"Third place goes to Hanna Ramos.." anunsyo ng isang judge. "Congrats Hija."

Applauses covered the entired room. Kinalabit ako ulit ni Glyde and she whispers that I am going to have the first place.

Ugh Glyde, mas kinakabahan ako sa sinasabi mo. Ayaw kong mag assume, baka masaktan lang ako.

"Second place goes to Philip Reyes.." anunsyo ulit ng isang judge. "Congrats hijo."

"Congrats Philip!" Ani Glyde.

Philip were from Grade nine, at magkaibigan rin sila ni Glyde.

"Ayan na Challes! Pangalan mo na babanggitin niyan!"

"Huwag kang maingay Glyde." Saway ko sakanya.

Tinignan kami isa isa ng mga judges habang hindi pa nila inaanunsyo kung sino ang nakakuha ng first place. Then they gave us a sweet smile which made us more nervous.

"And the first place goes to...no other than, Eschalles Usha Asmarind!"

Halos mabingi ako sa tili ni Glyde ng sabihin iyong ng judge. I bit my lower lip. Nakayuko akong pumunta sa harap kasama ang mga judges at tinanggap ang certificate at gold medal.

"Chin up hija, you did great."

Ngumiti ako ng hilaw, "Salamat po."

All of the judges congratulated and complimented me, we shook our hands and took a picture.

Pagkatapos ay nilapitan ko yung photographer at sinabihan na kung puwede ay makahingi ako kaagad ng hard copy ng picture.

"Sige. Ibibigay ko lang sayo mamaya." Sagot niya.

Hindi ko napansin ang mabilis na pagdaan ng oras, nakita ko nalang na nagsidatingan na sa school ang mga contestants para sa pageant.

Agad kong hinanap si Joan, at madali ko naman siyang nakita dahil sa katangkaran niya.

"Pupuntahan ko muna si Joan. Sama ka Glyde?" Anyaya ko kay Glyde.

"Ay hindi na. Maghahanap nalang ako ng mauupuan natin." Aniya.

Tumango lamang ako at umalis na siya.

Habang naglalakad ako papunta sa backstage ay tinatawagan ko si mama. Kaso hindi sila sumasagot, pati narin si papa.

Sayang sasabihin ko sanang nanalo ako.

"Joan.." tawag ko sa pinsan ko ng makarating ako sa loob ng backstage.

Shes holding her phone and memorizing something on it. Maya maya pa ng mapansin niyang nasa harapan niya ako.

"Challes!" Tawag niya. "Do I look good? Ok lang ba yung make up ko?"

"Oo, ang ganda mo nga eh."

She grinned on what I said.

"Bakit wala pa sila Tita Jeanne? Hindi ba sila pupunta?" Nagtataka kong tanong sa pinsan ko ng mapansin na wala ni isa sa mga magulang niya ang narito.

Her parents gor separated when she was just ten years old. That's why my parents treated Joan jus like their own child, since kapatid naman ni papa ang mommy ni Joan.

Euphonies of Bleeding Strings Where stories live. Discover now