Chapter two

172 104 8
                                    

Nandito kami ngayon sa may coffee shop malapit sa school. Hindi ko alam kung bakit siya nag aya, pero baka gusto lang niya makipag kaibigan kaya sumama nalang ako. Is it alright to go out with a total stranger? We just met earlier. I shouldn't trusted him that fast.

Pero hayaan na, nandito na ako eh. Mukhang mabait naman siya.

"So, sa Manila ka nag first and second year?" I asked while sipping.

"Yup."

"Is it alright to ask?" he nodded

"You're already askin-" he stopped when I gave him a deathly glare.

"Just kidding." he said while laughing.

"Why did you transfer to angel hope?

"Wala, gusto ko lang lumayo sa Manila. I need to fix myself."

"Wow, ang deep." I whispered. "Kwento ka dali, makikinig ako."

"Huwag na, nakakahiya eh."

"Mas gumagaan daw 'pag pinag-uusapan."

"Sige ganito nalang, sisimulan ko sa tanong ah." I asked and he just nod. "Bakit gustong-gusto mo mag kape kahit alam mong mapait?"

"Hmm, iba-iba naman tayo ng timpla at gusto. 'Yung iba gusto ng matapang, mapait, matamis, makrema o tama lang. Pero pare-pareho lang tayong naghahanap ng init, kalinga o pagmamahal. Napapaso, nasosobrahan at nasasaktan kapag masyadong minamadali o nagmamadali. Nagrereklamo kapag nagkukulang, sinasayang naman kapag nag uumapaw. Hindi natin kabisado ang tamang timpla kaya't nasanay nalang sa kung ano man ang kaya. Sumusubok ng ibang timpla o naghahanap ng iba kapag sa isa'y nagsawa na." he said

"Katulad din ng kape, kapag natagalan nanlalamig kasi ang tao. Nagsasawa sa pait kaya nagbabago. Nagbabago ang timpla, ang pait at ang gusto. Walang permanente sa mundo, bagay, pakiramdam o tao. Kaya dapat handa tayo sa anumang pagbabago nito. At isa pa hindi naman natin mapipilit yung tao na mag stay, may sarili silang desisyon. Tsaka hindi natin hawak yung feelings nila para sa'tin. Kaya if ever na umalis sila, accept it. Ignoring it or avoiding it, won't make our feelings disappear. You need to accept na hindi na siya masaya sa'yo kaya naghanap siya ng ibang magpapasaya sa kanya." I said but I just realized that it was so corny. Gosh, wala pa naman akong experience sa love noh, anong pinaghuhugutan ko?:\

"Sumugal ako, sumubok ako. Pero di ko naman ineexpect na ako yung matatalo sa dulo. Matagal niya na kasi dapat sinabing mas matimbang ang 2-months nila kaysa 2-years namin, hindi na sana siya nahirapan pang magsinungaling pa sa'kin. Nakakapagod mapagod."

"Wala namang masama kung sumubok ka eh. Kapag nagfail ganon talaga, atleast you've tried, para sa huli hindi mo pagsisihan na hindi mo sinubukan. Tsaka hindi naman puedeng palagi nalang ikaw yung panalo, minsan kaylangan mo din matalo para matuto."

"Tanggap ko naman eh. Pero sa tuwing naiisip ko, nasasaktan na naman ako." he said emotionally.

"Parehas kaming hindi sigurado sa isa't isa eh. Pero ginawa ko ang lahat para maging sigurado sa kanya, kaso pinili niyang hanapin sa iba yung mga bagay na hindi sigurado sa'kin. Pero mahal ko siya, kaya kung ipagkait man sa'kin ng tadhana na ibigin siya, hindi ko ipagkakait sakanya ang umibig at sumaya sa iba." he added.

"You are brave enough to let go of someone that's been part of your life and someone you loved for almost 2 years. And for me, that's the true definition of love."

"Paano kung tuluyan na akong bumitaw sa kanya pero nakakapit pa din ako sa mga alaala at pangako niya? Ang hirap niyang kalimutan kasi binigyan niya ako ng maraming rason para maalala siya."

Nakalimutan ko nang kalimutan kaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon