OTSO

1.6K 28 0
                                    

A/N huehue. Sorry talaga sa super bagal na update kasi tinapos ko yung isa kong Story which is He stole my V-card . If you haven't read it yet, pakibasa nalang. Hahaha leave a comments,rants,bash,critics na din and kung gusto nyong i-vote sige lang. I really appreciate that mga Tie.

Naisip ko kasi na hanggang 10 chaps lang to pero sabi ko. Mukhang bitin kaya gagawin kong 11 hahahaha. So ayun. Bago mag start ang Class tapos ko na to.

Labyu.😍
  
   
   
   

Otso

Dulce Mihi Vindicta written by LadyDivichi

Alas Singko ng umaga ako hinatid ni Brent dito sa Hotel na tinutuluyan namin ni Jaime. Dito na rin ako naligo sa Hotel kasi kung sa Bar pa ni Brent eh wala naman akong damit. Kakatukin ko sana si Jaime para ibalita ang mga nangyare saakin buong araw kaso wag na pala kasi baka maka istorbo lang ako sa pagtulog nya. Mas okay na rin siguro na wag nalang sabihin, mejo nakakahiya din eh.

Nakaupo ako ngayon sa harap ng salamin habang nag aayos sa sarili ng biglang pumasok sa isip ko ang kwento saakin ni Brent kagabi tungkol sa Babaeng nakilala nya noong sya ay bata pa.

Ang hirap magpanggap na wala kang alam sa isang bagay na alam na alam mo. Ang hirap itago ang lahat lalo na kapag nasa harap mo na ang taong iyon.

Una ko palang syang nakita iba na ang lukso ng dugo na naramdaman ko. Oo kambal sila ni Clent at magkamukhang magkamukha pero hindi ko naramdaman ang isang bagay na naramdaman ko noong nakita ko si Brent.

He really reminds me of someone i left back when i was a kid.

Nagpakilala sya saakin, naging magkaibigan kami, and he gave me his diamond necklace as a sign of our friendship. Hindi ako nagpakilala sakanya kasi ayaw ko. Umalis kami ng Pamilya ko at lumipad papuntang States para doon ipagpatuloy ang aking Pag aaral. Hindi man lang ako nakapagpaalam sakanya. Hindi ko man lang nasabi sakanya ang Pangalan ko.

Bumalik kami sa Pinas when i was 10 years old ngunit wala na sya sa lugar kung saan kami unang nagkita, at ayon sa iba naming kapit bahay pumunta na sila ng Spain para doon na din sya mag aral kasama si Clent at ang Ate nya.

Sobrang nalungkot ako sa nangyare at the same time nagsisi kasi iniwan ko sya ng walang pasabi at bumalik ako...pero wala na sya.

Sobrang saya ko lang kasi muli kaming nagkita.

Ngunit merong problema.

May kasalanan ang Pamilya nila saamin.

Paano kung mahulog ako sakanya? Paano kung malaman nya na ako ang babaeng nakilala nya when he was 7. Paano na? Paano na ang mga plano ko?

Biglang pumasok sa isip ko. Nasaakin pa kaya ang Kwintas na bigay nya saakin? O baka nawala ko na dahil burara ako? Pagbalik at pagbalik ko sa Casa yun agad ang hahanapin ko.

That thing reminds me of little Brent, my friend, my lover.
  
   
   
  
  
 
Halos isang oras na rin ang nakalilipas at isang oras na rin pala akong nakaupo sa tapat ng salamin at di parin ako natatapos na ayusan ang sarili kong pagmumukha.

"Dahlia" rinig kong tawag mula sa Pintuan ng kwarto.

"Pasok" wika ko at pumasok na rin si Jaime sa loob at nakabihis na at may dalang abaniko at ipinapaypay ito sa sarili kahit malamig naman sa kwarto ko dahil sa aircon.

"Oi bat di ka umuwi kagabi? Saan ka natulog? Kasama mo si Brent no? Nakita ko kayo. Di mo nga ako pinansin noong dumaan kayo sa harap ko. Grabe ka ghorl. Ano ginawa nyo ni Brent?" Sunod sunod nyang tanong pero inirapan ko lang sya at tumayo na ako para magbihis.

Dulce Mihi vindicta [COMPLETED]Where stories live. Discover now