chapter 1

33.2K 420 11
                                    

Ashlene

"Mama, alis na po ako."

"Sige anak good luck sa job interview."

"Salamat mama."

Sumakay na ako ng jeep mga 15 minutes nakarating na ako sa Makati.

"Manong, para po eto po yung bayad" saad ko sabay abot sa bayad.

Bumaba na ako ng sinakyan ko na jeep

Patawid na sana ako sa kabilang kalsada ng may biglang sumulpot na itim na sasakyan muntik pa akong masagasaan nito.

"Hoy ikaw lumabas ka nga diyan mamatay ako sayo!" bulyaw ko sa driver ng kotse.

Bumukas ang bintana ng kotse.

"Ang laki laki ng daanan di ka tumatabi" saad nito.

"Ako pa May kasalanan napaka pasaway mo na driver!" muli kong bulyaw sa driver.

"Makaalis na nga sinisira mo araw ko."

"Hoy pasaway na driver bumalik ka dito!" pagpapatuloy ko.

Umalis na yung itim na sasakyan sa harapan ko. Nagpatuloy na lang ako sa pagtawid hanggang sa makarating ako sa pupuntahan ko.

"Go go go Ms Ashlene Jewel Prado kaya mo yan makakapasa ka sa job interview" sabi ko habang nakatingala sa salamin ng mcbride bldg.

"Miss mag aapply po ba kayo sa kumpanyang ito?"tanong ng guard.

"Yes" tipid na sagot ko.

"Punta po kayo ng 15th floor."

"Salamat po."

Umakyat ako hanggang 15th floor di ko alintana ang pawis at pagod sa pagakyat.

"Tae na may elevator pala nagpakahirap pa ako umakyat nasira pa sandals ko" bulalas ko.

"Mag aapply ka?" tanong ng isang matadang babae.

"Opo, mag-aaply po ako dito sa kumpanya ninyo."

"Please proceed to this room at paki fill up narin ito pagkatapos ibigay mo sa akin" wika nito.

"Ok po, may ballpen po kayo naiwan ko sa bahay namin."

"Grabe ka miss magaapply walang dalang ballpen. Eto ballpen gamitin mo pero ibalik mo rin sa akin."

"Salamat po."

Sinagutan ko na yung form tapos ibinigay ko na doon sa babae"

"Mam, eto na po yung form at resume ko."

"Please wait tatawagin na lang kita pag susunod ka na."

"Ok po mam."

Naghintay ako ng dalawangpung minuto bago ako tinawag.

"Miss kayo na po ang susunod."

"Sige po."

Kumatok na yung tumawag sa akin sa pintuan ng tatlong beses

"Sir, nandiyan na po yung next applicant."

"Papasukin mo."

"Sige po sir Ivan."

Pinapasok na ako sa office ng mag iinterview sa akin.

"Miss, please seat down."

Umupo ako sa sofa medyo kinakabahan pa nga ako eh lalo na at first time ko mag-apply sa malaking kumpanya.

"So what's your name, age educational attirement status" bungad na tanong nito.

"My name is Ashlene Jewel Prado 22 yrs old from cubao graduated at PUP sa kursong banchelor of science in bussiness management" kabadong sagot ko.

Married To My Pervert BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon