Kabanata 5: Evil Cursed

16 4 0
                                    

•••

Third Person's POV.

Nagkagulo ang lahat nagmawalan ng malay ang reyna ng Aries Dinasty. Labis ang pag-alala na sumasalamin sa mukha ng haring si Nicoulas sa sinapit ng kaniyang asawa.

Nasa loob na ng kwarto ang reyna na mahimbing na natutulog ngunit mahigit limang araw na simula noong siya'y nahimatay sa kaarawan ng Haring Malakas.

"Mahal na hari narito na po ang manggagamot na pinapatawag niyo"

Pumasok ang isang kawal ng palasyo kasama ang isang babaeng matanda. Kulubot na ang balat nito at may mahabang kulot sa dulo ang buhok, habang may hawak na basket sa kanang kamay nito. Siguro ang laman ng basket na hawak nito ay mga gamot.

Yumuko ang dalawa sa harap ng hari tanda ng pagrespeto.

"Makakaalis kana Jul" anang sabi ng hari sa kawal na nangangalang Jul.

Umatras at humawak sa noo si Jul tsaka ng vow sa harap ng hari at tumalikod na para umalis.

Naiwan sa loob ang matandang babae, na siya'y pinahintulutan na nang hari na suriin ang kalagayan ng reyna.

Umupo ang hari sa gilid ng kama sa hinihigaan ng asawa nito habang mahigpit na hinahawakan ang kaliwang kamay ng reyna.

Napatingala siya sa matandang manggagamot na nangangasim ang sikmura nito habang nakapikit ang mga mata. At habang ang mga kamay nito ay nakatuon sa mukha at katawan ng reyna.

Animo'y hangin lang ang hinahawakan nito at may ibinubulong. May isang kulay asul at berde na halaman siyang pinuga gamit ang kamay nito at tsaka inihalo niya sa tubig at ipinainom ka agad sa reyna. Pumikit ulit siya at may ibinubulong na naman na pawang siya lamang ang nakakaintindi.

Matapos ang ilang minuto nanghina ang matanda at bigla itong napahawak sa gilid ng kama.

"Anong nangyari at ika'y biglang nanghina inang manggagamot?!"
sigaw na pag-alala ng hari.

Inakay siya ng hari at pinaupo ito sa inuupuan niya kanina. Halos habol habol na nang matanda ang kaniyang hininga matapos suriin ang sinapit ng reyna.

Binigyan niya ng isang basong tubig ang matanda at agaran itong ininom ng matanda tsaka unti unting huminahon at nakapagsalita na ulit ito at natatakot na aura ang ipinapakuta nito sa harap ng hari.

"Sumpa" banggit ng matanda na ikinalito ng hari.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Kasumpa sumpa ang sinapit ng reyna, mahal na hari. Ito'y hindi basta basta malulunasan ng kahit anong gamot na ipinahid ko at ipinainom ko sa kaniyang katawan upang siya magising. Ngunit may itim na bagay ang bumabara sa kaniya lalamunan"

"Ano iyon inang?"

kuryusidad na tanong ng hari sa inang manggagamot.

"Hindi ko ito matukoy kong ano, pero isa lang ang masasabi ko. Dapat tanggalin ang itim na'yon sa madaling panahon hanggat may oras pa. Dahil kapag ito'y mananatili sa kaniyang lalamunan unti unting malulusaw ito, patungo puso niya aataki ang itim na mahika. At maaaring ikamatay ito ng Rey–"

"Hindi! Hindi maaari! Hindi mamamatay ang Reyna ko. Mabubuhay siya at gagawin ko ang lahat nang makakaya ko mabuhay lamang siya."

Napailing iling ang ulo ng matanda habang tinititigan ang balisang hari sa kaniyang harapan.

Hanggang sa lumapit ito sa pwesto ng asawa niya at hinihimas ang pisngi nito. Nakahiga at mahimbing pa rin itong natutulog.

"Nawala na ang anak natin pati ba naman ikaw, mawawala rin sakin? Hindi ko kayang mabuhay nawala ka Reyna ko. Hahanapin pa natin ang ating anak, kaya paki usap huwag kang susuko dahil hahanap ako ng paraan upang ika'y magising, mahal kong Reyna."

Isang mainit na likido ang dumaloy sa pisngi ng hari. Hindi na niya kayang pigilan pa ang luhang matagal na niyang pinipigilan. Agaran din niya itong pinupunasan at tsaka humarap sa matandang manggamot.

"Sabihin mo sakin, anong unang hakbang na dapat kong gawin upang tuluyan ng mawala ang sumpa sa kaniyang katawan at siya'y muling magising?"

Magisig at punong puno ng determinasyon na tanong ng hari na gagawin niya ang lahat para magising at matanggal ang sumpa sa minamahal niyang Reyna.

"Wala kang gagawin ng kahit na ano, mahal na Hari."

"Hindi kita maintindihan inang, paano magigising ang asawa ko pag hindi ako gumawa ng hakbang?"

Pinangkatitigan lamang siya ng matanda na animo'y sinusuri ang kabuuan ng kaniyang mukha at nilalaman ng isip nito.

Gumamit si inang ng mahika na doon niya ipinasabi ang salitang nagpapagunaw ng mundo ng hari, gamit lamang ang telepathy.

Nanghina ang tuhod ng mahal na hari at siya tuluyan ng nakaluhod sa sahig, matapos ang katagang sinabi ni inang sa kaniyang isipan.

"Ang sarili mo ay siyang kapalit ng pagtanggal ng sumpa. Kailangan mong mamili sa dalawa, buhay ng taong gusto mong mabuhay ngunit wala ng maalala? o sumama sa taong sumumpa sa kaniya para matagal ang sumpa?"

May dapat bang pagpipilian?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 06, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Copernicus Academy (School Of  Mystery And Magical)Where stories live. Discover now