong.

She keeps on stuttering while answering.

Naiintindihan naman ng lahat sapagkat grade seven lamang ito. And thankfully, she was able to deliver her answer still on point kahit na nauutal siya.

The crowd applauded. 

Sunod namang tinawag ay yung grade ten contestants na sobrang confident makasagot. They answered well but I don't like their answer, halatang searched from google.

Nang tinawag na ang pangalan ni Joan at ang partner niya sa pageant ay tinaas ko ulit yung banner at sumigaw kasabay ng buong grade level namin.

"Go Joan! Go Luis!"

Bumunot si Joan sa bowl, at ng matapos siyang makabunot ay ibinigay niya ito sa emcee upang basahin.

"Here's your question candidate number two.. How does sports influence a person's life?"

I dropped the banner I was holding when I heard the question. Bigla akong kinabahan, lalo na ng makita kong inangat na niya ang microphone upang sagutin ang katanungan.

"Thank you for that wonderful question.." aniya at matamis na nginitian ang emcee. "I definitely believe that sport isn't just good for a person's bodies, but for a person's minds too." Panimula niya habang nakatingin sa mga hurado. "Sport enables a person to set better ways to overcome with the highs and lows of life. A defeat teaches a person to bounce back from frustrations, overcome with bitter experiences and is an important part of becoming resilient. Nevertheless, it also helps a person to gain many of the social skills that defnitely needed for life. It educates a person to associate with one another, to be less selfish, and to listen to other people." Huminto saglit si Joan ng magsigawan ang mga estudyante.

Hindi naman nagtagal iyon dahil nagsalita siyang muli. "That is why I can say that sports is not just a mere physical activity, it is more than that. Thank you."

Nanlamig ako dahil sa nangyari. Hindi ko rin alam kung bakit ganoon ang naramdaman ko. Inasahan ko na rin naman na ang mga sagot ko ang gagamitin ni Joan para dito.

Euphonies of Bleeding Strings Where stories live. Discover now