"Sino yan?" i mouthed to Vanjie and she said na si PJ daw.

Tumingin naman ako kay Bianca na may ka-text sa phone. Sa curious ko lumapit ako at tinignan kung sino yun, baka mamaya yung Boyfriend nanaman niya na walang hiya.

Pero nagkamali ako, Si kiro. Sa messenger sila nagcha-chat at meron pa talagang sinend na picture si kiro.

Ano yan? O my.

ERASE, ERASE.

Magkaibigan lang sila, parang kami ni Ma-

Ops hindi pala kami friends.

"Oh ang cute naman ni Mave, Diba Shantal"- malakas na sabi ni Vanjie kaya napatingin ako ganun din si Bianly.

Bigla na lang lumapit si Shantal at Vanjie sa tabi namin ni Bianly.

"Kanina ka pa diyan?"- gulat na tanong ni Bianly sa akin sabay tago ng phone. Umiling ako kaya bumalik siya sa sarili at tumingin kay Shantal.

I lied and I'm sorry.

Tumingin din ako kay Shantal na nasa tabi ko na.

Nagulat na lang ako nang harap pala sa akin ang front cam at nakikita ko si Maverick na nasa kabilang linya.

Tumawa naman sila Vanjie ganun na din si Mave.

"wtf?"- gulat na gulat na tanong ko kay Shantal.

"he wants to see you daw kasi"- natatawa pa ring sabi ni Shantal sa akin.

"Hi"- bati ni Mave sa kabilang linya

Ngumiti na lang ako bilang sagot. Feeling ko namumula pisngi ko sa hiya. Hindi ko nga alam kung anong itsura ko ngayon kasi sa pagkaka-alala ko hindi ako nakapag suklay kanina.

Ngumiti siya ng pagkatamis tamis "How are you?"

Yan nanaman yung mga paru-paru sa tiyan ko. Hindi ko alam kung gutom lang ba ito or natatae ako.

"Fine, bout you?"- tanong ko pabalik sa kanya kaya mas lalong lumawak yung ngiti niya.

Ano yan? Bat ka ngumingiti, akala ko masungit ka?

"Miss me?"- what the fudge!!

"Huy! anong miss me miss me ka diyan. Kinausap mo ako edi kinausap din kita wag kang feeling diyan kala mo naman kung sinong gwapo"

Pabulong na sabi ko yung last part. Eh totoo naman ang gwapo niyang tignan pag naka ngiti siya, mas lalo lang siyang naging gwapo kasi tumatawa na siya ngayon dahil sa sinabi ko.

Wtf! ano bang pinag sasabi ko?!?

Tinabig ko na yung Phone ni Shantal at inis na humiga sa Higaan ko.

Pinikit ko yung Mata ko para makapag pahinga ako kahit konti.

Pero pagkapikit ko Mukha niya na nakangiti ang nakita ko.

Ang cute cute niya ang sarap pisilin ng pisngi niya lalo na pag tumatawa siya.

Yung ilong niya na hindi naman katangusan gusto ko ding pisilin hanggang sa mamula.

At yung mata niya na makakapag patunaw sayo pag tinitigan mo.

Nagmulat ako ng mata ko.

Gosh nababaliw na ata ako.

Bakit ko ba naiisip yung lalaking yun?

Bakit pag pumukit ako siya ang makikita ko?

Ano yun multo siya at hanggang sa pagpikit ko nakikita ko pa din siya.

"Huy Charlie hanap kana ni Mave"- Napa-upo ako nang sumigaw si Bianly habang tumatawa.

Tumingin ako sa kanya at bakas sa mukha niya ang saya. That's our Bianly, ano kayang nangyare bakit napatawa siya. Pero kung ano man yun masaya ako.

"Naku naku. Sinabi lang ni Bianly na hinahanap ka nakangiti kana diyan."- bumalik ako sa ulirat ko nang magsalita si Vanjie. Hindi ko napansin na nakangiti pala ako at mas hindi ko napansin na kausap pa nila sila PJ at nasa akin nanaman nakaharap ang camera.

"Uy oh, kinikilig"- sigaw ni PJ sa kabilang linya na biglang pinunta kay Mave kaya nakita ko ulit siya.

His blank expression turns into smile when the camera points him and he saw me.

Namamalik mata ba ako?

Don't mind them Charlie nagbibiro lang sila wag kang magpapadala.

Pero bat kinikilig ako?

I've never been this kind of feeling. Kaya hindi ko alam kung anong tawag dito.

Kinikilig ako so means CRUSH ko siya?

"Charlie!"- nagulat ako sa pagsigaw nilang tatlo, inis akong tumingin sa kanila, buti na lang at wala na yung nasa kabilang linya.

Bakit natutuliro ba ako sa kanya

"Bakit natutulala ka diyan girl"- wika ni Vanjie habang nag-aayos na nang sarili.

"wala lang"- sabi ko at tumayo na din para mag ayos ng sarili.

Hindi na siya nagsalita ulit at lumabas na nga kaming apat para sa next session.

"Crush ko na ba siya?"

Hindi ko alam kung Crush na nga ba ang tawag dun, or baka normal lang kasi never kong na-experience ang ganitong feeling.

"Sino te? si mave?"- tanong ni Bianly na ikinagulat ko naman

"Tinatanong mo kasi kung Crush mo na ba siya"- bulong nito kasi nasa loob na kami ng session hall.

Paano niya nalaman yung nasa isip ko? Omg lumalabas nanaman ba mga sinasabi ko sa isip ko.

"Malalaman mo pag Crush mo siya kapag na-uutal ka pag kakausapin mo siya, gusto mo siyang makita kahit isang beses lang isang araw basta makita mo lang siya okay na, indenial ka sa sarili mo na crush mo siya kasi napapatulala ka na lang pag iniisip mo siya at nananahimik ka kapag nandyan sa paligid lalo na pag magkasama kayo. Bigla ka na lang nagbabago at nawawala sa sarili. Yun ang Crush isa ba dun nangyare na sayo?"

oo lahat nangyare na takte Crush ko na nga siya.

"Paano kung di niya rin ako Crush?"- tanong ko sa kanya.

"Hindi naman big deal yun kasi Crush mo lang siya at kapag crush mo ang isang tao never expect anything na magiging Crush ka din niya depende na lang kung may mga pinapakita siyang dahilan para malaman mo na Crush ka din niya."

Hindi na ako umimik dahil nandito na ang lecturer.

Hindi mawala sa isip ko yung sinabi ni Bianly.

Lahat ng yun nangyare na sa akin.

Lahat ng yun naramdaman ko na nang dahil kay Mave.

Lahat yun.

So means...

Crush ko na nga siya.

CRUSH BACK (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon