Chapter 36

6.3K 172 17
                                    

--

Mabilis ang lakad ko palayo roon. Hawak ang kamay ng anak ko ay mabilis naming nilasan ang lugar kung nasaan si Xander. Iniwan namin syang tulala at hindi makagalaw.

"Ma!" pigil ni Isaac sa pag hila ko sa kanya. Natigil ako sa pag lalakad at binalingan ko ang anak ko.

"W-what?" natutulirong tanong ko.

He stared me clueless. Nagtataka ang tingin nito habang nakatingin sa akin. Nag iwas ako ng tingin rito upang hindi nito makita ang mga mata ko. He's smart to read me. Yun ang iniiwasan ko. Kanina habang kausap namin ang ama nya. Alam kong may naiisip na ito. He's not Isaac for nothing. He knows reading people through their eyes. Isaac will read the situation. Malalaman nito na ako ang hindi handa na ipakita siya sa ama at hindi si Xander. Okay! Okay! I'm scared. Masyado na akong takot sa maaring gawin ni Xander. Wala itong puso pag dating sa pag ganti. Baka madamay siya.

"Ma.." he called my name coldly. Agad kong ibinaling ang tingin ko sa kanya. Nilabanan ko ang malamig na titig nito. Agad na tinambol ng kaba ang dibdib ko dahil sa paraan ng patitig nya ay nakikita ko ang maliit na Xander sa harap ko.

"Y-yes anak?" pilit ngiting tanong ko.

Sandali pa itong tumitig sa akin bago nag iwas ng tingin at malalim na bumuntong hininga.

"Let's go.." mahinang sabi nito bago ako nilampasan. Naiwan akong nakatingin sa pwesto nito kung hindi lang ako nito hinala. I forgot. Magka hawak nga pala ang kamay namin. Sumunod ang mga paa ko. Nakatitig lang ako sa likuran nito habang kami'y nag lalakad papasok sa restaurant kung saan nag aantay sila Benj.

I'm sorry anak.

"WHY you two took so long?" inip na tanong ni Benj sa amin ng makarating kami sa mesa namin. Tumayo ito at ipinag hila ako ng upuan si Isaac naman ay naupo sa katabing upuan ko. Si Lola ay nakatingin sa kanyang apo kaya't napatingin na rin ako. Nakayuko ito at tila malalim ang iniisip. Natungo sa magka hawak nyang kamay habang nilalaro laro niya. Tumikhim ako para kunin ang atensyon nito. Binalingan ako nito ng malamig sa tingin.

"A-anak?" nanginginig ang boses ko ng tawagin ito.

"Hmm?" he answered coldly.

"Hala, maupo na! Kumain na tayo! Masakit ang likod ko sa biyahe kaya bilisan natin." Nabaling ako kay Lola dahil sa sinabi nya. Agad akong tumango at tahimik na nag simulang kumain. Tahimik rin ang anak ko na kumakain. Hindi ito bumabaling sa parte ko, kapag kinakausap ito ng lola nya o ni Benj man ay sumasagot ito. Mabagal ang pag kain ko dahil sa pag obserba.

"I-ihahatid na kita sa kwarto mo anak.." mahinang sambit ko ng matapos kaming kumain. He insisted Benj that he'll have his own room. Benj obeyed him. Wala naman kaming magagawa kung iyon ang gusto nya. Lola wants too to be with Isaac but Isaac refused it. Hindi ko na rin pinilit pa ang sarili ko. Alam kong binibigyan nya ako ng oras para sabihin sa kanya ang totoo.

"Sure Ma." he replied.

Nag tungo na kami sa aming mga silid. Si Benj ang nag hatid ng mga gamit ko sa kwarto namin. Dalawang kama ang kinuha nya habang si Lola ay may sarili. Si Isaac ay ganun din. Mag kakalapit lang ang aming kwarto ang kinuhang kwarto ni Benj para kay isaac ay katabi ng amin. Ang harapan ng aming kwarto ay may umuukupa na ibang bisita. Maganda sana kung tapatan ang aming mga silid ngunit hindi lang naman kami ang nag babakasyon sa resort na iyon.

"A-anak.." kagat labing tawag ko rito. Dumiretso agad ito sa kama nya upang maupo. I know he's exhausted from our trip. Inilapag ko ang gamit nya sa gilid ng kama nito bago ko nilapitan. Lumunok ako ng mag tama ang tingin namin. Masyadong malamig iyon ngunit mababahiran ng pagod iyon.

One Night One Lie Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon