"San mo pala balak mag college? Graduating kana kaya dapat mag exam kana sa gusto mong University para maayos na pag dating nang enrollment"- tanong niya habang kumakain kami.

"Hindi ko pa nga napag-iisipan. Either UST or ATENEO. Pero gusto ko din sa FEU"- wala pa akong naiisip kung saan, balak ko sanang magtake ng Accountancy after that mag F-FA ako.

My Parents want me to take Business Management. But I'm not into business, buti na nga lang at hindi nila ako pinilit.

Bianly will take Business Siya kasi ang panganay and gusto niya din naman kaya okay lang.

Vianly is also taking Accountancy, they owned some bank companies kaya she will take it.

And Shantal will take Accountancy then she will proceed to Law. She really wants to be a Lawyer ever since we were kids.

Natapos kaming kumain pero puro pangaral lang binibilin sa akin ni Reid.

Tsk as if naman na magloloko ako sa pag-aaral ko, pag nangyare yun god! Mapipilitan akong kunin ang Business, kaya kahit SHS pa lang nagpupursige talaga ako.

Once kasi na bumagsak ako just in one subject, Wala na akong pagpipilian kundi kunin ang Business as my course in college. Yun kasi ang kasunduan namin nila Papa.

Umakyat muna ako sa kwarto para mag toothbrush.

Ano bang gagamitin ko?

Motor o Sasakyan?

Tutal medyo maaga pa naman yung motor na lang gagamitin ko.

Kinuha ko na nga yung susi ng Motor ko at yung Helmet.

Buti na lang at Black itong Uniform Jacket na nasuot ko, Meron kasi kaming White at itong Black.

Sumakay na ako kay Kyrie.

"What the f"

Aalis na sana ako kaso nag warning siya na mauubusan na nang Gas.

Meron namang malapit na Gas station dito, kaya pa naman siguro ito.

Binilisan ko na lang ang pagpapatakbo para maka-abot sa Gas Station.

*Brppp Brpp*

*Brrp Brrp*

Nagvibrate yung Phone ko habang nasa daan ako.

Kesa sa tinignan kung sino yun nagpatuloy ako kasi nakita ko na Yung Gas Station.

Saktong nasa tapat na ako ng mamatay ang makina.

Thank God

Pagkatapos kong magpa-Gas dumiretso na ako sa school agad.

Feeling ko 20 minutes na akong late, tsk 100 push-ups nanaman.

Pagdating ko nag-park agad ako at dumiretso sa Sports Building.

Habang umaakyat ako papuntang 3rd floor, navibrate ulit ang phone ko.

From: Reid the Greatest Handsome

CRUSH BACK (ON-GOING)Where stories live. Discover now