Kabanata 1 "Lupain ng Pisces Dinasty"

88 37 1
                                    

THIRD PERSON

 Sa lupain ng Pisces Dinasty  dito makikita ang pinakamadaming kawawang mga alipin, dahil sila'y isang hamak na magsasaka lamang at mga ordinaryong mga mamayan lamang ang kanilang lupang pinagsakaan ay pinagbinta nila sa malupit na pamamalakad ng isang katunggali na kanang kamay ng hari.

Ito ay hindi alam ng hari dahil kapag may magsasakang magsumbong na sila'y pinaglupitan at binibigyan lang ng mababang sahod ng Katunggali ay agad silang ipapatay ng mga kawal na binarayan ng gintong pilak upang gawin ang utos ng katunggali.

Para hindi ito umabot sa hari ang balitang pagrereklamo ng mga magsasaka.

Walang magagawa ang mga magsasaka kundi ang sumunod sa utos ng katunggali.

Pagsinuway nila,
buhay nila ang magiging kapalit.

Ngayon ay araw ng pag-aani ng mga magsasaka sa bukirin ng Pisces Dinasty.

Ubas at Mangga ang knilang inaani tuwing buwan ng Disyembre dahil sa buwang ito,
dito ang may madaming ani dahil taglamig at pasapit na rin ang Palasko.

Ang kaarawan ng kinikilala nilang Ama ng buong Copernicus at ang limang Dinastiya. Siya ay tawaging "Amang Malakas", ang ama ni Haring Nicolaus Copernicus na ngayon ay ipapasa na niya ang trono sa kaniyang anak sa pagsapit ng kaarawan niya.


Isang batang makulit, may mahabang pilik mata at kulot ang buhok sa dulo ang laging nangungulit sa kaniyang ama na gustong sumama sa pagpunta sa bayan.

Upang mamili ng mga prutas. Ngunit ayaw siyang pasamahin ng ama.

"Papa! Sasama ako sayo sa bayan, sige na po papa." Pangungulit pa rin ng limang taong gulang na bata.

"Giana anak, si papa lang ang pweding pumunta sa bayan dahil delikadong-delikado ang tatahaking daan papunta at pabalik dito." Paliwanag ng kaniyang Ina upang hindi na mangungulit pa ang bata na sumama.

"Pero gusto kong makita kung ano ang hitsura ng bayan mama, naiinip na po kasi ako sa bahay."

"Anak, nandyan naman si Angel pwedi mo syang maging kalaro kung gusto mo. Kaysa lagi kang nagmumukmok at nagkukulong dito sa bahay.

Pero bawal na bawal kang pumunta sa kahit anong lugar maliban sa ating bayang Bukirin."

Sina Leo at Anna ang mag-aasawang nakatira sa tuktok ng Kapatagan.

Dalawang magpamilya lamang ang naninirahan sa Kapatagan ng Pisces Dinasty kabilang na dito ang pamilyang Ogani na sina Ria at Vin Ogani ang InA at ama ni  Angel na hindi pa naging kaibigan ni Giana.

"Mama bakit tayo lang ang naninirahan dito? Pwede namang sa bayan diba? Para hindi na mahirapan si papa na bumili ng pagkain natin"

Limang taon palang si Giana napakatalino ng bata at palatanong sa mga bagay bagay na makikita niya.

"Anak, pansamantala lang tayo dito wag kang mag-alala hahanap si papa ng paraan upang makalipat tayo sa bayan at makapag-aral kana.
Pero bago yan, kaibiganin mo muna si Angel na kapitbahay natin okay ba yon?"

"Sige po mama pangako mo yan hah?"

Naka hinga ng maluwag si Anna dahil pumayag ang anak niyang si Giana sa mga sinasabi niya.

"Pangako anak, sige na puntahan muna si Angel para kayo'y maglaro."



Ipagpatuloy sa susunod na Kabanata...


Copernicus Academy (School Of  Mystery And Magical)Where stories live. Discover now