TLH: Chapter 35

14.7K 204 14
                                    

Eunica's POV

Para akong pinako sa kinatatayuan ko. Hindi ko magalaw ang buong katawan ko. Tila tumigil nalang bigla yung mundo ko dahil sa nangyari. Hindi ko inaasahan na magiging ganito si Ivan. Oo, naiintindihan kong pagod siya sa kaka-trabaho pero kahit kalian, hindi niya nagawang sigawan ako ng ganito. Nung una, hinayaan ko nalang pero ngayon, parang sinagasaan ng sampung train yung puso ko hanggang sa magka-pirapiraso ito.

Bumuhos na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Parang hindi ko ata kakayanin. Yung taong inaasahan ko na magkakapag-pabuti ng nararamdaman ko ay siya pa yung nakadagdag sa bigat ng dibdib ko.

Kahit na hirap na hirap ako ay naglakad ako papalapit sa natutulog ng si Ivan. Tumabi ako sa gilid nito at pinagmasdan ang mukha nito. Kita mo ang pagod sa mukha nito. Mukhang stress na stress na din siya. Kahit hindi niya sabihin sa akin iyon, ay nararamdaman ko naman. At handa naman akong intindihin siya pero nung ginawa niya kanina parang sinampal niya na din ako.

Tumulo nanaman ang mga pesteng luha ko. Marahas kong pinunasan ito at hinaplos ang natutulog kong asawa. Bakit? Bakit naging ganito ka, Ivan? Hindi ka nama ganyan eh. Mapait akong napangiti rito. Dala lang siguro iyon ng sobrang trabaho kaya siya nagkaganyan.

Huminga akong malalim. Tama na ang iyak, Eunica. Magiging ayos din ang lahat. Sabi ko nalang sa sarili ko.

Tumayo na ako at niligpit yung mga nagkalat na damit ni Ivan sa kwarto naming at inilagay iyon sa laundry. Pagkatapos ay pumunta na ako sa kama namin at humiga sa pwesto ko. Hinarap ko si Ivan at hinaplos ko ang mukha nito.

"I love you, Ivan."

Sabi ko dito at marahang hinalikan ito sa pisngi. Naghanda na ako sa pagtulog at niyakap ko ito. Kailangan niya lang siguro ng pahinga. Iintindihin ko nalang siya. Sigurado naman ako na bukas ay maayos na siya. Sana.

At bago ako makatulog, may tumulong luha sa mga mata.

****

Naalimpungatan ako ng may tumamang ilaw sa mga mata ko. Unti-unti akong dumilat. Kinapa ko yung nasa tabi ko at napabuntong-hininga nalang ako ng maramdaman kong wala na ito sa tabi ko. Bigla akong nakaramdam ng lungkot. Hays. Eunica, ang aga-aga nagd-drama ka d'yan.

Napatingin ako sa bedside table namin at nakita kong mag-aalas otso na pala ng umaga. Wala akong pasok ngayon dahil tuwing weekends, hindi na ako pinapasok ni Ivan. Pagkabangon ko ay sabay nito ang pagbukas ng pintuan ng banyo at nakita ko ang asawa ko na kakatapos lang maligo dahil sa itsura nito.

Napalunok ako. Ang aga aga pinagpapawisan ako. Napatitig ako sa katawan nito. Kahit na pagod na pagod na ito galing trabaho, bakit napaka-perpekto pa din ng katawan nito. Pakiramdam ko namumula na ang mga pisngi ko!

"G-Good morning" Na-uutal na sabi ko. Bakit ako nauutal?!

Dumako ang tingin nito sa akin at nginitian ako. Lumapit ito sa akin, kusa namang bumilis yung tibok ng puso ko. Pagkalapit nito ay hinalikan ako nito sa noo.

"Good morning, babe." Malambing na sabi nito.

Pagkatapos ay nagulat ako ng bumaba ito sa tiyan ko at sinabing..

"Good morning, baby. Have you and mommy slept well last night?"

Bigla namang kiniliti yung puso ko. Ay! Parang wala lang yung nangyari kagabi. Lihim akong napangiti, sabi ko na nga ba, nadala lang ng pagod si Ivan kagabi.

Nginitian ko ito. "Opo, daddy."

Tumingin ito sa akin at ngumiti. Hay, Ivan, bakit anong gawin mo, hindi ko maiwasang hindi magalit sa'yo?

The Lost Heiress #Wattys2016 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon