Sa naisip ay halos sakalin ko ang sarili at ipamukhang wala lang ang lahat ng ito. At malabong mangyari ang nasa isip ko. Nang masundan ang mga iniisip ko niyon ay binalot ng lungkot ang puso ko.

"Why are you frowning?" Dinig kong tanong nito.

Naramdaman ko ang malambot na kama sa likuran ko nang ibaba ako ni Tyron. Iminulat ko ang mga mata at ngumiti ng bahagya sa kaniya.

"Wala." Umiling ako at ibinalot ang sarili sa kumot.

Pinili kong itaboy ang mga negatibong naiisip. Tumabi si Tyron ng higa sa akin at ibinalot rin ang sarili sa kumot. Niyakap ako nito at ipinaunan ang ulo ko sa kaniyang braso.

Why do I feel secured.. and happy?

Sinuklay ng mga daliri niya ang tuktok ng ulo ko na tila pinapatulog ako. Pumikit ang mga mata ko. Komportable kong iniyakap ang kamay sa kaniyang baywang at isinandal ang ulo sa kaniyang dibdib. It feels so right.

Ayoko ng mag-isip pa ng kung anong mga bagay at mas piniling maging masaya, kahit panandalian lang, sa piling niya.

Huminga ako ng malalim at sumilay ang maliit na ngiti mula sa mga labi. It was amazing. Everything feel so surreal. Kung panaginip ito, ay ayoko ng magising.

NAGISING AKO sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Nag-inat ako.

Pagbukas ko ng mga mata ay tinignan ko agad ang gilid ko. Ngunit walang kung sino ang naroroon. Where's Tyron?

Pakiramdam ko'y nanikip ang dibdib ko ng makitang wala siya ngayon sa tabi ko. When did I become so clingy?

I covered my body with the blanket. With a little hope I'm holding, I hurriedly went downstairs and called Tyron's name. Lumingon lingon ako sa paligid. Nalibot ko na ang kasuluk-sulukan ng buong lugar ay wala ni anino nito.

But nobody answered. There is really no sign of Tyron inside the whole condo.

Nanlulumong umakyat ako ulit sa taas. Sa bigat ng nararamdaman ay pinili kong maligo upang mas makapag-isip ng maayos.

The moment, the cold water poured over my head, several thoughts of Tyron came flashing on my mind. Pakiramdam ko'y sasabog ang puso ko sa nararamdamang pagkadismaya at.. sakit? Nasasaktan ako?

Ayoko mang tanggapin ngunit bakit tila bumalik yung pagmamahal ko sa kaniyang pinilit ko ng burahin sa puso ko? O talaga bang nawala? Nawala ba talaga?

Pero hindi dapat. Hindi ko pwedeng kalimutan ang isang bagay kung bakit pinili kong umalis at iwan siya noon.

NATAPOS na kong maligo at nagbihis. Habang bino-blower ko ang buhok ay nakatanggap ako ng tawag galing sa boss ko.

Ms. Catakutan said that I can do whatever I want for the whole week. Means, sa susunod na lunes pa ulit ako makakapag-trabaho dahil ngayon ay thursday pa lang. It was weird. I rarely ask for a dayoff. At kung magbibigay siya ng dayoff ay dapat nasa dalawa o tatlong araw lang. But, a whole week? Bumait ba siya? What happened?

I shrugged all the thoughts away. Nevertheless, mas marami ang magiging oras ko para magpahinga. At sa ibinalita niyang iyon ay naisip ko agad puntahan ang mga anak ko.

Kaya tumayo ako agad at kumuha ng maliit na bag na madalas ko ng ginagamit, at inilagay ang mga importanteng bagay na dadalhin. I didn't brought any clothes since may mga damit naman ako doon sa bahay.

PAGLABAS ko mula sa condominium ay dumiretso na ako ng parking lot. Pagsakay ko ng kotse ay huminga ako ng malalim. The thoughts of my children invaded my mind the whole ride.

Bachelor Series Book 1: Beautiful Punishment Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon