[6]

2.7K 91 0
                                    

NICOLE

"kailan ka pa umuwi itian?" tanong ko kay christian

alam kong kilala nyo na sya ipapakilala ko sya ulit ,meet my childhood partner in crime CHRISTIAN SIVAN

kababata ko nagkahiwalay lang kami noong 15 years old ako sya naman ay 18 napagpasyahan ng mga magulang nyang sa america na mamalagi

"well last week pa gusto ko sanang bisitahin ka pero hindi ko na maalala ang daan sa village nyo" sagot nya

natawa ako sa sinabi nya, hahaha. makakalimutin na siya😂

"hay. matanda ka na tyanok!" biro ko

sumimangot sya, "hanggang ngayon yan parin tawag mo sa akin" nakasimangot nyang aniya

tinapik ko ang balikat nya, "para unique" ani ko at itinaas-taas ang dalawang kilay

sya naman ang tumapik sa balikat ko, huta! ang bigat ng kamay nya

"cough.cough.nanadya ka ba? papatayin mo ba ako?" kunware nasaktan ako sa pagtatapik nya

tumawa lang sya at tinapik ulit ang likod ko, "maybe" natatawang sagot nya






bali sabay kaming pumasok napapatingin ang mga nadaanan namin mga estudyante nagtataka siguro sila kung bakit kasama ko ang transferee palang pero sikat na

"sikat mo ha?" bulalas ko habang lumalamon ng mansanas

inakbayan lang nya ako, "baka ikaw" balik nyang sagot

"lagi ka sigurong may dalang mansanas?" tanong nya

tumango ako, "yep! alam mo naman siguro na mula pagkabata favorite ko na 'to?" sagot ko

tumango sya, "hindi ko makakalimutan 'yon" sagot nya





nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap nang may humarang sa harap namin, "hi christian?!" nakangiting bati ni ms.beautiful hanggang ngayon hindi ko pa alam ang pangalan nya

naalala nyo ba ung nakaaway ko sa bookstore? sya ang nasa harap namin at binabati si christian

siniko-siko ko si christian, "kilala mo sya?" bulong ko

umiling sya, "hindi eh" sagot nya pabalik

paglingon ko sa harap masama syang nakatingin sa akin napalunok ako nakakatakot sya!

biglang tumunog ang bell, sinipat ni christian ang suot nyang relos "ihahatid pa ba kita?" tanong nya na halatang nagmamadali

umiling ako, "hindi na kaya ko na ang sarili ko" tanggi ko

"are you sure?" tanong pa nya

ngumiti ako at tumango, "okay! see you later baby girl" nakipagbeso muna sya sa akin bago tuluyang umalis

liliko na sana ako ng humarang sya ,aisssh! nakalimutan ko nasa paligid si bruha



"the commoner!" pang-iinsulto nya sa akin

i sighed, "sige na sabihin mo na lahat" bagot kong sagot

[she scoff] "the commoner,slut,whore papansin ka din eh. noh?!" pang-iinsulto nya

lumabi lang ako bago kumagat sa mansanas, tsk. boring nyang kausap

"oh.tapos?" kalmado kong sagot



she rolled her eyes at malakas na tinabig ang kamay ko na dahilan ng pagkakahulog sa hawak kong mansanas

tangina! last na 'yon eh. binabawi ko ng crush ko sya! ang sama ng ugali nya!

napaluhod ako habang nakatingin sa mansanas na inapak-apakan ng mga kasama nyang nagtatawanan dahil sa reaction ko

"now bitch! leave him alone o ilang years kang mabubuhay sa impyerno? mamili ka?" nakacrossed arm na may ngisi sa labi nyang aniya

galit akong tumayo at nakipagpantayan sa kanya, pansin ko ang pag-iwas nya ng tingin sa akin

"kahit ikaw ang anak ng may-ari ng academy ito never! never kitang susundin" galit kong sagot bago sila iwanan ng mga chihuahua nya

























CHANDRELLE

napaiwas ako ng tingin nang maamoy ang mabango nyang hininga

"kahit ikaw ang anak ng may-ari ng academy na ito never! never kitang susundin" galit nyang ani

"tsk. apple lang magagalit na? napakababaw!" maarteng ani ni janice

inayos ko ang buhok ko kahit hindi nagulo, "palaban huh? tignan lang natin kung makakatagal ka pa dito" bulong ko bago dumiretso na papunta sa aking classroom

dumaan ang oras hanggang sa mag-uwian na

"chandrelle did you hear the news?" tanong ni dixie

"about?" kunot-noong tanong ko

"may activity na magkakasama ang third at first year" sagot nya

napaisip ako, "waaaah!. i'm so excited mga cuties freshman!!" tili nya

i rolled my eyes, pansin ko lang sa babaeng 'to napakahilig sa mga bata?

"no offense sa sasabihin ko dixie pedo ka ba?" pag-uusisa ko na ikinatigil nya sa pagtili

"no! i..just..li..ke..them" utal-utal nyang sagot at sa iba nakatingin

see? kahit hindi sya umamin halata na sa kanya tsk. pedo!



tinitigan ko sya na parang hindi parin naniniwala, "what?! hindi ka maniniwala??" inis nyang tanong

lumabi lang ako, "ofcourse" tipid kong sagot

sya naman ang umikot ang mata, "okay! fine! i'm attracted sa mga mas bata ang kyukyut kasi nila lalo na 'yon" amin nya at may itinuro agad ko namang sinundan

tumaas ang kilay ko that commoner? tsk. low quality!


"that commoner? are you out of mind dixie? that girl? wait are you gay?" tuloy-tuloy kong tanong na ikinahalakhak nya

"seriously chandrelle pati gender sinali mo? so what if i'm gay? duh! walang makakapigil sa akin" maarte nyang aniya at iniwanan akong nakanganga

wait tama ba ang narinig ko? ang maarteng dixie may gusto sa mahirap na 'yon!

"you really really really weird dixie!..."












tumambay pa kami dito sa cafeteria napapansin ko ang pagkaaligaga ni commoner napapansin kong hindi ito makapirmi sa upuan

"is she okay?" tanong ni seira

nagkibit-balikat lang ako hindi ko rin alam kung anong nangyayari kay commoner, lumapit si christian at may tinanong bago pumunta sa counter

nakatingin lang ako sa kanya habang bumibili at bumalik sa kaibigan nitong loser na may dalang apple saka nya ito binigay na agad namang kinain ni loser

"ang weird nya" dixie

i agreed, "yeah. ang weird nya" sang-ayon ni seira na halos mapangiwi....

I love you Chandrelle Pierce (Completed) Where stories live. Discover now