05: Zeo's Zone

53 9 27
                                    

The next few days has been a blur, a bliss even. Even though it's almost Midterms at ang daming ginagawa, I still sleep and wake up with a smile. Guess whose fault is that?

Halos sa library na 'ko nakatira nitong mga nakaraan. Umuuwi na lang ako kapag matutulog at maliligo. Hindi ko kasi kaya mag-aral sa bahay. Nangingibabaw katamaran ko ro'n, eh. Hindi rin naman gano'n kahirap mga ginagawa namin, sabay-sabay lang talaga tapos mga HRM major pa ka-grupo mo. Chos.

Hindi na rin muna kami nagkikita ni Zeo pero we try our best to talk every night kahit saglit lang. That usually ends in one of us falling asleep while Facetiming, but I'm okay with that. He really has a pristine aura even if he's awake, paano pa kaya kapag natutulog?

Until one day, I woke up with a headache. I probably stay up way too late na naman.

I looked at my phone. Ang dami kong notification galing kay Zeo sa messenger.

Ang daming missed call but what caught my attention is the removed messages. Sa sobrang dami, I lost count.

Hey. What's with the removed messages? I typed.

Hindi siya online, so I shrugged. Mag-r-reply naman siya mamaya.

At school, tahimik lang kaming tatlo nila Krystal at Marlon. Super daming groupings kasi talaga na need mo mag-salita in front. Syempre, as introverted people, ubos energy naming tatlong bading.

I looked at my phone. Wala pa ring reply si Zeo pero hindi ko muna pinansin. Baka busy lang.

Nakahanap kami ng table sa Pavilion. Umupo kami tapos tahimik na kumain, halatang mga pagod.

After naming kumain, kanya-kanya kaming open ng laptop. Tamang last minute cram lang for our next subject. Rizal.

"Zelo!"

Hinanap ko 'yong pinanggalingan ng boses. I looked at my right, and I saw James walking towards our direction. May hawak siyang dalawang iced tea tapos naka-WRP uniform. Green dry-fit sa taas at medyo fitted na jogging pants sa baba. He's wearing a color red running shoes.

Napalunok ako. Pota?! May bakat!

Nginitian ko siya saka saglit na kumaway. Umupo siya sa tabi ko at pinakilala ko na si Krystal at Marlon na nasa harap namin. Dalawang beses na silang nagkikita, eh.

James leaned towards me. "Ang pogi nung Marlon," he whispered to my ear.

Pabiro ko naman siyang tinulak saka tumingin kay Marlon. "Marlon! Ang pogi mo raw sabi ni James!"

Namula naman si James sa hiya pero tinawanan ko lang. Natawa rin siya after. Gano'n din sila Krystal at Marlon. "Alam ko," natatawa niyang sagot. Itinuro niya 'ko. "Si Zelo rin naman pogi, eh."

"Bakit ako? Si Krystal, very adorable."

Tawa lang kami nang tawa habang nagpapasahan kung kanino dapat mahumaling si James. Medyo nakakatuwa rin na hindi awkward si James sa dalawa kasi nakikisakay pa siya minsan sa mga jokes naming tatlo.

Kinalabit niya 'ko no'ng manahimik 'yong dalawa. May report kasi grupo nilang dalawa ngayong araw, tapos ako sa susunod na araw pa. Itinulak niya 'yong isang iced tea na hindi niya iniinom kanina pa papunta sa akin. "Inumin mo na 'yang iced tea mo."

"Akin ba 'yan?" He nodded. Sinamaan ko naman siya nang tingin. "Sana kanina mo pa binigay! Kaloka 'to."

"Ay? Walang thank you?"

"Thank you, mamshie ko."

Dahil lang do'n sa isang beses na naging partner kami ni James sa isang task namin for publication, feeling ko naging close na kami kahit papa'no. First year college rin siya ngayon tulad namin, Communication major. I'm not sure if he's straight or not anymore, pero feeling ko naman straight talaga siya. Mukha lang siguro siyang straight na napalaki talaga nang maayos at malinis ng parents kaya napagbibintangan ni Marlon na bading.

But With an LWhere stories live. Discover now