[18]

2.4K 85 6
                                    

COLE

"bakit ang tagal mo?!" maarteng tanong nya

"eh.may klase pa nga ako alangan namang magskip ako" sagot ko

"change plan" usal nya

"change plan? pumayag ba ako?" takang-tanong ko sa kanya




hahampasin na nya sana ako, "heheh. biro lang oo pumapayag ako so asan na si dixie?" bawi ko sa sinabi ko kanina mahirap na sa nakikita ko mabigat kamay nya

"seira come here!" sigaw nya




bigla may pumasok at tumabi sa akin, "seira? akala ko ba si dixie?" kunot-noong tanong ko

"ang arte-arte ng bwesit na 'yon" maarte nyang sabi

nakita kong namamaga ang mga mata ni seira, "bakit ka umiyak? sayang yang ganda mo eh" sabi ko sa kanya

ngumiti lang sya ng mapait , i sighed ayoko talagang may nakikitang umiiyak

yinakap ko sya, "kung ano man yang problema mo malalagpasan mo rin" pagcocomfort ko

yinakap nya ako pabalik at sa balikat ko sya umiyak hinayaan ko nalang.




"help her cole" usal ni chandy

na ikinalingon ko sa kanya, "ha? bakit anong nangyari?" tanong ko habang inaalo si seira

itinirik nya ang kanyang mga mata, "ang magaling nyang ex na feeling gwapo pinagpalit lang sya sa mukhang espasol" kwento nya

natawa ako sa sinabi nyang espasol, "pfft. talaga? sayang ka seira pinagpalit ka sa low class" pagbibiro ko

nakatanggap naman ako ng kurot aray! pare-pareho talaga silang magkakaibigan napakasadista

"so anong maitutulong ko?" pag-iiba ko ng usapan

humiwalay sa akin si seira, "be my girlfriend" sabi ni seira na ikinanganga ko

"gi..girl..friend?" ulit ko






tumango silang dalawa, "ehhh. wala na bang ibang choice?" kakamot-kamot ng kilay kong tanong

"ano oo ka ba o oo?" chandy

napasimangot ako, as if may choice pa ako? puro oo

"oh.sige sige basta walang halik ah? naku! mahina ako don" pag-amin ko na ikinanganga nila

"wa..it? mahina ka sa ganon? don't tell---"






agad kong pinutol ang sasabihin nya, "marunong akong humalik noh! sadyang ayoko lang maattach sayo kasi masasanay ako ganon" paliwanag ko

nagkatinginan silang dalawa, "okay lang ba 'yon chandy? kasi sa akin okay lang na walang kiss" sabi ni seira

napatango ako, "tutulungan kita seira para kahit papaano gumaan ang loob mo" sensiro kong sabi

minsan na akong nasaktan kaya ayokong maranasan pa ng iba hangga't kaya ko tutulong ako

"don't worry guys hindi naman palagi kayong magkasama sa tuwing magdadate lang kami ni christian" chandrelle

"oras na mapasakin sya pwede na nyong putulin ito" dugtong pa nya

tumango-tango kami ni seira, "isa lang ang rule na kailangan nyong gawin" seryoso nyang sabi

"ano 'yon?" sabay na tanong namin ni seira

"wag na wag kayong mahuhulog sa isa't-isa, seira remember? kay bradley ka lang magfofocus" paalala nya

nagkatinginan kami ni seira sabay tawa

'HAHAHAHAHAHHAHAHHA'

"tanginang pag-iisip na yan chandrelle ako mahuhulog sa kanya? hahahaha." tawang-tawang sabi ni seira

napatango ako na hindi matigil-tigil sa pagtawa, "eto magugustuhan ko? naku! lalaklak nalang ako ng alcohol ang arte-arte kaya nitong kaibigan mo hahahah" tatawang-tawang sabi ko

nag-apir pa kami ni seira sa mga pinagsasabi namin.

"oh.sige na kayo na!" nakasimangot na sabi ni chandy

tumigil ako sa pagtawa at tinapik ang balikat nya, "malabo yang iniisip mo okay? chill ka lang kaya namin 'yon kahit walang kiss diba seira?" pampalubag loob ko pero sa loob-loob ko nagdadasal na ako

jusko! ang laking gulo 'tong mapapasukan ko puro pa naman mga bitch pa 'tong mga kasama

tumango naman si seira at naglabas ng sanitizer saka naglagay ng marami sa kamay nya

grabe!grabe ang arte!

"sige alis na ako" iiling-iling kong paalam at hindi na pinansin ang mga sinisigaw nila.


dumertso ako sa cafeteria andon ang mga kaibigan ko, pagkarating sa table nila agad kong kinuha sa tray ni donna ang mansanas

hayyy. ang sarap talaga!

"san ka nagsusuot?" nakataas ang kilay na tanong ni rodrigo

"dyan dyan lang" sagot ko at nagpatuloy lumamon

"saang dyan dyan lang? cole saan ka nagpunta?" pangungulit nya

i sighed, "hay naku rodrigo chismosa ka kahit kailan noh? jan sa library ano okay na?" pagsisinungaling ko







naningkit ang kanilang mga matang nakatingin sa akin na parang inaalisa kung nagsasabi ba ako ng totoo

"ano ba!" saway ko sa kanila

tumigil sila sa pagkakatitig sa akin, "siguraduhin mo lang cole kagagaling lang yang paa mo wag na wag gagawa ng gulo" pangaral sa akin ni kat

tumango ako sa sinabi nya, "oo nag-iingat naman ako oh. atsaka hindi naman sa bully galing 'yon eh. galing sa try-out ko" rason ko

"kahit na! kailangan mo mag-ingat hindi natin alam kong anong oras gagalaw ang mga galamay ng aswang na 'yon" donna



natapos ang break time na puro sila pangaral sa akin hindi nila alam may gulo na naman akong papasukin hahahah.

pagkarating sa classroom tahimik akong umupo sa tabi ni melanie nang bigla akong may marinig

tunog ng nagbigay sa akin ng pagkataranta ,shoots!! kalma cole

patuloy ang tunog , "are you okay?" nag-aalalang tanong nya pero hindi ako sumagot

yumuko ako para pakalmahin ang sarili ko.

"ano ba ang ingay pakibuhat naman po!!" rinig kong sigaw sa labas

hindi matigil-tigil sa pagtaas pababs ng paa ko na mannerism ko

"hey are you okay? nanginginig ka oh?" tanong na ulit sa akin ni melanie

hindi parin ako sumagot this time kuko ko na ang pinagdiskitahan ko

"i said buhatin nyo yang putanginang yero!" sigaw ulit sa labas

hinawakan ni melanie ang kamay ko, "are you okay cole? answer me" tanong nya ulit

hindi ko pinansin ang tanong nya at tumakbo sa kung saan ako dadalhin ng mga paa ko

nakakaasar kang yero ka!!!!

napatigil ako sa isang silid na walang nakaukyupado

para akong tanga sa sitwasyon ko , shoots!!

🎶apple,apple,apple,apple

kanta ko sa isip ko habang nakapikit ang mga mata at takip sa tenga ko


"loser?..."

I love you Chandrelle Pierce (Completed) Where stories live. Discover now