XXVIII. Victoria's Secret

Start from the beginning
                                    

Diary, hindi mo ba ako babatiin? Kaarawan ko kaya ngayon. :< Pero ok lang. Wala naman talagang nakakaalala ng espesyal na araw ko.

Masaya akong gumising kanina. Nagbabakasakaling may surpresa sila sa akin.

"Magandang umaga, tiya!" Masigla kong bati.

"Walang maganda sa umaga kung ikaw ang bubungad! Magsaing ka na nga!" Iyan ang una niyang ibinungad sa akin. Hindi na ako nagsalita pa. Tama ako, hindi nila maaalala.

-----

June 22, 2015
Dear diary,

"Today is the first time I killed someone, diary."

Diary, natatakot ako.

Panibagong araw ang dumaan sa walang kwentang buhay ko. Diary, sawang sawa na ako sa pang-aapi nila. Masama ba na lumaban ako? Masama ba na ipagtanggol ko ang sarili ko? Gusto ko nang makalaya.

"Oh, saan ka naman pupunta?" Bungad sa akin ni Tiyo nang makita ang bag na dala-dala ko.

"Aalis na po," pinilit kong maging magalang. Nagtataka ko silang tiningnan nang humalakhak sila na para bang isang malaking biro ang sinabi ko.

"Sa tingin mo ba ay makakaalis ka dito? Tandaan mo, Victoria. Wala ka nang mapupuntahang iba kung hindi dito. Iniwan ka nga lang ng mga magulang mo," natatawang saad ni tiya.

Hindi ko nalang sila pinansin at akmang lalabas na nang itulak ako ni Seli sa lapag. Papalapit sa akin si tiyo kaya pilit akong umaatras hanggang sa matunggo ko ang likod ng lutuan. Hahampasin niya sana ako ng isang dospordos nang kinuha ko ang kutsilyo sa taas at itinutok sa kanya.

"Subukan mo!" Pagbabanta ko dahilan para mapaatras siya.

"Ibaba mo iyan, Victoria!" Sigaw ni tiya.

"Huwag kayong lalapit sa akin. Sawang sawa na ako sa pananakit niyo." Pagbabanta ko pa ngunit tumawa lang si tiyo.

"Hindi mo 'yan magagwa, Victoria. Mahina ka." Saad niya at unti unting humakbang papalapit sa akin. Hahampasin niya ako kaya inunahan ko siya. Itinurok ko sa dibdib niya ang kutsilyo.

Diary, ang sama ko na ba? Napatay ko si tiyo. Pero di'ba masama rin naman siya kaya dapat lang iyon sa kanya?

"Walang hiya ka, Victoria!" Sigaw ni tiya at lumapit sila ni Seli kay tiyo. Tumakbo naman ako papalapit sa pinto. Hindi ako umalis at pinagmasdan lang sila. Umiiyak sila habang naghihingalo si tiyo.

Diary, blanko ko lang silang pinanuod. Pinagmasdan ko ang mga kamay kong may bahid ng dugo. Diary, masama na ba ako ngayon na masaya akong nakikita silang naghihinagpis?

Tumayo si tiya at pinulot ang kutsilyong isinaksak ko. Lumapit siya sa akin nang may masamang tingin. Hindi ako gumalaw. Hindi ako natatakot mamatay dahil sawa na akong mabuhay sa impyernong bahay na ito.

Pero, Diary, hindi tumama sa akin ang kutsilyo. May kamay na humawi rito. Mariin akong niyakap ng babaeng kasama niya ngunit hindi ako kumibo.

Ever AfterWhere stories live. Discover now