Kill #1

8K 341 404
                                    

Napasigaw at napamura ng malakas ang dalagang si Eyz nang may biglang umakbay sa kaniya. Pagtingin niya ay si Watch lang pala, o Relo kung tawagin niya. Halata naman siguro kung bakit Relo ang tawag niya dito? Napatingin sa kanila ang mga dumadaang estudyante, nasa hallway kasi sila. Pero dahil nga may attitude problem si Eyz ng slight ay wala siyang pakialam.

"Problema mo Relo?" Tinanggal niya ang braso ni Watch sa pagkaka-akbay sa kaniya. Hindi naman kasi sila friend at close, masyado lang talagang feeling close si Watch. Napasimangot si Watch dahil sa ginawa ni Eyz, malapit na rin mag-isang taon kung kailan sila nagkakilala, pero hindi niya pa rin maiwasan ang mapasimangot sa tuwing ganito ang trato sa kaniya ni Eyz.

Hindi na talaga siya nasanay.

"Saan ang punta mo? May klase ka ah." Napangisi si Eyz sa tanong ni Watch.

"Uuwi." Nagtaka si Watch sa sinabi ni Eyz. Wala pang isang oras simula nang magsimula ang klase, pero aalis na si Eyz. May ginawa na naman ba siyang kalokohan?

Nagkibit balikat si Eyz at balewalang nagsalita muli. "As usual." Napatango naman si Watch sa sagot ni Eyz. Gets niya na agad kung bakit uuwi na si Eyz, gumawa na naman ito nang kalokohan na hindi na naman bago pa sa kaniya simula nang magkakilala sila.

"Susunod na ba ako?" Nagkibit-balikat si Eyz. "Bahala ka sa buhay mo. Wala naman akong pake sayo." Walang kapreno-prenong saad ni Eyz. Hindi man lang inisip na baka masaktan si Watch sa sinabi niya, mabuti na lang talaga at medyo sanay na si Watch sa ugali ni Eyz kaya naman ipinagsawalang bahala niya na lang ito.

Kung no'ng bago pa lang silang magkakila at narinig niya ang salitang gano'n kay Eyz ay baka masaktan siya, pero dahil malapit na ang anniversary nang friendship nila na siya lang ang nakakaalam ay hindi na siya nagdamdam pa.

"Ano naman ang ginawa mo?" tanong ni Watch. Curious siya sa ginawang kalokohan ni Eyz at kailangan niya pang ma-kick-out sa unang araw nang pasok nito.

"I just punched some bitch." Nakangisi niyang sagot. Naalala niya si Audrey na sinampal siya dahil lang sa boyfriend nito na hinihingi ang number niya. Nainis siya dahil ang isa sa mga ayaw niya ay ang sinasaktan siya, kaya naman bilang isang mabuting mamamayan ng Pilipinas ay sinapak niya ito, sa totoo lang ay kulang pa 'yon pero dahil may natitira pa siyang kabaitan sa katawan ay 'yon lang ang ibinigay niya.

Deserve niya ang masigabong palakpakan dahil nagawa niyang kontrolin ang galit niya. Dapat na rin siguro siyang magpatayo nang rebulto katulad nang kay Dr. Jose Rizal, rare na ang isang taong katulad niya. Maganda, fierce, badass, pero may tinatago pang kabaitan sa katawan.

"Saan ka na papasok ngayon?"

"Ewan. Bahala na sila Dad d'yan." Inakbayan ulit siya ni Watch na ikinainis niya. Ang kulit at clingy talaga nitong Watch na 'to, para siyang boyfriend kung umasta. Hindi niya na lang pinansin 'yon at kinuha niya ang susi nang Bugatti Veyron niyang sasakyan.

"Basta sabihan mo ako, susunod ako." Nakangiting saad ni Watch.

"Ano ka aso?" Nang-aasar na sabi ni Eyz. Sumama ang tingin sa kaniya ni Watch.

"What are friends for 'di ba?" Umirap siya at binuksan ang pinto nang sasakyan.

"Assuming ka, hindi kita kaibigan. At bahala ka sa buhay mo, para ka namang kabute dahil sumusulpot ka na lang bigla kahit hindi ka hinahanap. Paniguradong malalaman mo din kung saan ako lilipat kaya bahala ka sa buhay mo." Natawa si Watch sa sinabi ni Eyz. Tama naman kasi ito, kahit hindi sabihin ni Eyz kung saan siya papasok ay nakakahanap pa rin siya nang paraan para malaman ito.

Kung para sa iba ay creepy na ang gano'ng gawain, para kay Watch ay hindi. Wala naman siyang masamang intensiyon kay Eyz.

"Oo nga naman. Sige, see you na lang sa next school natin." Natatawa niyang saad. Inirapan lang siya ni Eyz at pinaandar na ang sasakyan. Naiwang mag-isa si Watch sa parking lot, nakangiting tinatanaw ang sasakyan ni Eyz na paunti-unting nawawala sa kaniyang paningin.

Samantalang si Eyz naman ay wala pang kalahating oras ay nakarating na sa kanilang bahay. Medyo kaskasera din kasi siya at hindi masyadong traffic, which is minsan lang mangyari sa Pilipinas kaya natuwa si Eyz. Pumasok na siya sa kanilang bahay, pagkapasok niya pa lang ay rinig na niya ang sigaw nang ama mula sa opisina nito, nasa second floor ang opisina nito sa loob ng kanilang bahay.

Pero rinig niya pa rin, ang lakas talaga nang boses nang tatay niya, balak 'atang talunin ang speaker na todo ang volume. Mabuti na lang talaga at hindi siya nagmana sa tatay niya na laging nakalunok ng speaker.

"That brat! This is her twentieth time, Ariela!" sigaw nito. Ariela ang pangalan nang kaniyang nanay. Napairap na naman siya sa hindi mabilang na pagkakataon sa araw na 'to. Hindi na nasanay sa kaniya ang tatay niya, para namang bago pa ang pangyayaring ito.

Binuksan niya ang pinto kaya naman napatingin ang kaniyang mga magulang sa kaniya. Nakaupo lang ang kaniyang nanay sa sofa habang humihigop nang tsaa. Nakatayo at nakaharap naman si Akiro— ang kaniyang tatay. Masama agad ang tingin sa kaniya ng ama, hindi niya ito pinansin at umupo sa sofa na katabi ni Ariela.

"Good morning, Mom and Dad." Binati siya pabalik nang ina, habang si Akiro naman ay hindi siya pinansin at nanatiling masama ang tingin sa kaniya.

"What did you do this time, Eyz?" kalmadong tanong ni Ariela sa anak. Hindi katulad nang asawa niya na kulang na lang ay bumuga nang apoy sa sobrang galit.

"I punched some bitch." Nakangising sagot ni Eyz. Parang proud pa nga ito, na nagpailing kay Akiro. Ang anak niya talaga ay may pinagmanahan, bakit ba kasi nagtataka at nagagalit pa siya sa ugali nito? Dapat hindi na siya magtaka dahil kung anong ugali ni Eyz ay gano'n din ang ugali nang magulang nito.

"And why?"

"She slapped me." Napatigil si Ariela sa pag-inom nang tsaa. Nanlalaki ang matang tumingin siya kay Eyz, hindi makapaniwala. Si Akiro naman ay napangisi sa reaksyon nang asawa, paniguradong mapapagalitan nang asawa niya ang anak nilang spoiled brat.

"What?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ariela. "Gano'n lang ang ginawa mo? Look at your face, namumula." At gano'n na lang ang pagkadismaya at pagkawala nang ngisi ni Akiro. Nakalimutan niya nga pala na suportado nang asawa ang kalokohan nang anak nila. Bakit pa kasi siya umasa?

Agad bumalik ang inis niya sa anak. "Ariela, 'wag mo ngang kunsintihin 'yang anak mo." sigaw niya, na narinig nang mga katulong na nasa first floor.

Maka-anak mo naman 'tong si Dad parang hindi ako galing sa sperm niya. Ang nasabi na lang ni Eyz sa isip.

"Akiro, just let her. Magtitino rin si Eyz, she's just enjoying her life." Tumango si Eyz.

"Yeah, right." Galit na sigaw ni Akiro at umalis na. Sigaw siya nang sigaw tungkol sa pagiging sakit sa ulo at pasaway nang anak.

"Don't mind him." Tumango si Eyz. Sanay na rin naman siya sa pagiging beast mode nang tatay niya, hindi na bago sa kaniya 'yon. Parte na 'yon nang buhay niya sa araw-araw. "Anyways, nahanapan na kita nang bagong school."

"Saan naman 'yan?" Walang galang na tanong ni Eyz. Hindi na nagalit do'n si Ariela, ganito naman talaga silang tatlo kung mag-usap.

"Eirlo University."

****

Eirlo University [COMPLETED]Where stories live. Discover now