Chapter 9

8.8K 215 18
                                    




"S-sino siya?" hindi ko alam kung saan ako humugot nang lakas nang loob para itanong iyon.



Tumitig ako sa babaeng nakangisi at nakataas ang kilay na tila nagtataka kung bakit ganoon ang naging tanong ko. Bumagsak ang tingin ko sa kamay nitong pumulupot kay Alexander. Tila hindj ko na kailangan nang sagot dahil sa nakita. Ngunit bago pa nito iyon masagot ay muling tumunog ang cellphone kaya mabilis akong lumapit sa katabing elevator para makababa na. Hindi ko na ito binigyan nang miski isang sulyap dahil basta nalang ako tumalikod at walang imik na umalis sa harap nang mga ito.



"H-hello.." nanginginig kong sagot sa telepono at napasandal ang likod sa pader nang elevator.



"Anak! Ang Tita mo!" nag aalalang bungad sa akin ni Manang nang sagutin ko ang tawag. Ngunit hindi ko na iyon nasagot dahil sa pag patak nang luha ko, hindi dahil sa nangyari kay Tita ngunit sa nakita kanina lang. Parang may kumirot sa aking dibdib dahil roon.



Napuno nang tanong ang isip ko. Anong nangyare? May nagawa ba ako? May nasabi ba ako? Hindi ba ako masayang kasama? Am I boring? Is he not satisfied? Am I not good in fucking? Fuck!


"A-anong nangyare?" iyon ang ibinungad ko kay Manang nang makarating ako sa ospital. Hanggang ngayon ay hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit palagi itong nasusugod sa ospital. 'Company' kuno ang palaging sinasabi nito ngunit alam kong hindi lang iyon.


Kinausap ko ang doctor at kagaya nang dati ay stress lang ang sinabi nito. Pinaubaya ko na kay Manang ang mga gamot na dapat bilhin. Tinitigan ko itong payapang natutulog sa kama habang ako ay nag dala nang upuan sa gilid nito. Humalukipkip ako saka seryosong tumitig rito.



"What happened!?" napapikit ako saka inikot ang mata nang marinig ang boses nito.



"Nothing." madiin at matigas na ingles na sagot ko rito ngunit hindi ito nililingon.


"I was the one who brought Tita here! So answer me! I am concern!" tila kulog na sigaw nito.


"Are you an egg cell? Why so loud?" bored na tanong ko rito at ibinaling ang tingin sa aking kuko at sinuri iyon nang hindi man lang ito sinusulyapan.


"Why so bitter Alexa huh?" umigting ang panga ko nang marinig ko ang boses ni Kimberly. So mag kasama pala sila huh?



"Why so bitch Kim eh?" balik na tanong ko saka masamang tingin ang ipinukol sa dalawang magkasama.


"You don't need to be here Gilbert.." matigas na sabi ko bago sinamaan nang tingin ito.


He smirked. "Tita called me for a help.." natigilan ako sa sinabi nito dahilan upang mas lalong lumaki ang ngisi nito.



"Tita always support you in any ways she can, but still you are rebellious bitch to her? What kind of attitude do you have? Mamatay na ang tao hindi mo parin matanggap ang mga nangyare?" seryosong sabi nito habang matiim na nakatingin sa akin.





Napalunok ako sa sinabi nito dahil pakiramdam ko ay tama ang sinasabi nito. Nangilid ang luha ko kaya nag iwas ako nang tingin rito.



"Hindi mo parin matanggap na iniwan ka ni Gilbert para sa akin Alexa?" ang pag iwas ko nang tingin kay Gilbert ay napabaling kay Kim. Sinamaan ko ito nang tingin dahil sa sinabi nito.



"Bitch! Hindi niya ako iniwan inagaw mo siya! Wag mag malinis ineng! Alam natin kung sino..." pabiting kong sabi bago pinasadahan nang tingin ang kabuoan nito at muling sinalubong ang tingin nito. Nag taas ako nang kilay saka napangisi nang magtama ang mata namin. Namumutla at halata ang takot sa mukha nito dahil sa pwede kong masabi kung sakali.



One Night One Lie Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon