57. NINE

430 32 3
                                    

Ramdam ko na lasing ako ng mga sandaling yun dahil nakailang bote kami ng alak nina Phana,Kit at Dome.
Kaya naman hindi ko na alam kung papano pa ko makakauwi.
Hindi naman ako pwedeng makitulog dito kina Phana dahil masyado na silang masikip ngayon dito dahil nandito ang pamilya ni Ella.

"Tol Kit,Tol Dome...Sabay na din ko sa inyo pauwi.
Magtaxi na lang tayo para mas mabilis._AKO.

"Ano kaba,Magkaiba ang daan natin pauwi.Bakit ka sa amin sasabay eh nandyan naman si Miss MJ.Sya na daw ang maghahatid sayo._Kit.Agad naman akong isinakay nung dalawa sa kotse ni MJ at saka sila sumakay dun sa taxi na tinawag ni Ella para sa kanila.

"Pwede nama akong mag taxi na lang,Ibaba mo na lang ako dun sa highway.Maraming salamat._AKO.Kahit lasing ako at medyo hilo na ay kinakailangan ko pa ding maging normal sa harapan ni Miss MJ.Ayokong isipin nya na wala akong disiplina sa sarili ko.

"Hindi na,Ihahatid na kita dun sa apartment mo.Wag kang mag alala,May kasunod naman akong mga bodyguard sa likuran kaya hindi ako uuwing mag isa lang._Miss MJ

"Ikaw ang bahala.Alam mo naman yung shop namin hindi ba? Mga ilang kanto lang mula duon,Dun na din ang apartment ko._AKO.Saka ko naramdaman lalo ang pagkahilo dahil sa malamig na aircon kaya pumikit na lang ako.

Nagising na lang ako na nandito na sa kwarto ko at wala ng sapatos na suot.Kahit medyo hilo pa ay sinubukan ko pa ding tumayo para tignan kung nakauwi naba si Miss MJ.

"Wag kana munang bumangon,Pupunasan na lang muna kita.
_Miss MJ.Pumasok sya sa kwarto ko na may dalang maliit na planggana at saka maliit ding tuwalya.

"Nakakahiya naman Mam,Ako na po ang gagawa nyan.Pwede nyo na po akong iwanan dito.Baka po nag aalala na sa inyo yung parents nyo._AKO.Inabot ko sa kanya yung plangana na dala nya kaya lang ay pilit nyang inilayo ito sa akin kaya natapon sa kanya yung tubig.

"Ohhhhh!Sabi na kasi sayo ako ng bahala eh.Ayan tuloy nabasa tayo pareho._Miss MJ.Natawa sya sa itsura namin dahil pareho kaming mga mukhang basang sisiw.

"Im sorry...Hindi ko sinasadya Mam!Teka lang kukuha ako ng towel at saka extra shirt._AKO.Nawala ng bahagya ang pagkalasing ko dahil sa nangyari.

"Its okey,Maliligo na lang siguro ako.Ako ng bahala sa towel,Nakita ko namang may mga extra towel dun sa bathroom mo kaya ako ng bahala sa sarili ko.May niluto akong mainit na sabaw dun para sayo kaya mabuti sigurong kumain kana muna bago ka mag shower na din._Miss MJ.Napahawak na lang ako sa ulo ko dahil sa sarili ko ding mga palpak na aksyon.

"Miss MJ,May mga damit na din ako dyan na pwede mong pamalit.Saka dun sa drawer,May mga hindi pa ako nagagamit na bagong..._AKO.Sa labas lang ng shower room kasi ang kusina kaya pwede akong magsalita na madidinig nya.

"Uu nakita ko na.Matatapos na ko dito.Nagtoothbrush na din ako._Miss MJ.Nagmadali na ako sa pagsubo sa mainit init pa namang soup para hindi naman awkward kapag lumabas sya ng banyo.

Lumabas ng banyo si Miss MJ na suot ang tshirt ko at short.Naamoy ko din ang sabon na gamit ko at saka shampoo.Bakit ba bigla akong pinagpawisan bigla.Malamig naman dito sa apartment ko kahit kwarto ko lang ang may AC.

"Masarap ba yung niluto ko? Pasensya kana,Matabang yata yan kasi hindi ako mahilig sa maalat na pagkain.
Syanga pala,Pinauwi ko na yung kotse ko at yung mga bodyguards ko muna.Para naman makatulog na din sila at makapag pahinga._Miss MJ.Napakunot ang nuo ko,Bakit nya pauuwiin yung mga bodyguards nya?

"Teka Mam,Bakit nyo pinauwi yung mga bodyguards nyo? Papano kayo uuwi nyan?_AKO

"Uhmmm..Sabi ko kasi,Dito na muna ako matutulog at babantayan kita.Hindi ko naman akalain na magigising kana agad at mawawala na yang pagkalasing mo._Miss MJ

"Pero ngayong okey na ko Mam,Pwede na po kayong tumawag sa inyo na sunduin kana.Baka mag alala po yung parents nyo at baka kung ano ang isipin nila._AKO.

"Alam naman nila na ikaw ang kasama ko.Saka siguradong mga tulog na yung mga bodyguards ko kaya hindi ko na sila gustong abalahin pa.Wag kang mag alala,Pwede naman akong dito na muna matulog sa sofa eh.Maaga na lang ako gigising para magpasundo.Sige na,Maligo kana dun at matulog na.Ayos lang ako dito._Miss MJ.Saka sya pumwesto ng higa dun sa sofa para matulog na.

"Mam naman,Ano ba kasing problema? Hindi mo naman ako kailangang samahan dito.Lasing ako kanina pero ngayon okey na ko.Wag mo naman akong bigyan pa ng alalahanin. Papano naman ako magiging ayos nyan kung dyan kayo matutulog sa sofa tapos ako yung nasa kama ko? Haaaist.! Dun na kayo sa kama at ako na lang dito sa sofa mahihiga._AKO.Saka ako naglakad papunta ng shower room at dun ko ibinuhos ang kanina ko pang inis sa sarili ko.

Naka abang pa din sa sa akin sa labas ng kwarto at sadyang inaantay ang paglabas ko.

"Pasensya kana,Naging malaking problema pa tuloy ako sayo.Gusto ko lang naman makaganti dun sa ginawa mong pagtulong sa akin kay Lucky nuon.Salamat sayo at hindi na nya ko muli pang kinulit at nilapitan.Saka nag alala din kasi ako dun sa kwento nila Kit about dun sa bago mong kapitbahay.Baka kasi pag uwi mo at nakita nyang lasing ka,Samantalahin nya yung pagkakataon para makaisa sayo at bigla na lang pikutin ka._Miss MJ.Agad ko namang na gets ang punto ni Miss MJ kaya pala ganun na lang ang pag aalala nya na ihatid ako dahil sa sinabi ni Kit about kay Sussy.

"Dahil sa bagong kapitbahay ko? You mean kay Sussy?
Miss MJ naman,Nagbibiro lang yun si Kit.OA nga kasi yun kapag nagkwento.Hindi naman ako lalapitan ni Miss Sussy at lalong hindi nya ko gustong pikutin._AKO.Gusto kong matawa pero pinigilan ko lang dahil ayoko namang mapahiya si Miss MJ sa akin

"Papano mo naman nasabi na hindi ka nya pwedeng pikutin aber? Sabi kaya ni Kit sa akin,Halos lumuwa na daw yung dibdib ni girl sa kaka pa cute sayo eh.At saka,Pede ba kapag tayong dalawa lang naman...Wag mo na kong tinatawag na MAM.Magka age lang naman tayo diba? _Miss MJ

"Alam mo ang wierd mo ngayon Miss MJ.Hindi ko alam kung ikaw ba talaga yung nalasing o ako.At saka bakit naman ayaw mong papatawag na Mam sa akin eh prof naman talaga kita?
Anyways,About dun sa isyu mo about miss Sussy...Wag kang mag alala dahil hindi ko naman sya papatulan.Hindi naman ako ganun._AKO

"Okey,Sabi mo eh! Goodnight._Miss MJ. Saka sya pumasok na sa kwarto ko at agad nyang isinara ang pinto.

Inayos ko naman ang sofa at naglagay ng fan sa tabi ng hihigaan ko para makatulog na din.

"THE LOST HEIRESS " (GXG)  CLOUD AND MJ  LOVE STORYWhere stories live. Discover now