Chap 45-Outing (PART1)

1.9K 73 40
                                    

Zonia's POV


Kasalukuyan kaming naghihintay ni Gab sa bus na maghahatid samin sa airport papuntang Palawan. Hindi ako nakatulog kagabi dahil sobra akong naeexcite, nagdala nga ako ng swim suit na binili ko pa sa Divisoria kahapon.





*peep peep*





Dali-dali akong lumabas ng bahay hila-hila si Gab habang dala niya ang maleta naming dalawa.





Sweet talaga ng boyfriend koooo! Sobrang swerte ko kay Gab





Paglabas namin ng pinto ay sinalubong kami ni Bryle, infairness ah kilala ko na silang lahat hihihi. Inadd ko nga sila kahapon sa fb eh pero hindi pa ako kinoconfirm nung mga babae. Mamaya nga ay sasabihan ko sila na accept na ko hihi para friends na kaming lahat.





"Baby hindi naman halata na excited ka ah?" sabay tawa ni Gab





Napanguso naman ako dahil dun at tumingin sakanya, marahan siyang tumawa at pinisil ang pisngi ko.





"EHEM" napatingin kaming dalawa sa nag-ehem at gulat akong napatingin sakanila dahil lahat sila ay nakabusangot ang mukha





"Tara na!" nagitla ako ng biglang nagsalita si Maam Alex





"So-sorry po"





Umakyat na kaming dalawa ni Gab, kami ang huling sumakay sa bus kaya lahat sila ay nakaupo na. Dalawahan yung upuan, parang ganto yung pwesto


MaamAlex&Nicollo- Ako&Gab

Harry & Yanna- wala

Angelo&Ariana- Bryle & Steph

Diana & Ate Trina - Luke





Mag-isa lang si Luke na nakaupo dun kaya pumwesto siya ng pahiga. Samantalang kami naman ni Gab ay pumwesto sa tapat nila Maam Alex at Nicollo.





BOYFRIEND BA NI MAAM ALEX SI NICOLLO? hmm bagay sila hihi





"Aalis na po tayo" sabi nung driver.





"Okay po! Ingat po sa pagdrive manong hihi!" masigla kong sabi dito





"ingay psh!" rinig kong sabi ni Diana pero hindi ko na lang pinansin





"Cute ng baby ko" napatingin naman ako sa katabi ko na todo ngiti sakin jusko! pwede na ko matunaw sa titig niya.





"Ano ba Gab!" saway ko sakanya pero ang ginawa niya lang ay pisilin ang pisngi ko





"Ang cute cute naman ng baby ko"





"Masakit Gab!" pero hindi pa rin siya tumitigil sa pagpisil kaya ang ginawa ko ay pinisil ko rin ang pisngi niya





"Can the both of you please stop?" napatingin ako sa katapat namin na sila Maam Alex at Nicollo





"Sorry Nicollo" masama kasi ang titig nito sa amin, napasulyap naman ako kay Maam Alex na nakasubsob ang mukha kay Nicollo





HALA ANG SWEET NILA!!!





"I love you" sabi ko kay Gab hihihi kailangan ko maging sweet kay Gab dahil boyfriend ko na siya kagaya nila Maam Alex at Nicollo





My Contract Girlfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon