15.MJ

484 30 7
                                    

Hindi ko alam kung bakit pero kapansin pansin na sa lahat ng estudyante ko ay si Miss Mendoza ang namumukod tangi sa lahat.Balitang balita din kasi sa lahat ng prof ng Fine arts na napaka husay daw talaga ng kamay nito sa pag guhit.Idagdag pa na mahusay din pala sya sa paglangoy ng makita ko sya kanina.Sa totoo lang,Daig nya ako sa paglangoy dahil napaka dami nyang alam na stroke sa paglangoy nya kanina.

"Sino bang inaabangan mo dyan sa bintana ha,Yun bang estudyante na nag pinta sayo kaya sya nakapasok bilang scholar dito sa Uni?_Ella.Kasalukuyan kasi akong nagmumuni muni dito sa bintana na parang may inaabangan

"Scholar na ipininta ako,Parang ngayon ko lang yata nalaman yan? Sino at kelan nya ako iginuhit?_AKO.Naupo na ako sa mesa para simulan ang trabaho ko habang nakikipag usap kay Miss Ella na kadarating lang mula sa pagtuturo nya sa 2nd year.

"Naalala mo nung unang araw mo dito sa Uni,Magkausap tayo nun diba tapos naka dungaw ka din dyan sa bintana.
May isang Scholar pala na nakakita sayo habang nakadungaw ka at ikaw ang ginawa nyang subject para ipinta.Nagyon lang kasi lumabas yung mga napiling drawing dun sa bulletin board kaya wala ka pang alam._Ella.Saka nya ipinakita sa akin sa fon nya yung kinuhanan nyang drawing na ako nga ang naka front.

"Sino naman kaya ang gumawa nyan at bakit ako ang napili nyang ipinta sa dinami dami ng tao dito sa Uni? Ano ba daw ang topic o tungkol saan daw ba dapat ang kailangan nilang iguhit na larawan?_AKO.Bigla tuloy akong na curious sa taong gumuhit dahil ako ang napili nyang subject nya.

"Yan ang lang ang problema kasi confidential daw muna sa ngayon kung sino sino yang mga magagaling na scholar na yan.Pero teka,Diba may isang klase ka sa Fine arts? Posibleng isa duon ang gumuhit ng larawan na yan,Pwede mo silang tanungin para makasiguro ka._Ella. Muli kong sinulyapan ang larawan saka ko ibinalik na kay Ella ang fone nya.

"Hindi kaya si Miss Mendoza ang estudyante na yun? Madalas syang bukambibig sa amin ni prof na magaling daw ang kamay eh._AKO

"Si Nine ba ang tinutukoy mo,I mean si Janine Mendoza ba?Posible nga!Pero papano mangyayari na ikaw ang pipiliing subject nya since hindi naman nya alam na prof ka dito?  Pero talagang mahusay ng kamay nun sa pagpipinta kaya hindi na din ako nagdalawang isip na tulungan sya para makapag exam dito.Saka very humble sya talaga._Ella.Tumango tango lang ako.Kahit yata sinong makausap ko ay pawang bilib na bilib sa taong yun.

"Sya ba yung sinabi mong katrabaho ng nobyo mo? Si Miss Janine Mendoza na isang tattoo artist? Whatta small world._AKO.

"Bakit,Kilala mo na din ba sya bago pa sya naging scholar dito ha Mj? Naku ha,Mukhang pinagtagpo na kayo ng tadhana matagal na.Tapos ngayon estudyante mo pa.
Uhmmmm...Nakaka intriga yan.hahahha. just kidding!_Ella

"Sira,Tadhana ka dyan.Uu nagkita na kmi nuon pa.Sya yung tattoo artist na...Ay hindi pala. Hindi pa kami nag kita before.What i mean sa small world kasi estudyante ko sya tapos ako pa pala yung ginawa nyang subject sa drawing exam nya._AKO.Kailangan ko palang makausap si Miss Mendoza para ma warningan sya na wag ipaalam sa mga tao dito na isa akong VILLAREAL.

Kailangan ko palang makausap si Miss Mendoza para ma warningan sya na wag ipaalam sa mga tao dito na isa akong VILLAREAL

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


A black and white master piece.Kahit ako ay napahanga sa ganda ng pagkaka guhit ni Miss Mendoza sa akin.Nakumpirma ko ito mismo kay Prof Lozano na syang naghahandle sa mga scholar ng Fine Arts department.

"Actually,Unang kita ko pa lang dito sa iginuhit nya ay bumilib na ko agad sa kanya.Tapos saka ko pa lang nalaman na ikaw pala ang itong babae na ginawa nyang subject nya.At kung mababasa mo ang maiksi nyang paliwanag kung bakit ikaw ang napili nyang ipinta,Siguradong kikiligin ka.Kung ako nga na lalaki at may edad na,Naka ramdam ng kakaiba ikaw paba na mismong napili nyan?_Prof Lozano. Iniabot nya sa akin ang isang puting papel na may nakasulat.

"Larawan ng isang tunay na dalagang Filipina...Mahinhin at mistulang tala sa umaga.

Mga matang nangungusap at mga labing wari'y nagsasabi na wag kang matakot harapin ang bukas.

Ilong na matangos,At kilay na tila ba nagpapahiwatig ng walang hangang pag asa.

Buhok na sumasabay sa hangin na tila ba nagsasabing
sa huli...IKAW ay magiging akin.

-9-

"Wow!Hindi lang pala talaga sya magaling na pintor in the making,Magaling din syang mambola.Hahahhhaa.Infairness, Nakaka kilig nga po yung maiksing tula nya.At tama po kayo, Magaling nga po talaga ang mga kamay nya sa pag guhit.Hindi na po ko magtataka na gawin nyo syang isa sa mga scholar nyo.
_AKO.Ibinalik ko kaagad kay prof Lozano ang sinulat nyang tula.Dahil medyo alanganin at naramdaman ko na namula ang pisngi ko sa hiya kaya kaagad akong nagpaalam na sa kanya.

"Ano kamusta,Anong sabi ni Prof Lozano sayo? Tama ba na yung naka paskil sa board na drawing ay gawa nga ni Nine talaga?_Ella.Bago kasi ako umuwi ay bumalik akong muli sa faculty building.Dito kasi sa malapit naka park ang kotse ko.Para kaunti na lang din ang lalakarin ko.

"Uu sya nga yun talaga.Ang sabi daw nung estudyante nya, Ako nga daw kasi yung unang nakita nya pagpasok na pagpasok nya dito sa Uni.Sakto naman kasing napa dungaw nga ako nuon sa bintana habang magkausap tayo._AKO

"Really? Naku makwento nga yan sa jowa ko.Hihihi. Nakaka kilig naman.Pero wag kang magalit sa akin ha,Di naman kita itinutukso kay Nine,Alam ko namang may boyfriend kana at saka di ka naman papatol siguro sa lesbian.
Tapos estudyante mo pa.Pero nakaka kilig lang talaga.
Alam mo ba,Sayang nga yang si NINE kasi ang daming nagkaka gusto dyan pero dedma lang sya sa paligid nya.
_Ella.Naalala ko tuloy yung palagi nyang kausap at ka close na ka klase nya na si France.Baka kaya hindi namamansin sa ibang babae dahil sila na ang magka relasyon nung ka klase nya.

"Teka bago kapa kiligin dyan,baka gusto mu munang magkape ha? Tutal maaga pa naman at friday ngayon.Baging sweldo kayaa libre ko._AKO.Gusto ko pa kasing malaman ang iba pang istorya tungkol kay Miss Mendoza.At isa pa gusto ko din ma confirm kung sila nga ba talaga nung classmate nya na estudyante ko din.

"Ay sige ba,Game ako dyan! Libre pala eh.Mamaya pa naman ang lakad namin ni Jowa.Tamang tama kasi nga sweldo natin kaya mag pa party party kami kasama ng mga kaibigan nya.Malamang kasama din si Nine kaya ma i interview ko sya about dun sa drawing nya._Ella.Drawing pa lang,kilig na kilig na si Ella.Papano pa kapag nalaman nyang kasama ng drawing na yun ni Miss Mendoza yung tula na ginawa nya bilang paglalarawan sa ipininta nyang larawan ko.haaaist.

"THE LOST HEIRESS " (GXG)  CLOUD AND MJ  LOVE STORYWhere stories live. Discover now