Napatingin ako sa malayo. "Camille."

"Yeah?"

"He's you're boyfriend and you love each other, I think everything will be alright. You're kind and understanding, I'm sure magwowork ang relationship niyo."

Natawa ito ng mahina. "Minsan naiisip ko mas gusto kong maging ikaw. I want to be invisible too."

"Hindi mo alam ang pakiramdam na tratuhin kang hangin, Camille. Mahirap. Bakit pa kasi namatay si Mama dahil sakin?"

Akala nila Papa ay isa lang ang anak nila. Hindi kasi ako nakita sa Ultrasound dahil natabingan daw ako ni Camille at nang inilabas ako ni Mama, n'un siya nalagutan ng hininga.

"Hindi mo naman kasalanan ang lahat. Sadyang makikitid lang ang utak ng ibang tao, Luna. One day, he will realize that he's lucky to have a daughter like you." Mahinang sabi ni Camille habang nakatingin sa tubig.

"Congratulations. Magiging Reyes ka na."

"Yeah." Tumawa siya ng pagak. "Someday, I'm going to be free as a bird."

Hindi ko na natanong pa sa kanya kung ano ang ibig niyang sabihin doon. Nang mag-gabi na ay umuwi na si Dylan. Pinagmasdan ko ang kotse nito hanggang sa hindi ko na makita pa.

Ilang araw ang lumipas at sobrang busy na ni Camille sa kakaayos ng kanyang kasal. Halos hindi na nga kami nagkikita dahil sa dami ng ginagawa niya. Samantalang ako naman ay gumagawa ng maraming desinyo ng damit dahil kailangan na iyon makita ng customer ko bukas. Halos ilang kape na ang ininom ko para lang huwag antukin, malait na kasi ang deadline at kulang pa ako ng tatalo pang disensyo.

Nakaupo ako sa harap ng aking table at napipikit na ang aking mata nang bumukas ang aking pinto at pumasok si Camille. Nakapantulog na ito. Tumingin ako sa aking relo at napag-alamang alas-kwatro na pala ng umaga at hindi pa rin ako natutulog.

"Hi." Sabi nito.

"Ang aga mo naman nagising?" Humikab ako.

Nag-iwas ito ng tingin. "Ano, kasi, may gusto lang akong papirmahan sayo."

Tiningnan ko ang hawak nitong folder.

"Huh? Ano?"

"Ahm, gusto kasi kitang gawing partner sa ipapatayo kong bagong negosyo. Ano lang 'to, pirmahan mo nalang." Nabahid ko ang kaba sa kanyang boses.

Inilahad ko ang aking kamay. "Akin na."

Nang mahawakan ko ang folder ay nakaramdam ako ng hilo. Agad na lumapit sa akin si Camille.

"Pirmahan mo na iyan at matulog ka na."

"Teka, babasahin ko pa." Hinanap ko ang aking reading glasses ngunit pinigilan ako ni Camille.

"Huwag na. Hindi naman kita lolokohin dahil kapatid kita. Pirmahan mo nalang dito." Sabi nito. Tumango ako at kinuha ang ballpen at pinirmahan iyon. Matipid ko itong nginitian at naglakad papunta sa akin kama.

Pagkatapos ng dalawang araw ay lumipad na ako papunta sa CDO para maihatid ang drafts. Nagpaschedule ako ng flights sa araw mismo ng kasal ni Camille, iyun nalang kasi ang available na araw dahil peak season ngayong Disyembre.

Pagkapasok ko sa airport ay may ilang pasahero na nagkakagulo dahil sa delay ang flight. Nagpanic ako dahil ilang oras nalang ay magsisimula na ang seremonya. Tinawagan ko si Camille upang sabihin dito ang sitwasyon ko

"I'm sorry, Veronica Camille. Hindi ako makakabot sa kasal mo." Naiiyak kong sabi. Hindi ko naman ginustong mawala sa kasal ng nag-iisa kong kapatid. Pero kasi, hindi ko rin inaasahang nasira ang eroplanong sasakyan ko sana pabalik sa Bulacan.

MARRIED BY MISTAKE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon