Epilogue

496 22 3
                                    

Hermione's POV

"AHHHHHHH ang baby ko wala na siya!!!" nasapo naman ni daddy ang noo niya ng magwala na naman si mommy.

"Mommy buhay pa ko! Ikakasal lang ako, wag kang oa!" natatawa kong sabi dito

Simula kasi nung pumasok siya dito sa room ko eh nagwawala na siya habang inaayusan ako. Mawawalan na raw siya ng baby. Si daddy naman ay inaalalayan si mommy dahil baka mauntog sa sobrang kulit

"Mommy bakit naman nung kasal ko hindi ka ganyan ka-oa?" tanong ng kakambal ko

Kinasal sila ni Yanna last year, syempre sila na pinauna naming at kami na nag-adjust ni Tyler dahil bawal ang sukob HEHEHE baka malasin kami at ako naman ang magka-amnesia.

"Bakit baby ba kita? HUHUHUHU babygirl ko wala na siya!" hindi ko alam kung matutuwa ako o ano dahil kay mommy eh

"Mommy magbihis ka na! 9am na at 11 ang kasal pero nakapajama ka pa rin!" natigilan naman siya at tinignan ang kanyang suot

"OH EM GEE!!! HINDI PWEDE TO!!!" after niyang sumigaw ay lumabas na siya ng kwarto at sinundan naman siya ni Daddy

"Ang kakambal ko big girl na" binato ko naman kay Harry yung lipstick na nakuha ko sa harapan ko.

"Daddy where are you?" sabay kaming napalingon ni Harry sa may pintuan ng may sumigaw dito at kumatok

Binuksan ni Harry ang pinto at bumungad sakanya ang cute na cute kong pamangkin na mana sa Tita

"Hello titamommy you're so pretty like me" itong batang 'to diretsong-diretso ang pagsasalita kahit isang taon pa lang siya

Siya si Hanna ang anak ni Harry at Yanna, pinagsamang pangalan pa nung dalawa. Isang taon pa lang si Hanna pero napakatalino nitong bata. Mana sa tita HEHEHEHE

Kalahating oras pa ang lumipas ng matapos akong ayusan ako na lang ang nandito sa room maliban sa make up artist.

"Wow pak na pak ang ganda mo madam!" malanding sabi ng bading na nag-ayos sakin.

"Syempre pak na pak din ang ganda ng nag-ayos sakin eh" syempre papatalo ba ako? Edi pinalandi ko rin ang boses ko kahit ang hirap HAHAHAHA

Pumasok naman si Mommy at Daddy sa room ko at pareho na silang nakaayos.

Alam na kung saan ako nagmana

"OH EM GEE BABY GIRL ANG GANDA MO LIKE ME" oa na naman na sabi ni Mommy

"You look beautiful anak" buti pa si Daddy chill lang

"So baby girl mauna na kami sa simbahan ha. Hintayin ka namin doon. Mag-ingat ka"

Matapos umalis ng parents ko ay nag-facebook muna ako saglit at puro pagbati ang nasa timeline ko. Nilike ko naman lahat at nagpasalamat

"MADAM TARA NA SA SIMBAHAN" tawag sakin ng make up artist ko

"OKAY GORA NA KO MAMSHIE"

Inalalayan ako ng mga tao dito dahil ang haba ng gown ko sayang ang pera baka madumihan

"Ready to go na kayo Madam! Congratulation!" Nagpasalamat naman ako dito bago pumunta ng simbahan

Sakay ng aking bridal car ay nakarating ako ng simbahan within 30 mins. Bibigyan na lang daw ako ng signal bago bumaba.

Kaloka naman. Honeymoon na honeymoon na ko este kasal na kasal na ko

Hindi rin nagtagal ay binigyan na ko ng senyas upang bumaba ng sasakyan at pumunta sa gahiganteng pinto ng simbahan.

My Contract Girlfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon