TLH: Chapter 26

8.2K 142 3
                                    

WARNING! R18

Eunica's POV

"...So beautiful." Pinagdikit niya ang mga noo namin. We were both gasping for air, he looked straight to my eyes when he whispered those words to me. Hindi ko na nanaman mapigilang maiyak at the same namumula.

Hinawakan ko yung mukha niya. "Totoo ba talga ito?"

Hinawakan niya yung kamay ko na nasa pisngi niya. "This is beyond dreaming babe. This is really happening."

"Bakit ako?"

Inayos niya yung buhok na nagtatabing sa mukha ko at inilagay sa likod ng tenga ko. "Honestly, I don't know. " Napatigil siya sa sinabi niya at tinignan ang magiging reaction ko. "But all I know is you're the only one who can do this" sabay nun ay ang paglagay niya sa kamay ko sa kaliwang bahagi ng dibdib niya.

Pinikit ko ang mga mata ko, naging tahimik ang paligid ngunit ang atensyon ko nasa tibok ng puso niya. Pinakiramdaman ko rin ang puso ko at pati ng kaniya, I can hear the same beating of our hearts. Parang nakakabuo kami ng sarili naming ritmiko.

"Hear that?" halos pabulong na sabi ni Ivan sa akin.

Idinilat ko ang mga mata ko at ganun na lamang ang gulat ko ng makita kong nakapikit din ito. Ilang segundo lamang ay dumilat na din siya.

"That's our personal rhythm. Tayo lang ang maaaring magmamama-ari. Tayo lang at wala nang iba Eunica."

"Thank you, Ivan. Thank you dahil ang saya-saya ko ngayon. Salamat dahi minahal mo ako." naluluhang sabi ko dito.

"I should be the one who would be thanking you, Eunica. Kahit na ganito ako, nagawa mo akong mahalin not minding my flaws and imperfections."

Hindi ko na napigilan ang luhang nagbabadya sa mga mata ko at tumulo na sila. Grabe! Ganito pala karasap magmahal? Ang totoo niyan, kaya natatakot akong magmahal dahil sa natatakot akong masaktan. Marami akong kaibigan na nakikita kong nasasaktan sa pag-ibig. Kaya itinuon ko nalang ang pansin ko sa pag-aaral. Pero sabi nga nila, kapag may saya, may kaakibat na lungkot. Vise versa lang ito. Kung noon, natatakot ako, ngayon alam ko sa sarili ko na kaya ko ng harapin kung ano mang sakit ang susubok sa amin ni Ivan.

Kumalas sa pagkakahawak sa akin si Ivan at lumayo. Nagtataka ko naman itong tinignan pero nginitian niya lang ako. Sinusundan ko lang siya ng tingiin hanggang sa may kuhaan siyang maliit ng cassette player. Natawa ako dahil ang cute ng casstte player. Mukhang luma na ito pero nagagamit pa naman. Pinush ni Ivan ang 'Play" button. At lumapit sa akin.

"Dance with me?"

Masaya kong tinaggap ang kamay niya at tumango. Impit akong napasigaw ng bigla niya higitin sa bewang. Inilagay niya ang mga braso ko papalibot sa leeg niya at hiniwakan naman niya ako sa bewang. We were dancing slowly. Dinamdama ang matamis na tunog ng musika.

"I know that the bridges that I've burned along the way
Have left me with these walls and these scars that won't go away
And opening up has always been the hardest thing until you came"

"I'm sorry for not being your first dance love." bulong niya sa akin.

Tinignan ko ito. "Naunahan pa tuloy ako ng Hermoso na iyon." maktol na parang bata. Natawa ako.

"Kahit hindi ikaw ang first dance ko, ikaw naman ang first love, first kiss, first ----" natigil ako ng maaalala ko yung susunod kong sasabihin pagkuwa'y namula.

"First what?" nakangising tanong nito.

"First in everything" matapos ay matamis akong ngumiti dito. Nakakita ako ng kaligayahan sa mga mata niya.

The Lost Heiress #Wattys2016 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon