[23]

2.2K 78 6
                                    

COLE

"hoy! wag kang matutulog!" pang-aalaska sa akin ni lanie

"ano ba saglit lang" sabi ko

tumawa sya, "bakit kasi puyat ka? anong ginawa mo?" tanong pa nya

hindi ko sya sinagot bagkos sumubsob ako sa desk ,shit lang! nag-alaga ako ng toyoin kagabi













FLASHBACK

kakatapos lang ng game inaya ako ni christian sa date nila ng girlfriend nya

ginawa pa nila akong driver hindi naman ako makareklamo kasi dare namin 'yon ni chandrelle

ang lagkit-lagkit ko na pero tiniis ko lang kasi tinatamad na akong sumama sa kanila sa hotel

tama ang basa nyo sa HOTEL sila nagdate naghintay pa ako ng ilang oras sa labas hanggang sa makatulog ako

"wake up cole!"


naalimpungatan ako sa pag-yugyog sa akin, "hmmm.shit! nakatulog pala ako sorry" pupungas kong paghingi ng tawad

"let's go hinahanap na ako ni mommy" nagmamadaling utos ni christian

kakamot-kamot sa kilay na pinaandar ko ang sasakyan, shutangala anong oras na ba?

"anong oras na ba?" tanong ko habang sa daan ang atensyon ko

"alas-dose na" sagot ni christian

nanlaki ang aking mga mata anakngtinapa! late na ako shemssss! lagot ako kila papa

"are you really okay baby?" rinig kong tanong ni christian

pasimple kong sinilip sila sa salamin, naks! ang sweet sana all!!


"no!" masungit na sagot ng isa

napakamot ng ulo si christian, "are you hungry? pwede tayong magstop over" suhestyon ni christian

"AYOKO!!" malakas na sagot ng isa na halos magulat ako

ayyy. galit si ateng buong byahe tahimik kaming tatlo ni isa walang nagsalita tanging radio nalang ang maingay sa amin

pagkarating sa bahay nila christian, "cole ikaw na bahala sa kanya?" sabi nya

tumango ako, "goodnight babe text mo ko pag nakauwi ka na" paalam nya

bago bumaba sa kotse si christian naghalikan pa sila ,tsk!. sila na po ang sweet

sumenyas pa sa akin si christian, tumango ako ulit at pinaandar ang kotse

"okay ka na ba?" tanong ko

sinamaan nya ako ng tingin, "nakikita mo bang okay ako?" pamimilosopo nya

napalabi ako nagtatanong lang naman eh, "gutom ka ba?" lakas-loob kong tanong

hindi sya sumagot napabuga ako ng hangin iniliko ko, "saan tayo pupunta?!" tarantang tanong nya

"easy" tipid kong sagot

I love you Chandrelle Pierce (Completed) Where stories live. Discover now