Chap 44- He's Kurt

1.4K 53 13
                                    

Zonia's POV

Ito na siguro ang pinakamasayang araw sa buhay ko, ang mahalin ko ng taong mahal ko. Nagulat talaga ako kanina nang bigla akong isurprise ni Gab. Masaya ako pero natatakot ako kasi nasira namin yung event at kita ko kung paano umalis si Maam Alex. Galit kaya siya? malamang sa malamang


Magkahawak kamay kaming pumasok sa elevator ni Gab papunta sa office ni Maam Alex, natatakot ako dahil baka tanggalan niya kami ng trabaho. Naramdaman ko na pinisil ni Gab ang kamay ko.


"Huwag kang kabahan" sabi niya at ngumuti.


Kahit papaano ay nabawasan ang kabang nararamdaman ko.


"Mahal kita Zonia" nagulat ako sa biglang pagsabi ni Gab, ramdam kong nag-init ang mga pisngi ko


"Ang cuteeee" sabay pisil niya sa aking pisngi


"Mahal din kita Gab" nakangiti kong sabi sakanya.


Kasabay ng paghalik niya sa akin sa noo ay ang pagbukas ng pinto ng elevator. Nakatayo doon si Maam Alex, walang makikitaang emosyon ang kanyang mata.


"PDA IS NOT ALLOWED IN THIS BUILDING" madiin niyang sabi halata ang gigil at galit sa boses niya.


"pa-pasensya na po ma-maam hi-hindi na po ma-mauulit" kabado kong sagot, nakakatakot kasi siya


"DAPAT LANG!!!" biglang sigaw nito kaya't nagulat ako


"huwag mo siyang sisigawan" maawtoridad na sabi ni Gab, pinisil ko ang kamay niya baka mawalan talaga kami ng trabaho ng wala sa oras.


Napatingin ako kay Maam Alex at sa wakas ay nakitaan ko na ito ng emosyon pero bakit parang ang nakikita kong emosyon ay sakit? hindi ko alam pero parang nagtutubig yung mata niya.


"Pumasok na kayo sa office ko hintayin niyo ako dun may pupuntahan lang ako sa baba. Labas! " walang emosyon na naman nitong sabe kaya dali-dali akong lumabas at hinatak si Gab


Nang nakasarado na ang pinto ng elevator kung saan pumasok si Maam Alex ay agad kong binatukan si Gab


"Aray naman mahal! Bakit ka ha namamatok?" sabay nguso niya


BAKIT ANG GWAPO GWAPO NG BOYFRIEND KO?!


"gumalang ka naman kay maam alex" sabay irap ko sakanya "eh mahal naman eh sinisigawan ka niya" sabay nguso ulit


"kahit na! boss pa rin natin siya" wala na siyang nagawa kundi tumango


Pumasok kami sa opisina ni Maam Alex at wow sobrang ganda. Puro pink at punong-puno ng HELLO KITTY


Grabe mahilig pala si Maam Alex sa Hello Kitty. Napatingin ako kay Gab ng makarinig ako ng daing mula sa kanya. Nakahawak siya sa kanyang ulo at halatang nasasaktan


"Gab! Gab! anong nangyayari sayo?" taranta kong tanong, hindi ko naman alam gagawin ko kaya niyakap ko siya , maya-maya ay kumalma na siya.


"Anong nangyari sayo Gab?" alalang tanong ko


"hindi ko rin alam basta pagpasok dito ay bigla na lang sumakit ang ulo ko tapos may mga naiisip ako  pero hindi ko alam kung ano kase malabo"


Bumabalik na kaya ang mga alaala niya? Masama mang isipin pero huwag naman sana, baka kapag nakaalala na siya ay makalimutan na niya ako.


Mula sa labas ay nakarinig kami ng mga tawanan. Ano kaya ang meron?


Biglang bumukas ang pinto at may mga nagsipasukan na hindi ko kilala, masaya silang nagkukwentuhan ng biglang mapatingin sa pwesto namin yung isang lalaki... ang gwapo niya pero mas gwapo si Gab


My Contract Girlfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon