•14•

58 1 0
                                    


Kanina pa ako paikot ikot dito sa kama ko , tiningnan ko ang mga kasama ko tulog na ang mga loko. Napagdesisyunan ko munang lumabas para magpahangin.

Habang naglalakad ako sa pasilyo ay iniisip ko yung mga bagay na hindi nasabi ni Vam. Bakit nga ba niya ako iniwan? Pwede naman niya akong isama diba?...

"Ang lalim ng iniisip natin huh?" Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses..

"Spencer..." Malayo sa inaasahang taong nais kong makita.

"Hindi ka rin makatulog?" Wika niya ng tuluyan kaming makalabas at umupo kami sa ground.

"Oo , inaalala ko kasi si lolo baka kung ano na ang nangyari sa kanya.."

"Siguro naman nasa mabuting kalagayan siya ngayon. Ang lakas lakas pa niya diba?"

"Oo nga nakikipag away pa nga yun sakin ehh" sinabayan ko ito ng tawa. "Oh sige na pasok na ko at inaantok na ko"

"Sige stay muna ako dito." Tinanguan ko lang siya bilang tugon. "Cy!" Napalingon naman ako... "Lagi kang mag-iingat huh!?"

Naguguluhan man ay tumangon nalang ako. Ay ewan.. Haha.

Pagpasok ko sa pasilyo ay nakita ko si Vamper. Nakasandal sa dingding at pinaglalaruan and needle na kasing haba ng hintuturo.

"Musta date sa labas?" Hindi ko na sana siya papasinin pero una siyang nagsalita kaya huminto ako at lumingon sa kanya.

"Date? As if... Kung wala kang magawang matino o bored ka na sa buhay mo ay huwag mo akong pagtripan..." At nagdirediretso ako sa kwarto namin....

Pumasok ako dito at nakita kong bukas ang bintana , binuksan ko muna ang ilaw ngunit laking gulat ko ng wala sa higaan si Sphiler... Agad akong tumakbo sa bintana upang tingnan ang labas. Madilim..

Agad akong lumabas ng kwarto at pinuntahan kung saan ko nakita si Vamper baka sakaling alam niya kung nasan si Sphiler?

"Oh bat ka bumalik na miss mo ko?" kita ko sa dilim ang pagngisi niya.

Tinaas ko ang kilay ko at pinigil ang pagkairita... "Nakita mo ba si Sphiler na lumabas sa kwarto?"

***

Buong gabi kaming naghanap sa kanya pati ang ibang mga estudyante ay ginising narin nila Kendra para tumulong. Kinakabahan ako. Biglang lumabas si Mystica galing sa isa sa mga pinto.

"The Destiny will be hear after 5 minutes." At umalis na uli siya para maghanap.

Destiny? "Anong destiny?"

"More like sino Cipher" si Spencer

"Isa sa mga dating opisyal ng Pentagon Council." Pagsagot ni Art... " Bawat labing limang taon ay pinapalitan ang opisyal nito. Pentagon.. It has five sidee that balance the area.. Just like Pentagon. It has five officials. The top will be the leader and the two sides in middle will be the balancer , they balance all the petitions , rules and every decicions they have.. And the bottom sides?... The planner. They do hard decicions. "

"And for us we are at the top." Sabay sabay na wika ng tatlong maliliit na nilalang.. (A/N: pinakita ko na po yung image nila sa S.A. :) ) umikot ang mga ito at lumaki...

"So your'e..?" Lumapit yung naka orange sa aking at hinawakan ang noo ko "Cipher.."

Tumango ako at walang mahanap na salita... So totoo ang nga diwata??

"By the way , sino kamo yung nawawala?" Wika ng naka green.

"Si Sphiler po" wika ni Lewis.

"Nasan ba si Darren?" Sabay sabay nilang wika...

"Nasa office niya as usual."

***

"Hayst kailangan niyo ng kumilos... Hindi lang ang kapangyarihan ng unknown power ang nagbalik , kasama na ang mga elemental power na tunay na nagmamay-ari ng mga crystal na nagbibigay lakas sa atin at sa mundong ito. At isa pa pati ang kapangyarihan ng oras ay bumalik din." Wika nilang tatlo.

Iyan ang bumungad sa amin pagpasok namin sa office ni Sir Darren. Ewan pero yung seryoso niyang mukha ay parang nakita ko na dati o baka hindi ewan... De javu?

"Sa lahat ng sinasabi mo ay iisang tao lang ang naiisip kong alam yan." Wika niya at napatayo na siya...

"Si Agata." Wika nilang anim ng sabay , sabay. Si Kuya , si Sir Art , Lewis , Darren , Si Erza at si Maam Kendra.

"Alam niyo ba kung saan niya nilagay ang red booklet na pinahanap niyo?" Tanong ni Kendra.

"Dahil hindi ninyo alam ay ito ay aming kukwento." Biglang lumabas sila Mystica at ang tatlo niyang kasama sa Closet. Wow huh?! Secret passage.

"Wait bat nandirito ang mga batang yan?" Wika ng kasama niyang isa

"Baka makasali sila sa gulong ito."

"Kasama na kami sa gulo dahil sa kaibigan kong si Sphiler" tugon ko.

"Oh you are the protector ang galing naman"

"Magic , Miaka , Maica stop and let those kids hear what they need to hear." Si Darren at tumingin ito sa akin. Nakakalusaw... Ewan ko pero parang kilala ko ang titig niyang iyon.

"Bukod sa Prophecy , Finder , and Protector ay gumawa din ang mga nakatataas ng four fundamental crystal that will give powerful strength to us at apat na tagapangalaga. Which is rare na dumating. They also made a pre and post- cognito or let me say a future and a past detector. They also made a time manipulator para matama ang nakaraan at mabago ang hinaharap. They made those power to balance the mortal world not us , why? Because they made us to protect those stupid things they love. Pero dahil may mga sakim ay nagpumilit silang nakawin ang mga kapangyarihan sa pamamagitan ng isang dugo. Dugo na kayang bumuhay at makapagpasunod." Tiningnan niya kaming lahat... "Ang dugo ni Agata , ang dugo ng tunay na imortal." Wika ng Maica ata

"Pero imbes na mabalanse ito ay lalo itong lumala , dahil sa mga clan war na naganap at walang tigil na giyera at ang mga tribo ay lalong nalalagas. Dahil sa nangyari binawi ang mga malalakas na kapangyarihan , maliban sa tatlo na natirang natatangi. Pero hindi pa rin natigil dahil ang kalaban ay gumawa rin ng isang natatangi ang Hunter. At hanggang ngayon ang cycle na ito ay hindi matapos tapos dahil sa tinatawag na rebirth dahil sa dugo ng prophecy."

"Kung ganon ang gulo ng history natin" at humawak pa sa sentido si Hitter.

"Bumalik na kayo sa inyong mga kwarto at bukas magsisimula na kayo sa inyong pagsasanay." Wika ni Sir Darren "At ako mismo ang magtuturo sa inyo" seryoso niyang wika..

"P-pero si Sphiler papano siya kailangan mahanap siya sa lalong madaling panahon!?"

"Kami na ang maghahanap sa kanya Cipher , wag kayong mag-alala gagawin namin nila Magic at Miaka ang lahat para mahanap siya." Wika ni Maica ng nakangiti...

"Sana nga..."

***

Sphiler's P.O.V.

Where the heck I'am? The only question revolves in my mind..

Tiningnan ko ang paligid , hindi ko alam kung nakadilat na ba ako o nakapikit parin dahil sa sobrang dilim na bumabalot sa paligid..

Sinubukan kong tumayo pero sobrang bigat ng katawan ko.

"MAY TAO BA DIYAN!!!! TULONG!!"

Sino ang gumawa sakin neto?"

***
Chapter 14

Return of the  Unknown Power (The Sequel)Where stories live. Discover now