•6•

64 3 0
                                    

Cipher's P.O.V.

Nagising ako sa ungol nina Sphiler at Hitter. Tiningnan ko sila, unti unti kong nararamdaman ang aura na bumabalot sa kanila , napakaiinit ng aura na iyon para akong hinihigop. Napagdesisyunan kong tawagin si Kuya. Lumabas ako at may naabutan pa akong mga gising na estudyante.

"Ahhmm alam niyo ba kung saan ko matatagpuan si Aeiou?" tanong ko sa lalaki , siya kasi yung unang ko nakita dito.

"You mean si Sir?" sir? Sir niya mukha niya.

"Ahh oo "

"Tara samahan kita." nauna na siyang maglakad.. Nakapolo siya at may vest siguro hindi pa siya nakakapagbihis at pupunta palang siya sa kwarto niya.. Pasenysa na po haha.

"Eto na yung office niya " nakangiti niyang tugon sa akin. Ang gwapo pala niya.

"Ahh thank you...?"

"Camp" at inilahad niya yung kamay niya na tinanggap ko naman.

"Sige alis na ako." tiningnan ko siya hanggang sa mawala siya sa paningin ko.

Pumasok na ko sa loob at sobrang laki nito. Mayroon itong limang pintuan dalawa sa itaas at tatlo sa baba oo may taas pa siya. Ito siguro yung dahilan kung bakit niya ako pinapapunta dito... Masarap yung buhay niya.

"Oh Cipher nandito ka pala." sa boses ni Aeiou naalala ko agad ang dahilan ng pinunta ko dito.

"Lumalabas na yung power ng dalawa." biglang lumabas sa bibig ko ang katagang iyon. "at sa palagay ko nahihirapan sila ngayon." agad na napatakbo si kuya narinig ko pa ang mga sigaw nito.

Sumunod ako kay kuya papuntang room kung nasan sila. Pero nagulat ako ng may humaglit sa braso. Tingnan ko siya. Ngumiti siya at agad ko siyang tinulak.

"Bakit ka nandito Vamper?"

"Hindi ko rin alam"

"Alam mo nagmamadali ako ngayon kaya huwag mo akong abalahin." at dali dali akong tumakbo.

"Bakit mo sila iniwan!!" nakita ko si Erza sa harapan ng pinto at sinisigawan ako. Sa totoo lang medyo malayo pa ako pero sinigawan na niya ako. Hindi ko siya pinansin at dumiretso sa loob at nakita ko si Kuya na may kasamang tatlong fairy?? Wait totoo sila?? Bigla akong nakaramdam ng humila sa akin papalabas.

"Bawal kang pumasok mapanganib , kung hindi mo alam isa sa kanila ang propesiya." nakita ko yung mga mata niya , nagtitimpi siya ng galit.

"Sige , pero ano ang ginagawa nila doon?"

"Ritual , by the way look at the moon." pumunta ako sa bintana at sinilip ang buwan.

Hindi ko alam pero parang naubos ang lahat ng lakas ko at napaupo ako sa sahig. Hinihigop nito ang buo kong lakas , at pati narin ang aking kapangyarihan. Sinubukan kong ialis yung mata ko dito pero hindi ko magawa..

"Cipher , Tama na unti unti ng nawawala ang aura mo!" gusto kong alisin ang pagkatitig ko sa buwan pero hindi ayaw gumalaw ng mga mata ko..

"Cipher!!!" unti unti kong naramdaman ang kakaibang panghihina. "Gumising ka!!" alam kong binuhat niya ako. "Bakit ko pa kasi siya pinatingin doon. Ehh.." kahit pala tigasin yung babaeng ito ehh nagtatantrums pala ito.

Napapikit ako , alam kong gising ako pero ayaw dumilat ng mga mata ko. Hindj ko magalaw ang letseng katawan na ito...

***

Erza's P.O.V.

Dali dali ko siyang binuhat at pinasok sa loob.

"Destiny.." kabado kong wika. Hindi pa sila tapos sa ritual na ginagawa nila sa dalawa para malaman kung sino sa dalawa ang propesiya.

"Bakit Erza ? Sino siya" si Ma'am Melanie na ang kumausap sa akin.

"Ma'am may alam ka naman po kahit papano yung tungkol sa buwan hindi ba? Ito na yung pangalawang beses ng paglabas ng kulay purple pero bakit nanghihina ito. Si Cipher" napakunot siya at hinila ako hanggang sa isang sulok, bitbit ko pa rin si Cipher. Sinipa niya yung dingding at may hagdan na lumabas..

"Sumunod ka sa akin"

Sa pagbaba namin, bumungad ang isnag silid punong puno ito ng garapon at mga libro sa shelves, sa kabilang banda ay may isang pinto, at doon kami nagtungo. Isang kwarto, dali dali kong binaba si Cipher sa kama at sumunod ako sa kanya. Dahil sa isa pang sulok ay may isa pang kwarto. Opisina to be exact.

She seated on a sofa and I do seat in front of her "Her power was stronger than i expected" napakunot ako.

"The time she look at the moon the ritual become easy , napatigil ang pagwawala ni Sphiler , oo si Sphiler ang propesiya." tumingin siya kay Cipher "At siya ang protector,  para bang sa pagtitig niya sa buwan ay tinulungan niya kami. Na mapadali ang pagsadalin ng kapangyarihan sa kanya."

***

Chapter 6

Return of the  Unknown Power (The Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon