Chapter 37

7.1K 190 22
                                    


Naalimpungatan ako sa galaw at sa matunog hampas ng alon. Pungay na iminulat ko ang aking mga mata at agad kong ipinikit muli dahil sa sakit ng ulo na aking naramdaman.

"Ugh." inda ko.

Pinilit kong maupo at bumangon. Iginala ko ang aking tingin sa buong paligid. It's look like a small room. A single bed together with mini side table, a closet and a fucking what? Mabilis akong tumayo.

"Nasa yate ako!?" tanong ko sa aking sarili.

Mabilis akong nag lakad patungo sa rooftop upang kumpirmahin. Natigil ako ng sumalubong ang malakas na simoy ng hangin sa aking pag labas. Mabagal muli akong naglakad at iniangat ang aking dalawang kamay upang humawak sa railings then, i closed my eyes.

I remember the last thing before i went black. May tumakip sa aking bibig hanggang sa mawalan ako ng malay dahil sa kemikal na inilagay sa panyo.

I sighed. "Siguro ay hinahanap na ako ni Isaac..." mahinang bulong ko habang nakapikit parin.

I know who's behind of this. Kilala ko ang boses niya. Hindi ako pwedeng mag kamali sa aking hinala.

"Are you okay?" a voice behind asked me. Minulat ko ang mata ko. Agad na tumama ang  aking mga mata sa malawak na karagatan. Natulala ako sa magandang tanawin. Tila napaka payapa nito na hindi pwedeng gambalaan kung hindi ay mag hahalimaw ang mga hampas ng alon. Beautiful yet dangerous.

An arm snake my waist. Doon ay pumagilid ang mga mata ko upang sulyapan ito.

"What do you want?" malamig na tanong ko.  Matapos noon ay ibinalik ko ang tingin ko sa harapan ko.

"I did this because I want to know about our son..." he huskily said.

Natigilan ako at suminghap. Hinarap ko ito. "S-son?" nanginginig kong tanong. Tumitig ito sa akin. Pinasadahan nito ang aking buong mukha at tumigil ang mga mata nito sa aking mata.

He nodded. "I wasted my time for nothing.."

I laughed. Bahagyang lumayo ako rito. Tinangka nitong lumapit kaya umatras muli ako.

"We don't have a child. You killed her long time ago." madiin kong sagot.

"Her twin s-survive..."nahihirapan nitong sagot. Agad na nangilid ang luha ko sa sinabi nito.

"Kanino mo nalaman!?" galit na tanong ko.

He smiled sadly and pain. "I have my w-ways.." he said.

I laughed. "Kailan pa?" walang emosyon ang boses ko sa tanong ko.

"Yesterday, before I-I kidnapped you.." he said.

"So, Bakit mo naman ako kinuha?" nakataas kilay na tanong ko at humalukipkip.

Ngumiti ito at muling lumapit sa akin. Kinagat ko ang labi ko habang nakatitig rito habang mabagal na lumalakad palapit sa akin. He look like a child and scared at me. Parang bata na takot sa akin. I remember Isaac. He look like my son. Gantong ganto si Isaac kapag may ginawang kasalanan sa akin.

He pouted then, held my waist to pulled me closer to him. Lumapat ang aking mga palad sa dibdib nito.

"To clear things out between us.." his serious voice said. I chuckled. Taka itong tumingin sa akin.

I arched my brow. "Oh, boy! We have no 'us' between us." natatawang sabi ko.

Nag dilim ang mukha nito sa aking sinabi. Umigting ang panga nito sa aking sinabi. Tila hindi naman makapaniwala ang awang nitong labi sa akin. Tila hindi nito matanggap ang sinabi ko.

One Night One Lie Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon