00:00

64 10 0
                                    

Ika-15 ng Hulyo,

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ika-15 ng Hulyo,

Binalaan niya ako. Imbes na sundin ay pinagwalang bahala ko iyon. Ginawa ko ang sariling kagustuhan, na tiyak na maglalagay sa akin sa kapahamakan. Ang puting kwaderno na palagi niyang dala ay napulot ko sa gilid ng daan na parati niyang tinatahak.

Wala siyang imik na tumingin sa dako kung nasaan ako, puro puti na lamang ang makikitang kulay sa kanyang mata. Tumawa ako. Akala ko biro ang lahat. Na wala iyong katotohanan. Nang akmang iaabot ko na iyon sa kanya, ay nawala na lamang siya bigla.

Sa kuryosidad inikot ko ang paligid. Kung iba siguro ang naririto ay tiyak na kakabahan na o matatakot sa lugar na kung nasaan ako ngayon.

Tahimik, Madilim at walang ibang tao.

Nakita ko siya, naka-upo sa isang ugoy sa may bandang palaruan. Nabigla ako ng tumakbo siya at malakas na tumawa. Kinakausap niya ang hangin. Bagay na palagi kong pansin. Sa isang pikitmata'y nawala siyang muli, sa ikalawang pagkakataon. Muli ay hinanap ko siya.

Natagpuan ko ang sarili sa loob ng tahanan nila.

Serendipity Where stories live. Discover now