Chapter 4

5 2 0
                                    


Chapter 4

It was already dusk when I decided to leave the island using the speedboat. Sinubukan kong magpaalam kay Shayne subalit talagang ayaw niya akong kausapin. Hinayaan ko na lang dahil alam ko naman kung saan siya nanggagaling and I'm not in any position to be mad at her for acting like that.


Dalawang oras kong binaybay ang karagatan at hindi nagtagal ay natanaw ko na ang daungan kung saan naghihintay ang sasakyang maghahatid sa akin sa Lorenzo Mansion. Madilim at tahimik ang lugar, tanging yabag lang ng paa ko sa daang gawa sa lumang kahoy at ang hampas ng alon ang naririnig ko.



"Maligayang pagbabalik mahal na prinsesa."



Napatingin ako sa babaeng nakasandal sa itim na sedan. When our eyes met, I immediately see hatred in her dark eyes. Ever since I became part of the mafia, she always gives me the cold treatment. She never liked me and so do I. I'm not a people pleaser, if someone doesn't like me, I walk away.




"I don't have time for your mockery, Rhiannon. Just give me the keys." Malamig kong sabi at saka nilahad ang kamay ko at hinintay na ibigay niya iyong susi ng sasakyan.




"They assigned me to bring you to the Lorenzo Mansion, unscathed. I didn't like the idea but assassins never get to have a choice." Naiinis niyang sabi at saka sumakay na sa loob ng sasakyan.




Kahit labag sa loob ko ay sumakay na din ako sa likurang bahagi ng sasakyan. Hindi ako pwede magmatigas dahil wala namang ibang sasakyan. All my cars were at my house, kukunin ko na lang ang isa pagkatapos kong pumunta sa Lorenzo Mansion.




"You better fasten your seatbelt, princess." Paalala niya pa bago paandarin ang sasakyan. I didn't like the idea of her ordering me things to do but like her, I don't have a choice either.




Habang nasa daan ay wala na akong narining pa kahit isang salita galing kay Rhiannon. Tahimik siyang nagmaneho habang ako naman ay nakatingin lang sa bintana ng sasakyan. Isa siya sa mga highly skilled assassins ni Arthur Lorenzo and if there will be a ranking of all the assassins, she will be next to Jax.




Ilang sandali pa ay huminto na ang sasakyan sa tapat ng isang malaking puting gate. Rhiannon opened her window just enough for the security personnel to see her eyes. Agad naman nila siyang nakilala at binuksan ang malaking gate upang makapasok kami. The gate's distance from the house is about 2 miles, you have to drive through the woods in order to get to the mansion. If you're invited then you can safely drive and get to the mansion, if you are a trespasser, then you will get killed even before you reach the mansion.


Nang huminto ang sasakyan sa harap ng mansion ay binuksan ko na ito at madaling bumaba. Hindi na ako nagpaalam pa kay Rhiannon dahil hindi naman kailangan at wala rin naman siyang pakialam.


Sinuri ng mga mata ko ang labas ng mansion. Tulad pa rin ng dati ang kabuuan nito, well maintained ang mga Arbovitae na nakatanim sa harap ng mansion pati ang iba pang mga halamang nakapaligid dito. Mediterranean styled ang Lorenzo Mansion, maaliwalas at walang kahit sino ang magaakalang isang leader ng mafia ang nakatira sa loob nito.


"Maligayang pagbabalik, mahal kong apo."


Napatingin ako sa lalaking nagsalita at nakatayo sa may balkonahe sa ikalawang palapag ng mansion — si Arthur Lorenzo. Like his mansion, he looks the same, walang pagbabago at parang hindi tumatanda. Minsan naiisip ko kung meron ba siyang iniinom o tinuturok para manatili iyong pagkabata niya.




Pilit ko siyang nginitian at saka naglakad papunta sa main door ng mansion na kusa namang bumukas. Sumalubong sa akin ang halos lahat ng tauhan ni Arthur Lorenzo sa mansion. Isa isa silang nakapila sa foyer sa tapat ng spiral staircase at saka sabay sabay na yumuko habang naglalakad ako papasok.


Good Girl Gone BadWhere stories live. Discover now