DYES

1.4K 35 0
                                    

Hows the Chapter Nine? I accept critics,bash and hates. Dont forget to vote and Comment.
 
  
  
  
 
Dyes

Dulce Mihi Vindicta written by LadyDivichi
  
  
  
   

  
"Dulce, Wait" sigaw nya habang sinusundan ako.

"Bakit ba?" Irita kong tugon.

"Di mo mabubuksan yan kasi boses ko ang password jan" sabi nya pa.

Oo nga pala. Haha. Lakas ko naman kasi mag walk out. Nakakahiya tuloy.

"Alam ko." Palusot ko. Agad naman syang tumungo sa isang maliit na butas at nagsalita. Bumukas naman ang pinto at lumabas na ako. Naalala ko na di pala basta basta nabubuksan yung gate kaya napahinto ako sa paglalakad at hinintay si Brent.

"Ok ka lang ba? Is there any problem? Sabihin mo lang." Wika nya sa harap ko.

Napanuntong hininga ako at naglakad at iniwasan ang mga tanong nya. Inapakan nya na ang isang bagay sa gitna ng gate at agad itong bumukas.

"Ok lang ako. May aasikasuhin lang ako. Ibalik mo na ako sa Company." Utos ko sakanya  kahit sya yung Boss ko.

Wala naman syang nagawa kundi ang bukasan ang sasakyan nyang naiwan lang sa labas. Agad akong pumasok sa loob ng sasakyan at sya rin at nag umpisa ng mag drive.

Habang masa byahe panay tanong sya kung anong aasikasuhin ko eh wala namang iniwang trabaho si Clent. Sinabi nya rin na Willing syang tumulong kung may Problema ako. Sinabi ko nalang sakanya na mamalaman nya rin ang lahat sa tamang panahon. Kaya mas lalo syang naguluhan based on what i saw on his Manyak looking face.

Pagkarating namin sa Kompanya dali dali akong pumasok sa loob. Sinabi ko rin kay Brent na wag nya na akong sundan pero panay sunod parin sya saakin. Mukha na akong aligaga ngayon kasi nag aalala ako kay Papa baka kung ano ng nangyare sa kanya sa kamay ni Emmanuel.

Agad akong dumiretso sa Lugar kung nasaan si Jaime.

"Dulce. Naiinis nako sayo. Mukha na akong aso dito na panay habol sayo" he said, lumingon ako sakanya habang naglalakad ng mabilis ngunit ibinaling ko din ito agad sa daan.

"Wag mo na kasi akong sundan" wika ko.

"Di ako aalis dito hangga't di mo sinasabi kung anong nangyayare sayo. Parang kanina lang nakikinig ka lang sa Kwento ko tas bigla ka nalang tumayo na parang ewan."

"Sir Brent. Personal life ko to. Wag ka na makisali" sabi ko sakanya habang patuloy lang ako sa paglalakad.

Asan ba si Jaime.!!!

"Fine. But you can call me if there's any problem."

Tumingin ako sakanya at Tumango. Itinuloy ko na ang paghahanap kay Jaime at si Brent naiwang naka tayo sa Tapat ng Elevator.

Hindi ko pwede sabihin sakanya ang mga nasa isip ko. Baka makasagabal pa sya lalo na't anak sya ng Matandang Tabaranza.

Naglibot ako sa buong company para lang mahanap sa Company. Buti nalang nakita ko yung Head Janitor nila na si Sic? Sicario? Sicarious? Basta nagsisimula sa S ang pangalan. Tinanong ko sya kung nasaan si Jemenia o Jaime at tinuro nya na nasa Comfort Room daw doon nya ina sign sa paglilinis.

Kaya tinungo ko agad ang CR. Naabutan ko si Jaime doon na....what?

Nag reretouch?

Kala ko ba naglilinis to? Well ano pa nga bang inaasahan ko sa isang baklang katulad nya?

Dulce Mihi vindicta [COMPLETED]Where stories live. Discover now