CHAPTER 2

539 79 33
                                    

CHAPTER 2:


Chloe′s POV


"Chloe!"


"Chloe Alijah!"  Agad kong tinakpan ang tenga ko. Isa pa talaga ihahampas ko na ′tong kawali na hawak ko!


"CHLOE ALIJAH----Hmpk Hmpk!" Napaubo pa siya at dali daling kumuha ng tubig.



Pairap kong nilapag sa mesa ang fried rice.



"Bakit mo pinasakan ng tinapay bibig ko!" Iritang saad ni Gladys. Hindi pa ba obvious? Tanga lang?



"Ingay mo daw kasi" Pagsi-singit ni Joyce at agad ng kumuha ng mga pagkaing nakahain.



"Malay ko ba namang nasa kusina lang siya at nagluluto! Akala ko tulog eh." Napairap na lng ako at kumuha ng hotdog.



"Tapos hoy! Hindi niyo naman kasi ako sinabihan ′no" pag po-protesta niya at tinuro turo pa sa tatlo ang bread knife na hawak niya agad ko naman binaba ang kamay niya, alam naman niyang matulis eh!



Sinamaan ko siya ng tingin pero ang loka ngumiti lang.



"Aba Fyi lang Gladys sino ba kasing nag---"



"Manahimik na lang kayo at kumain pwede?" Inis na saad ni Tammie, buti na lang den at nanahimik ang dalawa. Gutom na ako eh, sadyang distraction lang kaingayan ng dalawa.



*Ding*         *Dong*



Lecheng doorbell! Ayun na eh susubo na ako ng hotdog! Makakakain na ako eh, inistorbo pa!  Pabalang kong binaba ang tinidor at inis na naglakad papunta sa pinto.


Sulat? Kanino galing? Ay tanga lang Chloe basahin mo kaya.



To:  Chloe

From: Ej




WTF? EJ? Wala naman akong kilalang EJ?



Inis kong binuksan ang sulat at laking pagkadismaya lang ang gumuhit sa mukha ko. Masama kong tiningnan ang sulat.  Masunog ka sana punyeta!



Sinong tanga ang magsusulat pa sa malaking papel tapos ang liit liit lang ng sulat na "Ang Pogi Ko"  Like seriously taga saan sender nito? Papadalhan ko ng salamin mali ata pagkakakita niya sa sarili niya.



Pero nabasa ko pa sa ilalim ang salitang sorry. Bigla akong napatigil ng tamaan yun ng sinag ng araw at lumitaw ang malilit na sulat at puro Sorry lang ang nakalagay.



Nagso-sorry ata dahil sa kasinungalingang sinabi, kibit balikat kong nilukot ang papel pero nagulat ako ng baliktarin ko patalikod ang papel












Syempre walang sulat, tanga.


Inis kong nilukot ang papel at tinapon sa basurahan, aanhin ko naman kuno yun. Tsk.


"Ano yun?" Bungad na tanong ni Tammie pagkabalik ko sa hapag kainan.



"Wala naman" Hindi na sila nangulit at nagkibit balikat na lang. Agad na kaming bumalik sa pagkain ng tahimik.


Kung sino man yung EJ na yun hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin o ipahiwatig sa′kin ayoko na yung alamin pa. It′s just masyado na akong pre-occupied ng mga dapat kong gagawin at harapin.



Hoping I can deal with it but one thing I know sa oras na′to wala na akong aatrasan handa na akong harapin lahat, kung may dapat tapusin edi tatapusin. I also want a new life, new beginning after that tragic ending of our so-called-love story.



Once Again (COMPLETED)Where stories live. Discover now