Chapter 39

6.2K 182 20
                                    

"Mommy!" masayang salubong sa akin ng aking anak pag ka labas ko ng sasakyan. Nagugulat man akong nakatingin dito.

Bakas ang tuwa at saya sa mukha nito habang tumatakbi papalapit sa akin.

I squat. "Come here!" salubong ko sa yakap ni Isaac. Napapikit ako habang yakap ko ito.

Damn. This is my life.

"I miss you baby.." malambing na bulong ko dito. Kumalas ito sa yakap ko at humarap.

"I miss you too, Mom!" masayang sagot ni Isaac.  Nanggigigil kong pinisil ang pisngi nito bago hinalikan.

He pouted. Natawa naman ako sa naging reaksyon ng mukha nito. Narinig ko ang mga hakbang malapit sa aking likuran. Naagaw nito ang atensyon ni Isaac kaya't humakbang ito pagilid upang harapin ito.

"Hey! There young man!" seryoso munit nakangiting bati ni Xander kay Isaac.

Napatayo ako at sumulyap kay Xader bago ibinalik ang tingin ko kay Isaac. Tumabi sa akin si Xander at hinapit ang bewang ko palapit sa kanya.

We abruptly heading home to announce our wedding. Excited na din akong makilala ni Isaac si Xander ngayon. Alam kong gustong gusto ni Isaac na makita siya at ipakilala ko.

Gusto kong ang unang maka alam ng kasal namin ay  ang anak ko. Ipinaalam ko rin kay Lola ang pag dating namin.

Ang ipinag tataka ko ay hindi sila nag taka sa biglaang pag kawala ko? Masaya sila nauuwi na ako. Walang tanong akong narinig mula sa kanila. Nang hihingi pa sila ng pasalubong sa akin. Paulit ulit nilang sinasabi sa akin ang mga gusto nila hanggang sa mairita ako at patayin ang cell phone ko.

Now.

I am ready to finally introduce his father to him.

Bumuntong hininga ako ng maramdaman ko ang kab sa aking dibdib. Siguro ay mabibigla ito sa aking sasabihin. But this is for him alam kong ito yung matagal na nyang gusto noon pa man. Pumikit ako bago ako nag simulang mag salita.

"Isaac, anak, this is your—" Isaac interrupt me.

"Dad? Where's my gift? I thought you'll give it me after you get back with Mom?" takang tanong nito bago pinasadahan ang kabuoan nito na tila hinahanap ang dalang regalo.

Taka akong nag lipat lipat ang tingin sa dalawang lalaki sa harapan ko. Seryoso ang mukha ni Isaac habang si Xander ay nakangisi.

"I said, wait after nine months your gift will come." nakangising sabi nito. Ngunit ang ipinag tataka ko ay nang tumalikod ito. Kaya't sinundan ko ito ng tingin parang may kinuha ito sa sasakyan at muling bumalik.

Huminto ito sa tapat ni Isaac, yumuko ito at inabot ang paper bag.

"Here, that's my pasalubong for you." nakangiting sabi ni Xander.

"Thanks, Dad." seryoso munit nakangiting sagot ni Isaac.

Naguguluhan akong nakatingin sa dalawa dahil sa paraan ng pag uusap ng dalawang ito.

"T-teka?" naguguluhan kong istorbo sa dalawa. Inosente naman na nag angat ng tingin sa akin ang dalawa.

"What?"

"Po?"

Sabay na sagot ng dalawa sa akin. Nanliliit ang mga mata kong tumitig kay Xander bago inilipat sa anak ko.

Ngumuso si Isaac sa akin. Tumikhim naman si Xander at hindi makatingin ng deretso sa akin.

"Oh! Alexa! Bakit hindi pa kayo pumapasok? Halina't may hinanda ako, alam kong pagod at gutom kayo.." nalipat ang tingin ko kay Lola na lumabas mula sa loob.

One Night One Lie Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon