"I like that mindset of yours," aniya habang tumatawa pa rin.I just made face at tumingin ulit sa labas. Of course, I would not tell him na na-pressure ako sa nalaman ko. Tulad ng sabi ni Ella, I am hanging out with the university's crush and the son of the owner of Brent University— Brent University. Oo nga!

Bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay hinarap ko na si Matt at tinanong.

"Bakit hindi ka sa Brent nag-aaral?"

Tumaas ang kilay at nakita kong umangat ang gilid ng labi niya, seems like he wants to smile or something. Nilingon niya ako.

"Why? You want me there?" aniya at nginisian ako. Kahit walang aatrasan ay napaatras ako at siniringan siya. Kauntu nalang ay mahahampas ko na siya sa inis.

Assuming ka gorl.

"I'm just asking. Sagutin mo nalang ng maayos," naiinis na sabi ko sakaniya at ayun na naman siya, natatawa. I was about to give up and just forget what I have asked earlier when I heard him sighed.

"Why do you want to know?" natigilan ako sa naging litanya niya. He said that with a serious tone and it feels like I offended him with the question I asked him. Saglit akong napanguso at umiwas ng tingin. Sabi ko nga mananahimik na 'ko—

"I don't want privilege at all," my thoughts were cut off when he spoke again. Napalingon ako sakaniya. Ang kaninang seryosong mukha niya ay napalitan ng ngiti, but not the usual smile he was giving me. Nakangiti siya pero mababakas pa rin ang pagkaseryoso.

"What do you mean?" hindi ko mapigilang magtanong ulit, being too curious.

Tumawa siya saglit pero hindi tinatanggal ang paningin sa daan. "You know? The usual. Being a child of someone whose in power will give you privileges," aniya. Halos mapatanga na lang ako sa may kalalimang meaning na sinasabi niya. Malalim pero naiintindihan ko ang pinupunto.

"I don't want that," nagsalita ulit siya. "I want to live on my own. I want to study and graduate without any privileges. I don't want to get good grades just because I am the son of the owner," litanya niya.

Napatango tango at pinigilang mangiti dahil baka akalain niyang tinatawanan ko ang sinasabi niya. Nangingiti ako dahil humahanga ako sakaniya, sa mga sinabi niya.

I do know those things. Being the child of a CEO, or an owner, ofcourse you will get much privilege. Well, perks of being that person. Nakaka-proud na ganito ang mindset niya, he want to live on his own— means he's responsible and independent enough for his self. Siguro sobrang proud sakaniya ang magulang niya. Sigurado 'yon.

"Ah, kaya pinili mo yung La Salle," I stated nang matahimik ang sasakyan at nagsisimula na ulit maging awkward. Bigla ay natawa siya.

"Yeah," sagot niya at ngumiti.

Napasimangot ako. "Eh privilege din 'yon eh, you're studying in a prestigious school. Mas prestigious pa sa Brent hehe," wika ko, biglang nahiya sa huling litanya ko.

Totoo naman, Brent University may be one of those prestigious school, but still can't beat the standards of La Salle. Trip nga rin namin ni Ella na mag-aral doon kaso grabe yung entrance exam.

Napaisip tuloy ako bigla. "Nag-entrance exam ka naman 'diba?" may pagkachismosa ang tono ng boses ko nang itanong ko 'yon kay Matt. Tumawa siya at napailing.

"I already told you, I don't use privileges. Yes, I took the exam and I passed," aniya at tumawa ulit. Napanguso ako at nahiya sa sinagot ko. Masyado ko yata siyang minaliit at naisip pang pera ang dahilan kaya siya nakapasok. Kung nakapasok siya doon, it means matalino siya? Wow naman!

LET GO (BTS SONG SERIES #1)Where stories live. Discover now