•25.2•

24 2 0
                                    

Sphiler's P.O.V.

Tiningnan ko sila sa paglaban. Ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya, habang ang babae naman ay winawasiwas lamang ang kamay ng walang kahirap hirap.

'Ano ang ginagawa mo?'

Nagsalita si Luna sa isip ko.

'Bakit hindi mo sila tulungan?'

Hindi ako makasagot. Bakit nga ba ako nakatunganga? Naalala ko kung paano sila muntik ng mamatay. Kung paano na ang lason ay nagparalisa sa kanila.

'Natatakot ka ba? Hindi mo magagamit ng maayos ang kapangyarihan mo kung magpapakain ka sa takot. Isipin mo ang tinuro ko sa iyo gawin mo iyong gabay para hindi mo masaktan ang mga taong guto mong pangalagan bagkus matulungan mo sila.'

'Subukan mong isipin na makapangyarihan ang kamay mo, na kaya nitong gawin ang lahat. Ikonekta mo ito sa iyong utak at pakiramdaman mo ang kapangyarihan sa loob mo.' lintanya nito sa isip ko.

Biglang tumilapon si Cipher. Halata na nasaktan ito hindi lang ng dahil sa pagtilampon kundi sa sugat na natamo niya sa pakikipaglaban.

“S-sphiler... Naniniwala ako sayo.” bulong niya sa akin.

“P-pero..” nginitian niya ako. Inalis niya ang pagkakakapit sa akin at unti unting timayo.

“Sasabihin niyo na ba kung nasaan si Agata?”  tiningnan ko siya.

“S-sino ka ba!!”

“Ayanna, ako si Ayanna” nginitian niya ako at walang pakundangan niyang hinawi sila Hitter at Spencer. Hindi kaagad sila makatayo dahil sa sakit na nadarama. “Lalabanan mo rin ba ako?”

Tiningnan ko si Cipher, nakatingin ito sa akin na waring hinihintay ang gagawin kong galaw. “Mayroon kang alas hind ba?” nagulat siya sa tanong ko.

Ngumisi siya at tumango. “Napansin mo pala”

“Gawin na natin” tumakbo kami paikot sa kanya.

Unti unting nabaluntan ng dilim ang paligid dahil upang hindi niya ki makita pero kitang kita ko na hindi siya umaalis sa pwesto niya. Sinubukan kong maglabas ng lason at nisolidify ko ito sa spike.

Unti unti kong maramdaman na lumalabas ito kaya nagpalabas pa ako ng marami sa likod ko.

Ngumisi ako. It worked. Kita ko sa mukha niya na nahihirapan siyang gumalaw kaya ginamit ko ang segundong iyon upang tusukin siya ng lason.

“I-ikaw” tiningnan ko siya, gayun din ang ginawa niya. “E-erza?”

Biglang nagliwanag at nakita ko na unti unting lumulupot sa katawan ni Cipher ang mga ugat. Pilit niya itong nilalabanan pero malakas ang halaman.

"That kind of poison won't work on me." nang sabihin niya iyon ay biglang may tumubong halaman sa ibaba ko at kinulong nito ako s loob. Isang bulaklak.

“Unti unti ka niyang lulusawin sa loob niya. Hindi ka na makakalaban pa.” rinig ko ang pagtawa niya nakarinig din ako ng mga pagsabog at pagdaing.

“Spencer!!! Hitter!!” sigaw ko sa loob na umaasang naririnig nila ako.

“Ilalabas ka *cough* namin diyan Sp-sphiler” dinig kong banggit ni Hitter.

Isa lang ang alam ko, pinapahirapan ni Ayanna na iyo ang mga kaibigan ko.

Hinawakan ko ang bulaklak. Pumikit ako at isinalin ang kapangyarihan dito. Naramdaman ko na unti untibiyong natuyo, naagnas hanggang sa mapaluhod ako sa magsapang na lupa.

“Ikaw!! How could yoi do that!!” gulat nitong hiyaw habang tinuturo ako.

Tinulungan akong tumayo nila Hitter at nakangiti akong tiningnan. “Lets do this together!!” natamdamam ko ang pagbulusok ng lava sa katawan ko, I aim mybhand to her ganun din ang ginawa ni Hitter pero bago pa man siya masaktan ay pinagyelo ko na ang lava na iyon. Habang siya ay tulala at hindi makapaniwala.

Return of the  Unknown Power (The Sequel)Where stories live. Discover now