Last Chapter- Plan

1.4K 47 7
                                    

Zonia's POV

Grabe sobrang nakakarelaxed talaga ang dagat!!!

"Zonia" napalingon ako ng may tumawag sakin

"Bakit po?" nakakapagtaka lang na kinakausap niya ko ngayon

"Alam kong alam mo na"

May sinabi siya sakin , nagulat naman ako sa sinabi niya. Pumayag din ako sa gusto niyang gawin.

Tyler's POV

Tinanghali na ko ng gising dahil din siguro late na ko natulog. Ako na lang mag-isa dito sa kwarto malamang ay nasa labas na ang mga yun at sinusulit ang bakasyon dahil mamayang hapon ay uuwi na kami.

Paglabas ko ng pintuan ay nakita ko sila na parang may pinag-uusapan. Hinanap ng mata ko si Xandra pero bakit wala siya? Sabay-sabay naman silang tumawa, ano bang pinag-uusapan ng mga 'to?

"Oh Gab! Gising ka na pala" rinig kong sigaw ni Zonia, teka kasama nila si Zonia?!

"Uhm oo" tahimik lang naman na nakatingin sakin yung mga tukmol

"Bakit?" tanong ko sakanila pero ang mga baliw nag-iwasan lang ng tingin, siguro ay galit sila sakin

"Kumain ka na Gab, napaaga ang alis natin" lumapit sakin si Zonia at dinala ako sa kusina

"Nasaan si Xandra? Bakit hindi niyo siya kasama? Pati si Yanna at Harry wala rin" tanong ko dito

"Nauna na sila dahil nag-aya na raw si Ms. Alex na umuwi na" nalungkot naman ako dun, iniiwasan niya ba ko? Galit ba siya sakin?

"Wag ka nga bumusangot jan! Ang pangit mo eh" tinignan ko naman ng masama si Zonia

"Ganyan ba ugali ni Tyler? Nakakamatay tumingin ah! Tama nga sila pikunin ka" naasar naman ako sa sinabi ni Zonia

"Sinabi ba nila sayo?" alam kong mapula na ngayon yung mukha ko! Yung mga tukmol talaga na yun!!!

"Yep! Nung una hindi ako naniwala kasi yung nakakasama ko na Gab parang maamong tuta pero ngayong nakakaalala ka na para ka ng nagwawalang tigre! HAHAHAHAHAHA" naasar naman ako dun

Para ba talaga akong maamong tuta nung wala pa kong maalala? Naiimagine ko pa lang nandidiri na ko!!!

Nung natapos na kong kumain ay naligo na ko agad dahil ako na lang hinihintay nila

"TAGAL AH!" galit na sigaw ni Bryle

Sarap kaltukan ng tukmol na 'to! Sinisigawan na ko ngayon.

Nung nakasakay na kami sa eroplano hindi na ko mapakali na makapunta ng Manilla para makita si Xandra. Naeexcite ako!

"We're finally here!!!" sigaw ni Stephanie

"ang ingay mo!" pambasag sakanya ni Ariana

Hindi pa rin nagbabago 'to si Ariana, ang hilig pa rin mambasag. Naghintay lang kami ng sundo naming na mini bus dahil may salo-salo raw ulit sa Mansion ng mga Sy para sa engagement ni Yanna at Harry. Binaba naman kami sa store ni Xandra ang... CLOTHING MONSTER

"Sige lang pumili lang kayo ng mga damit para sa party mamaya" 

Ang gaganda talaga ng mga damit dito, sobra akong proud kay Xandra

Nung matapos na kaming makapili ng mga susuotin dumiretso kami si hotel para doon mag-ayos. 4pm na at 6pm mag-uumpisa ang party.

Tapos na mag-ayos lahat ng boys at girls na lang ang hinihintay. Nakakainip naman ang tagal-tagal nila! Gutso ko na makita si Xandra.

My Contract Girlfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon