Simula

70 25 3
                                    


Unforeseen feelings (Mr. Dope and Mr. Lethal)

Written by

Blackrainbow28xx

Blackrainbow28xx

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Simula


Drady's POV


"Drady pagkatapos mong kumain diyan... nandun sa mga lalagyan ng damit 'yong papel ng mga gagawin mo para ngayon." nawalan tuloy ako ng ganang kumain dahil sa sabi ni mama, ako na lang ba parati. Tiningnan ko 'yong ulam kong bagoong hays kelan pa kaya 'to mag-eevolve into baboy, bagoong na nga hinahati pa, kung hindi bagoong gulay.

"Mama naman, may gagawin ako ngayon!" pagmamaktol ko. Kasi may practice kami ngayon ayaw kong hindi pumunta baka bumagsak ako.

"Sino papatrabuhin mo ako, e may pupuntahan ako ngayon." Sabi niya. Kung alam niyo lang magsusugal lang 'yan.

"Bakit hindi nalang ang kapatid ko may pupuntahan ako ngayon mama." Nagmamakaawa kong sabi. Tiningan ko gawi ng kapatid kong si Richin tulog pa umaakting na naman 'yan na may sakit para sakin mapunta ang dapat sa kanya iuutos.

"May lagat siya kaya kung gusto mo tawagin mo 'yong papa mo." Hindi ko talaga gusto 'to si mama minsan kasi kahit patay tinatawag, yes you heard it right patay na papa ko at kung gusto niyong kamustahin siya maghi lang kayo nakikita niya 'yan.

"Pano 'yong project ko?"

"Mas importante pa 'yan sayo?" tanong ni mama.

"Pero proje—"

"Sumasagot ka na?" porke't wala na ang papa mo!" sigaw niya habang tinututok ang kutsara, natural sasagutin ko 'yon tanong 'yon e, pero hindi ko nalang sinabi. Wala na akong nagawa kundi ang tumahimik nalang.

"Iligpit mo 'yang pinagkainan natin aalis na ako." Tumayo na siya at inayos 'yong shoulder bag. Hindi nalang ako kumibo, pashoulder shoulder bag pa para namang may pera.

Maliit lang bahay namin pagpasok mo, kita mo na agad ang kitchin-kitchihan namin pagtapak ng paa mo higaan na namin at diyan kami kumain parang Korean na local, kaya katabi ko lang ang kapatid ko ngayon na natutulog habang ako ay kumakain, umalis na kasi si mama pupunta sa trabaho niyang sugal. If nandito lang si papa 'di niya hahayaan na magsugal si mama.

Tiningan ko ang kapatid kong nagtulog-tulogan. "Gumising ka nga diyan napakaplastic haeop ka!" niyogyog ko ang likod niya, tiningan ko siya ayaw pa gumising.

Tumayo na ako."Bala kang langgamin diyan!"

Napamulat agad siya. "Isturbo kang bakla ka!" sigaw niya.

"Sipain kaya kita para tumayo ka diyan gusto mo?" sabi ko. May dala ako ngayong isang baso ng tubig hindi ko pa nainom ibubuhos ko 'to sa kanya pag-ayaw niya pang gumising.

Unforeseen Feelings (Bromance Series #1)Where stories live. Discover now