A trick of time

93 12 0
                                    

Mallory's Point of View

The shimmering and shining stars was my companion. As the cold wind blows, it touches my skin making me shiver.

Mabuti na lamang at bago naisipang tumakas ay nagsuot ako ng jacket. Ngunit dama pa din ang lamig ng pang-gabing ihip ng hangin.

I counted the stars from one to nine, and said my wishes.

Sa tahimik na gabi ay mag-isa kong tinahak ang daan patungo sa paboritong lugar dito sa aming bayan. Binilang ko ang bawat hakbang na ginagawa.

I reached the place, in no time.

Sinandal ko ang ulo sa pader noong lumang bahay na sinasabi nilang tinitirhan ng mga ligaw na espirito o kung ano mang mga elemento. Sandali akong nagpahinga at pinagpatuloy muli ang maingat pag-akyat sa hagdanan nagdurugtong sa ikalawang palapag ng naturang gusali. Kahit sa madilim na paligid ay may nakasilip na unting liwanag dahilan upang makita kong muli ang mga disenyong naka-ukit sa mga pader. Matagal din simula ng huling nadayo ako sa lugar na ito.

Halos tatlong taon kaming namalagi sa ibang bansa, dahil na din sa kagustuhan ng aking ama.

My father, Matthews Servantes.

Sa akalang namatay ang nakakatandang kapatid ay nilisan niya ang sariling bayan upang makalimot.

He met my mother Avion Evergreen, habang hinahanap ang sarili ay nakita niya ang taong itinakda para sa kanya.

My phone vibrated inside my pocket.

Pinagwalang bahala ko iyon. Niyakap ko ang sarili sa gitna ng dilim. Tears streamed down my cheeks. Tumakas ako sa bahay dahil sa sawang-sawa na ako sa away ng aking mga magulang. Tila ba wala iyong katapusan.

Matapos ang ilang minuto ay nagawa kong pakalmahin ang sarili. May kamay na nag-abot sa akin ng isang panyo.

"Hindi ka nakalimot."

Paniniwalaan ko na sana ang tungkol sa sabi-sabi na may multo dito, kung hindi lamang ito nagsalita. Isang bulto ng katawan ang nasa harapan ko. Base sa boses at tindig nito ay malalaman mo agad na lalaki.

Kinuha ko iyong panyo na binigay niya at pinunasan ang luha sa mga pisngi. Naupo siya malapit sa kung nasaan ako. Walang nagsasalita sa aming dalawa. This is kinda awkward.

Kung ibang babae siguro ay iisiping baka masamang tao ito, kanina ko pa napapansin ang pagsunod niya sa akin. Tuwing nililingon ko kung nasaan siya ay nagtatago siya sa likod ng mga halaman.

Kaya't sa abot ng aking makakaya ay pinigil ko ang sarili sa gustong gawin.

Like the meaning of my name, I always bring bad luck with me. Malas.

Kahit anong gawin ko ay hindi ko kayang mahiwalay o itaboy ito palayo sa sarili.

"Kasalanan ko ang lahat ng iyon."

Nagbabadya muli ang luha sa magkabilang mga mata. Yumuko ako. Naramdaman ko na lamang ang bawat marahang paghaplos niya sa aking buhok.

"Mabuti na lamang at alam mo ang katotohanang iyan."

Lahat ng bagay ay sariwa pa din sa akin.

Naka-upo ako sa unang bahagi ng silid-aralan namin. Mag-isa.

I heard giggles and footsteps. Imbes na matakot ay napangiti ako.

Alam kong nandito sila.

Pinagtatawanan ako.

Ang mahinang bulungang iyon ay malinaw na nadirinig ko at nagpantig ang bawat salitang sinasabi nito sa katabi patungkol sa akin.

"Wag kang lalapit kay Mallory, balita ko may dalang kamalasan yan. Mamalasin ka."

Tila ba banta iyon. Ano man ang gawin kong pagpapatunay ay alam ko sa sarili na totoo ang bagay na yan.

Naglaho ang lahat ng iyon ng tumayo ako at nilisan ang lugar. Lumabas ako at tinahak ang daan sa may hallway. Nadinig kong muli ang malalakas na sigwan at halakhak ng kapwa kamag-aral ko. Naramdaman kong muli ang sakit ng bawat bolang papel na binabato nila sa akin.

I heard some whispers. "Malas." Paulit-ulit iyon. Wala akong magawa para matigil. Namutawi ang ngiti sa aking labi.

A little memory of my past. That's what I used to be. I went to the school's cafeteria.

Umugong ang hiyawan at tumama sa akin ang mga kamatis at itlog. Pumikit ako at inindang muli ang sakit na hatid niyon.

Paano nga ba ako nahantong sa ganitong sitwasyon?

Minulat ko ang aking mga mata at natagpuan ko ang sariling nakasampa sa bakal na nagsisilbing palatandaan na narating ko na ang hangganan, tinatanaw ko galing sa itaas ang kumpulan ng mga mag-aaral na tumitingala. Tila pilit na tinatanaw ang mukha ng kung sinong nasa itaas na nakadungaw.

Hindi iyon ang katapusan, kundi ang pagtalon ko mula sa pinakamataas na palapag ng building sa loob mismo ng aming paaralan.

Parang ang lahat ng pasan ay biglang naglaho na parang bula. Everything was light. How long did I wished to feel this? Hindi ko na matandaan. I felt how every blow of the wind made me shiver.

A body lying lifeless on the ground.

Puno ng dugo, habang tila nagkakagulo ang mga taong nakapalibot dito. Ginawa ko ang lahat upang makita ang mukha nito.

I was her.

She was me.

She was smiling while her little finger was pointed on me.

I was then, shocked. Napapa-atras, tila di makapaniwala sa nakita.

I turned back the time. Naglakbay ako pabalik sa kasalukuyan. Gulat pa din sa nasaksihan.

Narito akong muli, naglalakad sa isang daang di pamilyar sa akin. May narinig akong busina ng sasakyan, ngunit walang nakita ni isang dumaraan.

I coughed with blood. My sight was enveloped with blackness, but I died with a smile on my lips.

Pinalis ko ang luhang kumawala sa aking mga mata. I looked away.

Ang kaninang maingay na silid ay tumahimik na lamang bigla. Marami ang umiiyak at tila di makapaniwala.

I was also once afraid to share what's inside my head. Natatakot din kasi ako minsan sa mga naiisip.

I told them one of my dreams. Isa lamag iyon sa mga bagay na araw-araw gumugulo at bumabagabag sa aking ispan.

I can't stop it.

More like I don't want to.

"Ms. Servantes, are you okay?"

Iyan lamang ang tanong na tila kay hirap sagutin.

"Time tricked me, again." Bulong ko sa sarili.

Humahangos akong napabalikwas sa pag-bangon sa hinihigaan. Iniabot ni mama sa akin ang sariling inhaler.

It was so hard to breath in that very moment.

"How are you feeling, Mallory?"

Pagod akong ngumiti sa tanong na iyon ng doktor.

I'm dying.

Serendipity Where stories live. Discover now