Inayos niya ang glasses niya at nag pout ulit. "Huwag mo na kasing ipaalala Challes, nalakahiya." Pabulong niyang sabi habang tinitignan ang mga taong nasa banda namin.

Kaya hindi ko na siya tinukso ulit at kumain nalang kami.

Gusto nga niyang manood ng basketball eh dahil sa sobrang ingay sa loob ng court, abot hanggang dito yung ingay nila. Siguro sobrang intense na ng laban kaya ganon.

Kahit na gusto niya ay hindi nadin kami tumuloy dahil sabi ng ibang estudyante puno na raw yung loob ng court, baka maipit lang kami dun kaya huwag nalang.

"Anong grade level ba yung naglalaban ngayon?" Tanong ni Glyde sa isang estudyanteng bumibili ng milktea.

"Grade nine atsaka ten." Sagot nito

"Sino yung nangunguna?" Tanong ulit ni Glyde habang sinisipsip din yung mango shake niya.

"Yung grade nine. Kaya nga sobrang ingay eh, kasi takot yung grade ten na matalo sila."

Tumango tango lang si Glyde sa sinabi ng babae.

I think both of the grade level are fighting for the overall champion. Sila kasi yung higher levels, kaya sila yung mas may intense na labanan.

"Anong oras yung contest mo Challes?" Biglang tanong ni Glyde.

"Three pm."

Tumingin siya sa relo niya. "It's already 1:30 pm. Kinakabahan kaba?"

"Oo medyo. Para nga akong natatae eh sa tuwing naiisip ko yun." sagot ko at bahagyang tumawa.

"Baliw!" Tawa ni Glyde. "Kaya mo naman yan! Atsaka huwag kang mag alala manonood ako para may supporter ka."

"Makakapasok ka kaya? Sabi kasi ni sir exclusive lang daw for judges, contestants and other members of the club who organize the contest."

She winked at me. "Akong bahala."

Halos mapatalon ako sa gulat ng biglang nag ring yung phone ko. Akala ko si mama o hindi naman kaya ay si papa, but when I glanced on the screen my cousin's name appeared on it.

"Hello?"

Dinig ko yung ingay ng mga bakla sa kabilang linya.

"Oh yes, Challes! Can i ask you a favor?"

I furrowed my eyebrows and looked at Glyde who's now curious too. "Sure, ano yun?"

"Sobrang busy kasi namin dito eh, madaming bagay kailangan e prepare para mamaya, atsaka kailangan ko pa din mag practice para sa talent portion. Pwede bang sagutan mo yung iba sa mga possible questions mamaya sa pageant?"

I blinked thrice on what I heard.

"Hello Challes? Are you still there? Please naman Challes oh, super stress na talaga ako."

I cleared my throat, "O-okay. Just text me the questions."

"Yay! Thanks! Love you!" Masayang sabi niya at kaagad na ibinaba ang tawag.

Pagkatapos ay nagsidatingan na yung mga text messages na naglalaman ng iilan sa mga possible questions na hindi pa niya nasasagutan.

"Sino yun?" Kaagad na tanong ni Glyde.

Nagsimula na akong mag type sa phone ko. "Si Joan, nagpapatulong."

Glyde just sighed.

"She's my cousin Glyde."

She rolled her eyes. "I know, but sometimes she's just too much."

Iilan sa mga questions ay madali lang naman sagutan. Gusto lang yata ni Joan na ako yung sumagot dahil mas kampante siya sa mga choice of words ko, and she also told me last time na mas dating yung mga sagot ko sa essays.

Euphonies of Bleeding Strings Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt