Chapter 20

6.1K 186 15
                                    

Humikbi ako at marahang hinaplos ang frame kung saan litrato ni Tita ang nakalagay. She look happy in this picture. I smiled.

Napawi ang aking ngiti ng mag simula na muling humagulgol ng malakas. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na iniwan na rin ako nito. Purong pag sisisi sa sarili ang aking naiisip. Kung sana lang. Kung sana lang hindi ko inuna ang pride ko at nag pakumbaba sa kanya. Sana maayos ang aming pag sasama para hindi na nito naisip ang ganitong bagay. Shit. Sana inisip nya ako na maiiwan nya, na hindi ko kaya na wala siya.

Hindi ko kaya.

"T-tita!" umiiyak na tawag ko muli rito. I am praying that she'll response to me but she isn't. She'll never be.

"Hija.."

Nag angat ako ng tingin upang salubungin ang puno ng awang mga mata ni Manang na nakatingin sa akin. Umiling ako. Alam ko, pipigilan lang ako nito sa pag iyak dahil makakasama ito sa akin. Because I'm fucking pregnant.

"Mag-"

"No need i can manage manang!" galit na pag puputol ko sa sasabihin nito. Ayukong pag usapan ang tungkol sa pag bubuntis ko dahil masamang ala ala lang ang sumasagi sa isip ko. Wala akong panahon para rito. I am now facing a heart break from my family. No, mag isa nalang pala ako dahil iniwan na ako. I don't have a family. Iisa nalang ako. No, i forgot. Paparating na ang Lola ko. Finally, may makakaramay na ako

"Si Lola?" pag iiba ko sa usapan namin.

Ibinalita ni Manang ang nangyari kay tita kaya't inaasahan ko ang pag dating ni lola rito sa syudad dahil sa pag kamatay ni Tita. Hindi ko inaasahan na ito ang aming pag kikitang ito ay may isang mawawala. Fuck. At dahil nga sa probinsya naninirahan si Lola ay hindi kami nag kakasama, si tita at ako na dapat ay maiwang mag kasama ay pinili kong pang bumukod. Bumukod sa kanya. Lumayo. Tangina.

Natigilan ako ng makita ang pag iling nito sa akin. Nangunot ang noo ko sa ginawang pag sagot nito, hindi nakatakas sa akin ang pag alpas ng luha sa kanyang mga mata. Agad naman nitong pinawi iyon gamit ang kanyang kamay.

"A-ah! Probably in her way.." ako na ang sumagot sa sarili kong tanong. Tumango ito at nag paalam na may kakausapin lang kaya't hindi ko na ito pinigilan. Agad naman itong lumisan.

Bumuntong hininga ako saka muling pinahid ang luha sa aking pisngi. Hindi ako matigil sa pag luha dahil sa pag sisisi na aking nararamdaman. I regret everything.

Mabilis akong tumayo at nag lakad palabas kung saan binurol ang aking tita. Hindi ko ito pina cremate at mas gusto kong isama si tita kung saan naka libing ang aming pamilya. After all she is part of our family. Kinagat ko ang aking pang ibabang labi ng maramdaman ko nanaman ang pangingilid ng aking luha dahil sa naramdamang pag sisisi. Ngayon pa talaga Alexa? Really? Kung kailan namatay tska mo naramdaman at natanggap na pamilya mo ang iyong Tita? Fuck. Umiling ako sa aking naiisip.

Umuwi ako galing mula sa chapel. Pikit pikit kong iginala ang aking mga mata sa kabuoan ng mansyon na aking tinirahan mula pag kabata hanggang sa ngayon. Nag lakad ako papasok. Dinala ako ng aking mga paa sa living roon ng aming bahay. Bumuhos sa akin ang alala na buo kaming pamilya na masayang masaya habang nag tatawanan. My Mom and Dad. Si Mommy na yakap ni Daddy habang tumatawa at kinikiliti ito habang ako na yakap ni Mommy at kinikiliti rin. We're happy. Masaya tila walang problema. Humikbi ako. Hinaplos ko ang sofa na aming inupuan.

"I miss you Mom.." bulong ko.

"Dad.." i whispered longingly.

Si Tita. Wala kaming maayos na pag sasama noon. Palagi akong galit dito dahil siya ang pinalit ni Daddy kay mommy, palagi rin nito akong sinusuyo para magustuhan ko siya ngunit panay pag iinarte at pag susungit ang aking pinapakita at pinaparamdam sa kanya.

One Night One Lie Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon